Chapter 07
DIANARA
"Bakit kausap mo si Rafael Hidalgo kanina?" Tanong yan ni Zihyun habang nagmamaneho na pabalik sa LeDes Trias.
"Kilala mo sya?" Takang tanong ko.
"Yeah, now answer my question woman." Seryosong aniya habang nakatuon pa rin ang tingin sa pagmamaneho.
"Nag-usap lang kami tungkol sa kung ano-ano." Sagot ko at ngumiti.
"What kind of talk, then?"
"Alam mo naman siguro ang ibig sabihin ng private conversation, 'di ba?" Iritang bumaling ako sa kanya at umirap.
"I was just asking..." pagdadahilan n'ya pa, ", and what's the fuss if I'm asking you about talking to other man out there, let me remind you Diana, I'm your husband!"
Nakalimutan niya yata na hindi pa kami opisyal na mag-asawa.
Kailangan ko na 'atang masanay dahil tuwing nagkakasagutan kami o may hindi pagkakaintindihan ay pinapaalala n'ya sa 'kin kung ano ko s'ya, memorize ko na ang mga linyahan nya e'. Kung hindi 'our marriage will be official' ay 'I'm your husband' naman ang sasabihin niya.
"Nag-usap nga lang kami, bakit kailangan mo pang alamin kung ano ang pinagusapan—"
"—'cause I saw how you hugged him earlier, before you left." Mariing wika n'ya na medyo nagpa-kaba sakin.
Pero siyempre hindi ako magpapatalo. Wala namang mali na niyakap ko ang kapatid ko kanina.
"Ano'ng masama sa pag-yakap ko kay Rafa, ha?!"
"And you even called him Rafa, like an endearment," umingos s'ya na parang batang nag seselos dahil hindi nabigyan ng candy at ang mga kalaro niya ay meron.
Wait—nagseselos ba ang isang 'to? Tsk, 'wag ka ngang assumera, Daya!
"Malamang tatawagin ko s'yang Rafa kasi 'yon ang gusto n'yang itawag ko sa kanya." Totoo naman ang sinabi ko.
Ewan ko na lang kung maintindihan ng lokong kasama ko ngayon.
Umingos na naman s'ya pero hindi na nagsalita, sakto namang itinigil n'ya ang kotse sa tapat ng LH Building dahilan para ipagtaka ko.
Kahapon kasi ay sa basement o parking lot niya idineretso ang kotse.
"Hindi mo ba i-pa-park 'to sa basement?" Kumunot ang noo ko at tumingin sa kanya.
"Ihahatid lang kita, may pupuntahan lang ako saglit, uuwi rin ako." Aniya at walang gana akong tiningnan.
Nagkibit balikat ako, "Sige, ingat." Ani ko saka lumabas na ng kotse at sinarado na ang pinto nito.
Walang lingon-lingon akong naglakad papasok sa lobby ng LeDes Trias, main building ng LH Building kung saan magkakonektado lang patungo sa penthouse ni Zihyn nagtungo ako sa elevator at pinindot ang button ng palapag kung nasaan ang penthouse ni Zihyun.
PAGKARATING sa tapat ng penthouse ni Zihyun ay pinindot ko agad ang mga numero na sinabi nya sa 'kin kanina bago kami umalis patungo sa Mall dahil 'yon daw ang passcode nitong pinto ng penthouse n'ya.
P'wede rin namang i-swipe lang din ang card pero nasa kanya ang card kaya yung code na lang ang sinabi n'ya sa 'kin para pag incase na pareho kaming may lakad ay makakapasok ako kahit wala s'ya.