Fifty Eight
Crystalline skiesAs we enter our home, nasa likuran ko si Noah habang nakahawak ang kamay niya sa kamay kong nasa likuran ko. I can't help but to smile as I feel his cold sweaty hands while we are walking towards the dining area.
"Daphne...sigurado ka bang ayos lang talaga?"
Siguro magmula kanina ay nakakalimang tanong na siya kung ayos lang bang inaya ko siyang dito mananghalian. Limang araw na siyang nagtatrabaho dito, at noong isang araw ay napansin na ni Daddy Lo na madalas akong nasa taniman.
He talked to me, seriously.
Medyo natakot nga ako pero nilakasan ko nalang ang loob ko, andun na ako aatras pa ba ako? But I will never be Skye Daphne Castillo if I will not be vocal with my thoughts.
"So, things seemed to be doing well with you and Noah. Napapansin ko ring palagi kang nakangiti. Is he the reason why?" Usisa ni Daddy Lo saakin.
Kasalukuyan akong nasa garden at doon nagtatapos ng gawain sa IPAD ko.
"Dad..."
I bite my lower lips and nodded. "Ayos na kami ulit. Sorry if I didn't tell you right away." I said warily.
Pero nagulat ako sa naging ekspresyon ng mukha niya. Ngumiti ito saakin at marahang tumango.
"Apo, I may not know how long have the two of you suffered just because of undying past. At ayoko nang maranasan niyo pa sa ikalawang pagkakataon." He sat down at the chair beside me. Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko at parang tinatapik tapik.
"Do you know why I stopped seeking for justice for your Dad?" He said.
"No.."
"Because it will go around again, magsisimula nanaman tayo sa mapait na umpisa at ayoko ng mangyari pa iyon. Sa labang ito, ako ang nagsimula ako rin ang tatapos. Hindi pa ba sapat ang dalawang buhay na nawala?" Saad nito.
"At kay Noel, hindi pa ba sapat na nawala ang mga magulang niya ng dahil saakin. Nang dahil saamin...tama na. Tama na."
His eyes started to filled with tears.
"Hindi lang magulang ni Noel ang ipinagkait ko sakanya. Mismong sarili kong anak, ang anak kong walang ginawa kung hindi ang intindihin ako...ay inilayo ko sa taong tinatangi niya."
Mahigpit kong hinawakan ang isang kamay ni Daddy Lo habang marahang hinahaplos ang likuran niya.
"Nakausap ko na rin si Noel...nitong nakaraan lamang. Gugustuhin ko mang noon pa, pero hindi ako mabigyan ng pagkakataon. Pero ngayon, noong nakausap ko siya nalaman kong pinuntahan mo pala ito." Saad niya saakin.
He smiled. "You did the right choice, apo."
"Just as you said, Dad. Hindi matatapos ang lahat kung walang tatapos rito. And I have the same mindset as yours." Sagot ko.
Niyakap niya ako. "You're so brave...so brave." Saad nito saakin.
Humiwalay ito saakin.
"Gusto ko lang malaman mo...you have my words, ikaw na ang bahalang magpatakbo ng buhay mo. Nang buhay niyo. Andito lang ako, gagabay bilang pangalawang magulang sayo. Mahal na mahal ka namin ng lola mo."
"Thank you." I said with my utmost gratitude while tears our pouring. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman kong saya ngayong sa wakas ay maayos na ang lahat sa pagitan ng lolo ko at ng ama ni Noah.
![](https://img.wattpad.com/cover/229645884-288-k883095.jpg)
BINABASA MO ANG
CRYSTALLINE SKIES (The Elites' Series#2) [COMPLETED//Editing]
RomantikThe Elites' Series #2: Crystalline Skies [COMPLETED] A woman's dignity was described according on how she prioritize her femininity and self respect. But Skye Daphne Castillo broke the rules as she expresses herself in the way she wanted. For her, p...