Special Chapter 03

176 9 4
                                    

Special Chapter: Dianara's Life In Antipolo




"Ate Nara," 




Bumaling ako kay Felicia na siyang tinawag na naman ako sa palayaw ko na hindi ko kailanman nagustuhan. Narito pa naman kami sa palengke mamaya ay may makarinig sa kanya at tawagin na rin akong Nara.





"Ate, gusto ko ng halo-halo. Ang init kasi e'. Tingnan mo pawis na pawis na 'ko," nakangusong ani Felicia.





Bumuntong hininga ako at kumuha ng sampung piso sa wallet saka ibinigay sa kanya. Nakangiti niyang tinanggap iyon at agad na tumakbo sa bilihan ng halo-halo.





Humarap ako sa bilihan ng gulay at agad na nginitian si Aling Lusing, kumare siya ni Nanay kaya kilala na niya ako.





"Adobo ulit ang ulam niyo?" Nakangiting tanong niya na ikinatango ko naman.





Hindi naman nagrereklamo sila Nanay o kahit ang mga kapatid ko na laging adobo ang ulam namin. Si Tatay naman ay wala ring sinasabi. 





Paborito ko kaya ang adobo. Ngumuso ako at iniisip na baka ayaw lang nila magreklamo kasi alam nila na paborito ko ito.





Ipinilig ko ang ulo ko bago sinabi kay Aling Lusing na bibili ako ng paminta at toyo. Iniabot niya sa 'kin ang isang supot kung saan nakalagay iyon na agad ko namang tinanggap bago nagbayad.





Hinagilap ng mga mata ko si Felicia na nakita ko naman agad sa may antayan ng tricycle habang kumakain ng halo-halo. Kausap niya si Mang Lando na kaibigan ni Tatay.





"Ate Nara!" Kumaway sa 'kin si Felicia nang makita niya akong naglalakad palapit sa kanya.





Nahagip ng mga mata ko ang isang grupo ng mga ka-edaran ko na bumaba sa isang camper van. Ang yaman siguro nila kasi may campervan sila. Agad akong umiwas ng tingin mula sa direksyon nila nang makitang nakatitig sa 'kin ang isa sa kanila. Babae siya at base sa kanyang itsura ay mukhang amerikana.






"Ate Nara, ang tagal mo." Pagrereklamo pa ni Felicia, ang lakas ng tinig niya na nasisiguro kong narinig ng mga naroon sa paligid namin.





Itong batang 'to napaka ingay. Bakit hindi niya 'ko gayahin na isang tahimik na nilalang lang?





Sumakay kami sa tricycle ni Mang Lando at nagpahatid na sa bahay. Sampu lang ang pamasahe kapag kami ang pasahero. Makuha sila sa tingin ng abo kong mga mata.





Nang makarating sa bahay ay agad na kumunot ang noo ko nang makita ang kotse ni Thanaya na nasa tapat. Ano'ng ginagawa niya rito sa bahay? Gala talaga kahit kailan, tsk.





Pumasok ako sa maliit na gate ng bahay namin kasabay si Felicia. Nauna siyang pumasok sa bahay. Sa labas pa lang ay narinig ko ang maingay na bunganga nila ni Maria Thanaya o Martha na kaibigan ko.





Magkakilala ang papa niya at si Tatay dahil parehas silang may pwesto sa politiko.





"Oh, my gosh! Daya," agad na yumakap si Thanaya sa 'kin.





Sinimangutan ko siya, "Parang tanga, akala mo naman hindi tayo nagkikita araw-araw sa sobrang higpit ng yakap mo."





"Ay, sorry ha. Excited kasi akong ipakilala yung Kuya ko sa 'yo."





Kumunot ang noo ko at agad na tumingin sa likod niya kung nasaan ang sala. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isang lalaki na nakaupo sa silya at nakatingin sa 'kin.





Marked By The PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon