Chapter 16

222 14 3
                                    

CHAPTER 16



"Ate, may pupuntahan ka ba bukas?" Tanong ni Rafael, kinagabihan nang nasa dining area kami para mag hapunan.




"Yeah, maghahanap ako ng lilipatan ko na condo or penthouse na malapit lang sa restaurant at sa kumpanya, hassle kasi kapag dito ako uuwi masyadong malayo." Sagot ko at tumango naman sya, "Bakit mo naitanong?"



"Nothing. I was about to ask you kung gusto mo bang sumama sa Fun Run ng AEC Shelter, our family is invited," Aniya at napaisip naman ako.




"Kailan ba 'yon?" I asked.




"Bukas din sana---"



"Sige, sasama ako," Walang pagalinlangan kong sabi.



"Paano ang paghahanap mo ng malilipatan?" Parang nagtunog guilty pa tuloy siya dahil sa desisyon ko.



"Ayos lang naman sa 'kin, pwede ko namang ipag paliban yon at saka gusto ko rin makatulong. Matagal pa naman bago matapos ang resto." Nakangiting wika ko.


"Okay, sasama rin kasi si Ryla at Raya, niyaya ko rin sila Felicia, but they refused dahil kailangan pa raw nila mag review para sa darating na pasukan." Sambit niya at agad na natigilan nang mag ring ang cellphone niya na nasa hapag at dahil magkalapit lang kami ng upuan ay aksidente kong nabasa ang pangalan ng caller.


Mabilis iyong dinampot ni Rafa at napaiwas naman ako ng tingin at uminom ng tubig.


"I gotta go, Ate." Paalam niya pa at nagmamadaling tumayo pero bago pa siya makalayo ay narinig ko pa ang unang sinabi niya sa kausap, "Hello, Mara!"


Kaaway pala ha.


Naiiling na nagpatuloy ako sa pagkain at pagkatapos noon ay tumulong muna na magligpit ng pinag kainan.



Nang matapos ay pumunta na 'ko sa kwarto ko at hinubad lahat ng suot ko saka dumapa sa kama. Ilang minuto siguro akong ganoon ang pwesto nang biglang mag ring ang cellphone ko na nasa side table.



Dahil sa sobrang pagod ay hindi ko na iyon pinansin at hinayaan nalang na mag ring hanggang sa matigil, pero ganoon nalang ang pagkairita ko nang mag ring na naman. Mukhang hindi ako titigilan ng kung sino man ang tumatawag ngayon. Sinagot ko ang tawag nang hindi tinitingnan kung sino man 'yon.



"Hello?" inaantok ang boses na wika ko pa habang nakapikit.


"I'll call again tomorrow, you seems sleepy." nagmulat ako ng mata at tiningnan kung sino ang tumatawag.



Zihyun



"A-ah...hindi naman."



"What do you mean?" Sh*t. Bakit ang husky ng boses niya?



"Ang ibig kong sabihin, ano....uhm..h'wag mo nang ibaba." Nakagat ko ang ibabang labi ko nang marinig ang halakhak niya mula sa kabilang linya.



Parang na i-imagine ko tuloy yung mukha niya ngayon pagkatapos nang halakhak niya na 'yon, paniguradong nakangisi siya ngayon.



"Uh...hindi ka ba busy?" Tanong ko na lang para naman may topic kami at hindi siya puro tawa.


May narinig akong kaluskos mula sa kabilang linya, "I just got home, from work. How 'bout you?" Tanong niya.


"Katatapos lang namin mag dinner dito sa bahay, nasa kwarto na 'ko," Sagot ko pa habang hinihila ang kumot upang takpan ang katawan ko hanggang sa dibdib. "Ganitong oras ka ba talaga umuuwi galing sa trabaho mo?"

Marked By The PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon