Chapter 17

218 14 13
                                    

CHAPTER 17



Second chance, para sa mga taong deserve na pagbigyan at patawarin ulit, handa na nga ba akong ibigay kay Zihyun 'yon? Madaling ibigay ang isa pang tsansa sa isang tao, pero ang tiwala? Yun ang kailangan n'yang paghirapan.



I gave him a second chance to prove himself, but I also told him that I still could not give him my full trust. 


Marupok na kung marupok, pero tingin ko ganoon talaga kapag nagmahal ka eh, handa kang masaktan. Kasi kung hindi ka nasasaktan, hindi ka totoong nagmamahal. 



Totoo nga ang sabi nang ilan na hindi laging masaya kapag nasa isang relasyon ka, dahil minsan ay magkakasakitan talaga, at dahil sa sakit na pagdadaanan niyo ay parehas kayong matututo.




"Good morning," " Bati ni Zihyun sa akin nang makasakay ako sa loob ng kotse n'ya.




Thursday ngayon, maghahanap na ako ng malilipatan dahil hindi nga natuloy kahapon, s'ya rin ang nag offer na sasamahan ako sa paghahanap ng condo. Tumanggi ako noong una pero mapilit si Zihyun kaya wala rin akong nagawa kung hindi ang pumayag.




"Mmm.." walang ganang tugon ko at hinilig ang ulo sa nakasara'ng bintana ng kotse niya at pumikit. "Gisingin mo nalang ako pag nakarating na tayo sa sinasabi mong condominium."




Humikab ako at ipinikit ang mga mata para matulog habang si Zihyun naman ay nagmamaneho at tahimik lang. Naninibago ako, oo. Pero mabuti na lang din siguro na tahimik siya kahit ngayon lang para naman, makatulog ako.





Kulang ako sa tulog noong nakaraang gabi tapos nakailang ikot pa kami sa oval doon sa fun race, pag-uwi sa bahay ay sumakit ang ulo ko at agad na nagpahinga, pero nagising ako nang mag hapunan, maaga rin sana akong matutulog no'n pero naudlot iyon nang ibigay sa akin ni Rafa ang sandamakmak na files na kailangan ko raw pag-aralan lalo na at ilang buwan na lang ay anibersaryo na ng kumpanya at sa araw din na iyon ay ipakikilala akong Vice President habang si Rafael ay CEO.




Kumunot ang noo ko nang ihinto ni Zihyun ang kotse sa tapat ng bahay ng magulang niya, ganoon nalang ang gulat ko nang makita si Aniah na tumatakbo palapit sa kotse, naka-alalay sa likuran niya si Zhaffiro.



Narinig ko ang pagsara ng pinto ng kotse at hindi na ako nagulat nang makita si Zihyun na nasa labas na at sasalubungin 'ata si Aniah.




At tama nga ako dahil nang makalapit siya sa kapatid ay agad niyang binuhat si Zephaniah, humarap si Zihyun kay Zhaffiro at may sinabi rito saka sumulyap sa gawi ko, napasulyap din si Zhaffiro at tumango sa Kuya niya.




Hinintay ko silang matapos na makapag-usap at agad naman akong umayos ng upo nang naglakad na si Zihyun palapit sa kotse habang karga si Aniah sa kanang braso, binuksan niya ang back seat at inalalayan ang kapatid papasok.




Nang maisara niya ang pinto ay agad akong lumingon sa gawi ni Aniah na mukhang hindi ako napansin dahil abala ito sa iPad na hawak niya kaya naman ako na ang tumikhim para makuha ang atensyon niya.




"Hi." Ngumiti ako at kumaway sa kanya nang magtama ang tingin namin.



"Oh, my freaking go—"



"Since when did you learn to say that word, Zephaniah?" Sabay kaming napatingin kay Zihyun na nakapasok na pala sa driver's seat na mukhang narinig ang sinabi ng kapatid.



"Oops!" Mabilis na tinakpan ni Aniah ang bibig niya gamit ang isang kamay, ang isa naman ay naka-peace sign.


"Tsk! I'm sure you heard it from your Ate Arielle, again." Napailing nalang si Zihyun na lihim kong ikinangiti.





Marked By The PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon