CHAPTER FORTY SIX

22 0 0
                                    

Forty Six
Crystalline Skies

Mula sa labas ng village ay pumara agad ako ng taxi. Pinagdrive ko lang yung driver kahit saan, basta makalayo.

I tried to contact Noah. But he did not answer, hindi ko na rin siya nakausap pa magmula noong pagbalik namin. I just heavily slap my thighs is frustration.

This happens everytime, he'll choose not to talk to me after a mishap just happened. But I kept my full patiences. Pero nakakahalata na rin ako.

I don't know where to go, kaya naman dumiretso ako sa bahay nila. Pagbaba ko ay agad ako nag bayad at dumiretso sa harap ng bahay nila.

Bahala na, I don't care if his dad would be here. My mind is so blank right now, ang gulo gulo. Kaunti na lamang ay tatakasan na ako ng katinuan.

Gusto ko lang makakita ng taong alam kong maiintindihan ako.

Maya maya ay may nagbukas saaking trabahante.

"Sino pong hinahanap nila?"

"Andyan po ba si Noah?"

"Sino po sila?" Tanong nito.

"Kaklase niya po ako, andyan po siya ngayon?"

"Ay naku hija, noong isang araw pa lumipat sina sir."

"Lumipat? saan daw po?" Tanong ko.

"Oho, ni hindi rin sinabi kung saan. Biglaan din. Kaya pasensya na kayo wala akong maibibigay na sagot sainyo." Sagot nito

"Sige, salamat po." Tumango ito at pinagsarahan na ako ng pintuan.

Wala ako sa sariling naupo sa gilid ng kalsada. What is going on? Sobrang malas ko naman yatang tao, ganti na ba saakin to ng tadhana dahil sa mga ginawa ko?

Bakit naman sobrang sakit ng lahat? Sa loob lang ng ilang araw, ilang tao ang nawala sa buhay ko.

My Father, Kuya Sean...and now he left me without uttering any words.

Even a goodbye?

12:00 AM.

Malalakas na putukan ang sumalubong ng sumapit ang bagong taon. Makukulay na ilaw ang bumalot sa kadiliman ng gabi.

But even though those firecrackers gave light, my life lost its will to shine.

Mag isa lamang ako sa loob ng isang waiting shed. Hindi ko alam saan ako magpapahinga ngayon. O may tao bang magbubukas ng pinto nila para saakin.

I unconciously went on Noah's message. And greeted him.

To: Noah
Happy New Year!

He didn't even bother to read my message.

I stood up.

My life won't move on unless I'll do the did.

Maya maya ay nakarating ako sa bar kung saan nakatira si Aaliyah. Maingay ito at punong puno ng taong nag didiwang ng bagong taon. Pagkapasok ko ay bungad saakin ang liwanag at mas lumakas ang ingay.

Smoke and the smell of alcohol is combined in the air. Napakaraming tao and most of them are drunk men. Agad nilibot ng mata ko yon at hinanap si Aaliyah.

"OMG! Ganda! Nandito ka ulit!" Bungad saakin ni Mama Pip.

"Andito po ba si Aaliyah?"

"Ay Oo, sakto hindi pa nauwi sakanila. Tatawagin ko ahh." Saad nito. Iniwanan niya muna ako sa isang bakanteng table.

"Beb!" Bungad ni Aaliyah. "Grabe, huling balita ko kay Seth ay nawawala ka raw. Ano bang nangyayari?!"

Inusisa niya ang itsura ko.

CRYSTALLINE SKIES (The Elites' Series#2) [COMPLETED//Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon