Chapter 11

214 17 20
                                    

CHAPTER 11

ALAS DOS ng madaling araw ay saktong huminto ang kotse ni Rafael sa tapat ng condominium. Pinilit ko talaga siyang kailangan kong umuwi dahil ayokong patagalin ang pagaaway namin ni Zihyun, paniguradong magagalit yun dahil anong oras na nga at ang paalam ko lang kanina ay mag go-grocery ako na hindi nga natuloy dahil sa nangyari.




"Ingat sa pagmamaneho, ikamusta mo na lang ako kay Ryla at Raya mamaya." nginitian ko ang kapatid ko na tumango naman habang sumisimsim sa hawak niyang cup kung saan may lamang kape na binili ko sa kanya kanina nung dumaan kami sa Starbucks.




Mahirap na at baka antukin siya habang nagmamaneho pabalik at madisgrasya na wag naman sanang mangyari.



"See you tomorrow, Ate," ngumiti din sya ng saktong matanggal ko na ang seatbelt at naghahanda na para lumabas sa kotse.

Nangako kasi akong bibisitahin ko sila bukas ng hapon.

"Pagdating sa bahay magpahinga ka kaagad,Rafael." seryosong wika ko at natatawang tumango naman sya.


Paglabas ko ng kotse niya matapos magpaalam ay nagmamadali na akong tumakbo papasok sa lobby ng condominium.


May iilan pa namang tao sa lobby kasama na roon ang anim na guwardiya na may kanya-kanyang area ang binabantayan.



Muntik pa akong matisod noong papasok na ako sa elevator dahil sa pagmamadali ko, paniguradong galit na naman yun si Zihyun.




Napaka mainitin ng ulo pwede nang paglutuan.



PAGDATING sa tapat ng penthouse ni Zihyun ay agad ko iyong binuksan lalo na at hindi naman yun nakalock, but the scene infront of me made me stilled.



T*ngina bakit parang dinaanan ng bagyo itong penthouse niya? Kanina lang ay malinis ito ah.



Mabilis akong napabaling sa pinto ng kusina nang makarinig nang nabasag doon, nagmamadali naman akong tinungo iyon at pagpasok ko palang sa kusina ay napaawang ang labi ko nang makita ang hindi mabilang na bote ng beer na nasa counter top at ang ilan ay nahulog na sa sahig at basag.




"Bakit ba 'to naglasing?" mahinang bulong ko sa sarili ko at agad na dinaluhan si Zihyun nang unti-unti itong umayos ng upo sa stool saka inalalayan siya ngunit ganoon na lang ang pag-awang ng labi ko nang mabilis niyang hinawi ang dalawang kamay ko na nakasuporta sa braso niya.




"Go away." Malamig ang tono ng boses niya nang sabihin niya iyon pero hindi ako nakinig at inalalayan pa rin siya ngunit nang malakas na naman niyang hinawi ang kamay ko ay napaatras na ako lalo na nang bigla siyang tumayo at tiningnan ako bago hinubad ang suot niyang t-shirt saka naglakad palabas ng kusina nang hindi ako kinakausap.


T*ngina, ang ayoko pa naman sa lahat ay yung hindi ako pinapansin at hindi ko alam ang dahilan kung bakit.


Sinundan ko siya hanggang sa humiga siya sa pahabang sofa na naroon.



"Malamig dito Zihyun, doon ka na sa kwarto mo." mahinahong ani ko habang tinatantsa pa ang mood niya ngayon.


"Leave." Yun lang ang sinagot niya sa 'kin saka tinalikuran ako, nakaharap na siya ngayon sa sandalan ng sofa.


"Malamig dito, sige na-"


"Nasa kwarto ko si Alana." parang gusto kong magwala bigla nang malaman ko iyon.


Marked By The PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon