Chapter 28

188 12 15
                                    

Chapter 28



"Buntis ka?" Martha asked. I didn't know that she would be here in this party na sobrang tagal magsimula.




"Paano mo nalaman?" 




Umirap siya sabay nguso, "Nalaman ko kay Farrah, ang daya. Siya unang nakaalam sa aming dalawa. 'Yong totoo, sino ba talaga sa amin ang best friend mo?" She joked.






Tinawanan ko lang siya, "Gaga, noong nakaraang araw ko lang din nalaman. Hindi pa nag-iisang linggo, 'no." Inirapan ko siya.






"Ang sungit mo ah! Sino ka? Hindi ikaw ang best friend ko na si Nara!" Napangiwi ako itinawag niya sakin.





"Oh talaga, Martha?" Pagbawi ko rin sa kaniya at agad naman nagsalubong ang kilay niya sa inis.





"Maria Thanaya nga ang kulit nito. Ang bantot kaya ng Martha!" Umirap siya.





Bawat asar namin sa isa't-isa ay may kasamang pag irap kaya hindi na ako magtataka na akalain ng iba na nag-aaway kami.




"Oh, Dianara nga kasi!" Umirap ulit ako.




"Sabi mo e'. Pero ang shala mo ha! Mahal ka ng asawa mo? Akala ko hihiwalayan ka kasi di matitiis ang ugali mo e'." Nahampas ko siya sa braso pero hindi naman iyon masakit kaya nang umakto siyang nasasaktan ay inismiran ko rin kaya tumigil din siya sa ka-OA-han niya.




"Sinong hindi maloloka sa ganda ko?" 




"Ay iba. Sana all." aniya.




"Gaga, ikaw kailan ka magkaka-asawa?" Ako naman ngayon ang makiki-intriga sa bruhang to.





"Wala akong boyfriend kaya paano ako magkaka-asawa? Palibhasa kasi ikaw e' diretso pirma agad ng marriage contract. Eh ako? Waley pa rin, 'te." 





"Oh! Bakit parang kasalanan ko? Boba ka akala ko ba sa ating dalawa ikaw ang mahilig makipag landian? Ilabas mo yan ngayon tapos maglibot-libot ka rito sa party, malay mo dito mo mahahanap ang Mr. Right mo." Tinaasan ko siya ng kilay.





Napailing siya, "Mamaya na. Nakakahiya!" 






"Pucha! Hiya ka na niyan?" Humalakhak ako at napanguso naman siya, sinubukang pigilan na mapangiti.




"Wag ngayon!" Kunwari'y pa ay tinatakpan niya ang mukha niya. 




Ang bruha feel na feel din.





"Maghanap ka na ng boyfriend, gawin mong dating event 'to. Pero siguraduhin mong walang asawa ha, baka maging instant kabit ka naku! Walang lawyer sa 'tin ni Farrah!" 




"Pwede ko naman siguro jowain yung kakambal mo 'no?" 





Sinamaan ko siya ng tingin, "Wala pang balak magjowa ang isang 'yan. Laging abala sa trabaho." 





Bumagsak ang balikat niya at inilibot ang tingin sa mga taong naroon, "Ay ayon, bet ko 'yon." Pasimple niyang tinuro iyong lalaki na kausap ni Zhaffiro at nang tingnan ko kung sino ay napailing ako kaya naman ay tiningnan niya ako.




"Wag 'yan, may hinahabol na ex 'yan." Natatawang wika ko.


"'Yon na lang!" Tinuro niya si Kalvin. Zihyun's cousin.




"Bet niya yung pinsan ko," Napangisi ako.




"Eh asan ang pinsan mo na yon kung ganoon?" 




Marked By The PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon