TWENTY -TWO
Crystallines Skies
"So..." hinila ni Aaliyah ang isang baso saakin na may lamang beer. "Tama na? Go home Skye, or tatawagan ko si Levi para masundo ka dito. It's not healthy, besides baka magalit ang Daddy mo pag lasing kang umuwi sa bahay niyo."
Umiling ako. "I'm fine..." sagot ko at kinuha muli ang baso ko.
It's been 2 weeks. Two weeks of hell and bitterness. Ayoko naman talagang magmukmok, ayoko naman talagang nakaramdam ng ganito pero para sarili ko mismo ang naguudyok para humanap ng paraan para manlang mabawasan yung nararamdaman ko.
Ang sakit pero hindi ko kayang maipaliwanag yung sakit na lumulukob saakin.
I'm still in vagueness, napakalabo kung bakit bigla nalang nag kaganoon. Bakit sa isang bigla ay matatapos nalang sa isang iglap?
I know I was at fault, because I was stupid for doing that to him pero lahat ng yon ay aksidente at hindi ko naman inaasahan.
Pero kahit pag balibaligtarin naman ay kasalanan ko pa rin and that's what hurts the most, I was the reason for my own pain. Baka nga hindi ko na kailangan ng dahilan kasi simula palang ako naman ang puno't dulo. I just need to accept that hurtful fact, because the truth hurts. At wala na dapat dahilan para patuloy akong maguluhan kasi nasaakin ang mismong sagot.
"Heart broken ba yan Iyah? Eh turuan mo nalang, kay dami daming lalaki dyan. Sus, masyado tayong maganda para saktan!" She's Mama pip. The owner of the bar where Aaliyah lives. Two story building to at sa itaas siya rumirenta ng bahay dahil nasa probinsya ang pamilya niya.
"Mama pip, wag tong si Skye ahh." Sagot ni Aaliyah.
"Bat naman wag, madaming mabibinwit yan. Tisay eh. Yan ang hilig ibooking, tiba tiba ka don ganda." Saad niya saakin at naupo sa tapat na upuan sa lamesa namin.
"Di niya kailangan ng pera Mamang, baka nga kahit kumayod tayo gabi gabi eh di natin matapatan yan." Pagbibiro ni Aaliyah.
"Ay rich naman pala! May kuya ka ba dyan? Baka naman!"
Natawa nalang ako sa sinabi niya kapag sinabi ko parang ibinubugaw ko na ang kapatid ko.
"Meron kaya lang may girlfriend." Sagot ko na ikinasimangot niya.
"Sayang naman! Wampipti na sana siya sakin." She said as she lit up a cigarette.
"Gaga, 1500 hina ng 150 ikaw nalang magpabayad sa Kuya niya." Ani Aaliyah.
"Skye payag ba kuya mo sa talong? Wala akong pechay eh." Saad ni Mama Pip saakin. Nagtawanan kaming tatlo habang napailing nalang ako.
Sa loob ng dalawang linggo ay halos nalaman ko na kung paano ang mundong ginagalawan ni Aaliyah. At saka kung paano ang kalakaran na meron sa mga ganitong bagay. Nakakatuwa lang dahil kahit ganito ka simple ang buhay nila they seemed to be happy and carefree.
Puno ng biruan at kantyawan, kahit pa hindi ganoong kabukas ang isip ng mga tao sa gawaing ginagawa nila. They sold their own bodies and setting aside their pride and dignity to earn money.
Pero para saakin naman, basta wala kang tinatapakang tao ay walang problema. It's your body, and you have the rights to decide for yourself.
"Sige tatanong ko." Gatong ko naman sa biro niya.
"Ay betsung!" Pumalakpak pa si Mama Pip na akala mo nanalo sa lotto. Kinagabihan naman ay napag isipan ko nalang din umuwi. Pagagalitan din naman ako lubusin ko na, parang hindi pa ako nasanay sakanila.

BINABASA MO ANG
CRYSTALLINE SKIES (The Elites' Series#2) [COMPLETED//Editing]
RomansaThe Elites' Series #2: Crystalline Skies [COMPLETED] A woman's dignity was described according on how she prioritize her femininity and self respect. But Skye Daphne Castillo broke the rules as she expresses herself in the way she wanted. For her, p...