CHAPTER TWENTY EIGHT

19 0 0
                                    


TWENTY - EIGHT
Crystalline Skies


Tahimik akong nakaupo sa waiting area ng emergency room. My mind still cannot process what is happening.

Bakit?

Sino?

Sobrang daming tanong ang tumatakbo sa isipan ko. Mga tanong kung bakit may mga bagay na nangyayari gaya nito?

Kakaumpisa palang ulit namin ni Noah, binubuo paulit namin ang mga bagay na nasira noon. Sinira nanaman ulit ngayon ng tadhana.

Why does fate had to be so cruel? Kukunin niya ba saakin si Noah? Dahil ba sa sobrang tigas ng ulo namin ay kailangan nalang ma mawalang isa saamin para huminto na kami?

Gusto ko lang naman na matahimik, kasama siya. Maging masaya lang kami pero sa bawat saglit na saya, sobrang sakit ang kapalit. Ang daya daya naman ng mundo.

Maya maya ang may lumabas na nurse.

"Ikaw po ba ang kasama ng pasyente?" Tanong nito.

"Opo, ako nga po." Sagot ko.

"Eto ang iilang gamit na nakuha namin mula sakanya, alam mo ba kung paano makokotact ang parents niya? We need to discuss things regarding his injury." Aniya.

"Sige po tatawagan ko po, kamusta na po siya? Ayos lang po ba siya?" Tanong ko.
"As of now he is stable, mabuti nalang at nadala agad ito sa ospital kung hindi baka naubusan siya ng dugo. Ayon, lang sa ngayon. Pakicontact nalang ang magulang niya ng malaman nila ang lagay nito." Saad nito at agad ding bumalik sa loob.

Kinuha ko mula sa plastic ang phone niya at hinanap sa contacts niya ang number ng mommy niya. Mabilis naman itong nakasagot.

["Anak? Where are you gabi na, nag aalala na ako. Wala din ang dad mo dito---"]

Nagulat ako ng may humablot sa phone na hawak ko at sa mga gamit ni Noah.

It's his father, humahangos ito at tila nagmamadaling pumunta rito.

"Where is my son?!"

"N-nasa loob po."

His eyes are blazing in anger, tila timutusok ako ng matatalim niya titig. Mabilis niya ring tinanggal yon.

"Umuwi ka na, baka hinahanap ka na ng magulang mo." Utos nito.

Ayoko man umuwi pero wala din akong magagawa, my mom and dad doesn't know what is happening kaya kailangan ko ding umalis labag man sa loob ko at hindi ko pa nalalaman ang buong kalagayan ni Noah.

"Pwede po ba silipin ko lang si Noah kahit sandali?" Nilapatan niya ako ng malamig na tingin at saglit na hindi sumagot.

"Nasasayo naman yon." Aniya.

Lumabas ang isang nurse at saka ito nilapitan ng ama ni Noah para matanong kung anong lagay nito. Hindi ko na masyadong marinig dahil nasa may kalayuan sila at ako naman ay nanatili sa pwesto ko.

Ilang beses ng tumutunog ang phone ko, panigurado ay hinahanap na ako ng magulang ko pero sisuguraduhin ko munang maayos si Noah bago ako makauwi.

Hindi rin naman ako matatahimik kung uuwi ako ng hindi ko siya nakikita.
Maya maya ay dinala na raw si Noah sa isang kwarto para doon magpahinga, nang may kausap sa phone ang tatay niya ay sumaglit ako papasok sa loob ng kwarto niya.

May nakakabit na swero kay Noah at nakabenda ang ulunan nito. May mga bagay pang nakakabit pero hindi ko na inalam pa, ang mahalaga ay maayos at ligtas siya ngayon.

"Babalikan kita bukas hmm? Pagaling ka." Marahan kong hinaplos ang kamay niya at sandaling tinitigan ang mukha niya bago siya tuluyang iwanan sa loob.

Pagkalabas ko ay saktong papasok ang ama nito.

CRYSTALLINE SKIES (The Elites' Series#2) [COMPLETED//Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon