Chapter 03

330 19 11
                                    

Chapter 03


Five months later.....



"Ate Daya! Kain ka muna, hinahanap ka rin po ni Francis sa baba, Ate. Na-miss nya na raw po ang magandang tita nya." Mahinahong ani Felicia nang madatnan nya ako sa bakuran ng bahay na nagwawalis.



Bumuntong hininga ako at tumigil sa pagwawalis bago sya hinarap. "Busog pa ako, Felicia. Mauna na kayong kumain, papasok din ako mamaya."




Pero hindi gaya nang dati na imbes na umalis s'ya ay inis nya akong tiningnan,  "Atenaman, tingin mo ba magugustuhan ni Tatay kung sakali mang nakikita ka n'ya ngayon na nagkakaganyan? Dalawang araw ka nang walang ganang kumain, ilang araw ka nang tulala, limang buwan na ang nakalipas,magpahinga ka naman, o'."



Halos nagmamakaawa ang boses nito at agad na ipinilig ang ulo n'ya, pasimpleng pinunasan ang luha'ng bumalatay sa pisngi n'ya.



Lumapit ako sa kanya at niyakap. Ang hirap pag nakikitang umiiyak si Feli nang dahil sa 'kin.


Limang buwan na...at sa limang buwan na 'yon ay nalubog kami sa utang. Inatake sa puso si Tatay dahil nalaman n'yang nakulong si Nanay, nakapatay ito matapos makainom.



Umalis ako sa Zephaniah's Garden nang walang paalam kay Ma'am Zianna at isa pa 'yon sa pinoproblema ko. Maaari nila akong kasuhan dahil pumirma ako ng kontrata na dalawang taon akong magtatrabaho sa shop maliban na lang kung sila mismo ang magpapaalis sakin.


Pwede ko naman silang bayaran sa araw na hindi ako pumasok pero...paano ko magagawa iyon kung wala akong perang pinagkukuhaan kundi ang naiwang maliit lang na tindahan ng gulay na itinayo ni Felicia para kay Nanay na unti-unti na'ng napabayaan?


Lahat na lang mahirap!


"Kakain na 'ko, tara na sa loob ng bahay." Wika ko at tumango naman si Felicia matapos humiwalay sa pagkakayakap sakin at nauna nang pumasok sa bahay.


Tiningnan ko pa ang kabuuan ng labas ng bahay namin na dati ay kubo lang...ngayon ay semento na at may pintura tsaka babasaging mga bintana, napapalibutan ito ng mga bulaklak.



Second floor ang bahay namin at may dalawang malaking kwarto sa itaas. Pero hanggang ngayon ay hindi ko parin magawang pumunta doon, napaka raming ala-ala na naiwan ni Tatay doon kasama kaming magkakapatid.



Sa limang buwan ko rito sa probinsya galing Maynila simula noong namatay si Tatay ay sa sala ako parati natutulog kaya doon na rin natutulog ang mga kapatid ko.



Kahapon ang ikalimang buwan ng araw na pagkamatay ni Tatay kaya hindi ako naka-kain ng maayos dahil lahat ng ala-ala ay muling nagbalik sa isipan ko.



"Ate Daya! Si Tatay nasa hospital." Natatarantang ani Felicia nang makapasok s'ya sa opisina ko rito sa flower shop.


Napatayo ako sa kinauupuan ko. "A-ano? Bakit anong nangyari? Si Nanay nasaan—"



"Inatake sa puso ang Tatay,Ate!" Umiiyak na ani Felicia dahilan para mapasinghap ako.




"Nasaan sila ngayon? Nadala na ba s'ya sa hospital?" Pati ako ay nataranta na at agad na kinuha ang sling bag ko at nagmamadaling lumabas ng opisina ko kasama si Felicia.




Marked By The PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon