Chapter 02

406 22 28
                                    

Chapter 02


"Pasalubong ko,Ate Daya! Wag kalimutan." Yan ang huli kong narinig na sigaw ni Felicia bago magsara ang elevator na sinasakyan ko ngayon.


'Pasalubong na kurot'


Nang makalabas ako sa building ay agad konh ipinag-pasalamat na may dumaang jeep kaya hindi na ako nahirapang maglakad papunta sa terminal mismo.


Masyadong malayo mula dito ang lokasyon ng flower shop ni Ma'am Zianna kaya para makatipid ay mag je-jeep ako, lalo na at tatlong libo na lang ang natira sa pera ko at kailangan ko pa 'tong tipirin para makahanap ng apartment sa Makati dahil mapapalayo ako lalo kung sa condo pa ako ni Martha uuwi.


HUMINTO ANG jeep sa terminal na hindi naman kalayuan sa flower shop kaya doon narin ako bumaba pagkatapos mag bayad.


Mahigpit akong napahawak sa strap ng bag ko nang maramdamang kumirot muli ang sugat ko nang hindi ko na matiis ay huminto ako sa paglalakad.


Napatingin ako sa relong pambisig ko at nang makitang 2:57pm na ay nanlaki ang mga mata ko at tinanaw ang direksyon patungo sa flower shop.


Shit!



Kahit na kumikirot ang sugat ko ay pinilit ko nang tumakbo patungo sa flower shop. Ang sabi pa naman ni Ma'am, 3pm sharp daw kaya kailangan ko pa'ng takbuhin ito.



Hinihingal akong huminto sa tapat ng flower shop at hindi pinansin ang ilang dumadaan na pinagtitinginan ako. Inayos ko ang buhok ko at pumasok na sa shop na walang taong nakabantay kundi si Ma'am Zianna lang na nakaupo sa loob ng counter at nakahalukipkip na nakatingin sakin pero nanlaki ang mga mata nya ng dumapo iyon sa bewang ko kaya agad din akong napatingin doon, umawang ang labi ko nang makitang may bahid ng dugo ang puting t-shirt ko.



Bwisit malas bakit ngayon pa?



"What happened to you?" Tanong nya at pinaupo ako sa isang silya. "Dito ka lang, kukuha ako ng first aid kit sa opisina ko. Don't move!"



Dahil sa inaakto n'ya ay tumango na rin ako dahil nahihimigan ko ang awtoridad sa boses niya.



Agad s'yang pumasok sa isang kayumangging pinto at habang hinihintay s'yang lumabas ay hindi ko naman mapigilang mamangha sa disenyo ng shop n'ya.



Iba't-ibang klaseng bulaklak ang nasa gilid at may iba't-ibang painting din na puro bulaklak ang nakapinta. Naghalo din ang iba't-ibang amoy ng bulaklak dahilan para mapapikit ako sa sobrang bango nitong shop.



Nakaka-relax. Kung ganito lang din ang araw-araw kong pangangalagaan baka hindi na ako umuwi.



"Itaas mo na ya'ng damit mo, ako ang gagamot sayo." Napaigtad ako sa sinabi ni Ma'am Zianna na nakalabas na pala ng opisina nya.



Dala nya ang isang first aid kit at kumuha ng isang silya at nilagay iyon sa tapat ko bago sya umupo.



"A-ako nalang ho—"



"—ako na! Habang ginagamot kita, i-interview-hin kita, hanggang 4pm lang ako dahil susunduin ko pa ang bunso ko." Aniya at ngumiti habang nagsisimula nang maglagay ng betadine sa bulak.


At gaya nga ng sinabi ni Ma'am Zianna,nagsimula na sya'ng mag tanong habang ginagamot ang sugat ko.


"Anong full name mo?" Tanong nya.


Marked By The PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon