CHAPTER 14
"What the f*ck are you doing here, Zhaffiro?"
"I just want to ask Daya--"
"Don't you dare call her that."
Kumunot ang noo ko nang pagmulat ng mga mata ko ay ang mag kapatid na Zihyun at Zhaffiro agad ang nasa tabi ng kama ko at parehas na masama ang tingin sa isa't-isa.
"Oh, look, she's awake." Tinuro pa ako ni Zhaffiro at inosenteng ngumiti sa Kuya niya na masama ang tingin sa kanya.
Dahan-dahan naman akong umupo para mas maharap sila ng maayos.
"Hi Daya, I'm--"
"I said, don't call her 'Daya', you p*nk!" parang kulog ang boses ni Zihyun na lumukob sa buong kwarto na muntik ko nang ikinaigtad sa gulat kung hindi lang ako nakaupo ngayon.
Tamad na binalingan ni Zhaffiro ang nakatatandang kapatid at nagkibit balikat.
"What should I call her, then?" tanong nito kay Zihyun.
"Umalis ka kaya muna?" sabay pa silang napabaling sa akin nang sabihin ko 'yon habang nakatingin kay Zihyun, nagsalubong ang kilay ni Zihyun ngunit hindi ko siya pinansin at bumaling kay Zhaffiro. "Hintayin mo na lang ako sa labas, gusto rin kitang makausap."
Akmang sasagot na si Zhaffiro nang biglang sumabat ang walang hiyang Kuya niya.
"How 'bout me?"
Walang emosyon na binalingan ko si Zihyun, "Maiwan ka rito o kung gusto mo libutin mo buong isla."
"I'll wait for you outside, Dianara." paalam ni Zhaffiro na tinanguan ko naman bago siya makalabas ng kwarto.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama at hinarap si Zihyun.
"Anong nangyari dyan?" pagtukoy ko sa gilid ng labi niya na may pasa na ngayon ko lang napansin.
Nag-iwas siya ng tingin kaya napabuntong hininga ako, hinintay ko s'yang sagutin ang tanong ko ngunit ilang segundo na ang lumipas ay wala pa rin kaya tinalikuran ko na lang s'ya at nagtungo na sa pinto para sana puntahan na si Zhaffiro, pero hindi ko pa man napipihit ang door knob ay natigilan na ako nang maramdaman ang mahigpit na yakap ni Zihyun mula sa likod ko.
Wag kang marupok! sigaw ng isipan ko pero mas nangibabaw ang bilis ng tibok ng puso ko sa ginawa niya.
"I'm sorry..." nahigit ko ang hininga ko nang sabihin n'ya iyon, parang gusto ko na lang din tuloy siyang harapin at yakapin pabalik---
Hindi pwede...galit ako sa kanya, kaya dapat galit ako---kung kailangan kong layuan siya para hindi maging marupok ay gagawin ko. Pero ang hirap naman yata no'n?
"Layuan mo 'ko!" kumawala ako mula sa mga braso niya at agad na binuksan ang pinto, mabilis ko rin iyon g isinara.
Umikot ako paharap sa pathway kung saan nakatayo si Zhaffiro.
"Paano mo nagawa 'yon?" walang emosyon kong tanong sa kanya.
"I was drunk, Dianara!" sagot niya.
"Sabihin mo nga sa 'kin, ilang babae na ang natikman mo bago ang pinsan ko?" halos habulin ko na ang paghinga ko dahil sa totoo lang ay gusto ko nang sampalin 'tong si Zhaffiro.