CHAPTER 15
Forget and forgive. 'Yan ang madalas kong naririnig sa tuwing may mga taong malapit sa akin na nasaktan na ng taong mahal nila, pero hindi ko gagawin 'yon.
Siguro ay mapapatawad ko pa si Zihyun, pero sigurado akong matatandaan at tatandaan ko pa rin ang mga nasabi niya sa akin kahit sincere siya sa paghingi ng tawad.
Isang linggo na simula nang makapag bakasyon kami sa Bulalacao Island, ngayon ay balik reyalidad na naman. Wala sila Papa at Mama dahil may business trip sila sa Las Vegas ng tatlong linggo. Si Rylana naman ay abala na sa mga requirements niya dahil gusto niya muna mag trabaho habang summer pa lang. Si Rafael ay abala rin sa trabaho niya bilang Vice President ng kumpanya namin.
At ako? Abala din ako sa pagsisimula ko ng sariling restaurant ko. Bata pa lang kasi ako ay mahilig na akong magluto at pangarap ko na talagang makapag patayo ng restaurant.
Halos lahat kaming nasa bahay ay may kanya-kanyang pinagka a-abalahan, si Felicia kasi ay itutuloy na ang paga-aral niya kasabay ang mga kapatid niya, sa susunod na buwan ay mag e-enroll na sila sa private university.
Masasabi kong ngayong buwan at sa mga susunod na buwan ay magiging abala na ako, bukas kasi ay iche-check ko iyong pagtatayuan ko ng restaurant, last week ay sinimulan na ang paggawa ng resto. Pagkatapos doon ay i-me-meet ko rin ang Architect slash Engineer para pag usapan ang magiging disenyo ng resto ko, tapos sa susunod na araw ay magtitingin ako ng mga condominiums o 'di kaya ay penthouse dahil balak ko na rin bumukod bago pa mag bukas ang restaurant ko.
Sa biyernes naman ay pupunta din ako sa kumpanya namin dahil malapit nang mag retiro si Papa, sa akin niya sana ipapasa ang pangangalaga nito bilang CEO pero tumanggi ako kaya kay Rafael iyon napunta, naintindihan naman nila ako at sinusuportahan din ang pagpapatayo ko ng sariling restaurant, kaya imbes na CEO, magiging Vice President na lang ako.
Nag offer pa nga si Rafael kay Rylana na doon na mag apply sa company pero tumanggi ito dahil mas gusto n'ya raw sa iba, alam niya raw kasi na may special treatment pag doon sya, she wants to be fair at gusto niyang gumawa ng sarili niyang pangalan bilang Attorney someday. Actually, she's a working student, dahil fourth year pa lang siya sa pagiging Law Student.
Ngayon taon ay summer na lang siya pwedeng mag trabaho dahil mas magiging abala na siya lalo na at huling taon na niya sa Law School.
Ako ang nahihirapan sa kanya, pero sa bagay, matalino naman si Rylana, pero sa maarteng boses niya t'wing magsasalita, hindi na ako magugulat na walang matatakot sa kanya sa korte at iisipin na lang ng mga kalaban niya na ang kahinaan niya ay ang maduduming bagay. Typical Rylana.
DUMATING ang araw ng Martes, ang araw na pupuntahan ko ang resto ko para tingnan kung may progress na ba.
Alas sais pa lang ay gising na ako dahil medyo malayo-layo ang pagtatayuan ko ng resto rito sa village, siguro ay dalawang oras pa na biyahe, iyon ang dahilan kung bakit gusto ko'ng bumukod. Dadaan din ako sa drive thru para bumili ng lunch para sa mga construction workers pati na rin kay Engineer.
Marunong na ako mag drive pero takot parin ako kaya nagpapahatid pa rin ako sa driver namin lalo na at next month ko pa makukuha ang driver's license ko.
Alas dose na ako nakarating sa pagtatayuan ko ng resto dahil sa traffic sa EDSA kanina na halos isang oras din bago tuluyang lumuwag. Pero sa pagod ko naman sa biyahe ay agad na nawala nang makita ko ang resto na parang furnitures nalang ata ang kulang. Tapos na kasi nila agad ang first floor at nagsisimula na sa paglalagay ng mga hagdan para sa second floor. Hindi lang doon matatapos dahil may third floor pa kung saan may swimming pool at pwedeng rentahan pag may birthday.