CHAPTER 18
"Mag pa deliever na Lang tayo ng pagkain." Suhestiyon ko kay Zihyun nang mag paalam siya na aalis para bumili ng makakain namin.
"Alright." Pagsang-ayon niya at naupo sa sahig.
"Ako na ang o-order. Ilagay mo na lang yung address dito." Wika ko at pinakita sa kanya ang screen ng cellphone ko.
Mas lalo pa siyang sumiksik sa tabi ko habang nakatingin sa cellphone ko. Nakapatong ang baba niya sa balikat ko at nakayakap sa 'kin mula sa gilid.
"Do you mind if I hug you like this?" Tiningala niya ako at nilingon ko naman siya, ganoon nalang ang gulat ko nang mahalikan ko ang labi niya. Ilang segundo akong hindi nakagalaw dahil sa gulat kaya nang makabawi ay agad kong inilayo ang mukha ko sa mukha niya at tiningnan na lang ang cellphone ko.
Araw ba ng marurupok ngayon? Kasi yung puso ko kaunti nanlang ay bibigay na.
"I-type mo na yung address, pupuntahan ko lang si Aniah." Nilapag ko sa tapat niya iyong cellphone bago tumayo at nagtungo sa master's bedroom nitong bahay para puntahan si Aniah.
Sa master's bedroom kasi ay may mga furnitures na daw sabi ni Zihyun dahil nitong mga nakaraang linggo ay dito siya tumutuloy tuwing gabing-gabi na siyang nakakauwi dahil mas malapit daw ito sa kumpanya nila.
Binuksan ko ang kulay kayumanggi na pinto ng master's bedroom para sana tawagin si Aniah pero naitikom ko na lang ang bibig ko nang makita itong natutulog sa kama habang ang iPad niya ay may nag p-play pang video.
Nakatulugan niya 'ata ang panonood ng Moana.
Naiiling na kinuha ko ang iPad niya at in-off iyon at nilagay sa side table. Inayos ko rin ang medyo nagusot na damit ni Aniah bago ako nahiga sa tabi nito.
"Ate Pretty?" Napangiti ako nang magmulat ito ng mga mata at nang makita ako ay mahigpit itong yumakap sa 'kin. "I'll just take a nap po, while waiting sa food."
"Sleep well." Iyon nalang ang naisagot ko nang lumalim ulit ang paghinga nito. Ang bilis makatulog.
And speaking of tulog, pati ako ay inantok habang nakatingin lang sa kisame at nakayakap pabalik kay Aniah, unti-unti akong kinain ng antok hanggang sa bumigat ang talukap ng mga mata ko.
----
"Kuya, I want to ask you somethin'..."
Nagising ako nang marinig iyong maliit na boses ni Aniah.
"What is it?" Boses naman 'yon ni Zihyun.
Iminulat ko ang mga mata ko at bumungad sa 'kin si Zihyun na nakahiga sa tabi ko habang nakaupo naman sa gilid niya si Aniah.
"Do you love, Ate Dianara?" Inosenteng tanong pa ni Aniah dito.
Kinabahan naman ako sa isasagot ni Zihyun, kaya naman nang bumuka ang bibig niya upang sagutin ito ay napapikit ako nang mariin.
"Good evening, Ate Pretty!" Napamulat ako nang mga mata nang halos isigaw iyon ni Aniah, kunwari'y kinusot ko ang mga mata ko nang magtama ang tingin namin ni Zihyun.
"G-good evening." Ngumiti ako bago bumangon, bumaba naman sa kama si Aniah at nag paalam na magbabanyo.
Bumaling ako kay Zihyun at ngumuso, "Gutom na 'ko."