Chapter 06

248 15 7
                                    

Chapter 06




DIANARA




Inilibot ko ang tingin sa kabuuan ng kwartong inaakupa ko rito sa Penthouse ni Zihyun dahil matapos mangyari ang pagpirma n'ya ng kontrata kanina ay agad nya akong hinila palabas ng bahay nila at dinala ako rito sa LH Building.




Nasa kabila lang ang kwarto n'ya at bago n'ya ako iwan dito sa kwarto ay sinabi n'yang tawagin ko lang s'ya kung may kailangan ako.
Pero dahil nga nahihiya ako lalo na sa mga binitawan kong salita sa kanya noong nasa Mall kami ay hindi ko 'yon gagawin.




Wala naman akong sakit para mang-utos, lalo na at s'ya pa ang may-ari nitong tinutuluyan namin. 





May hiya ka pa pala,Daya?





Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng kwarto at saka ako lumabas, bumungad sa 'kin ang malinis at malaking sala ng penthouse ni Zihyun.





Tiningnan ko ang pintuan ng kwarto n'ya at nang makitang nakasara iyon ay agad akong nagtungo sa kusina, hindi naman ako nahirapang hanapin ang kusina n'ya dahil nung dumating kami kanina ay pinaalam n'ya na sa 'kin kung nasaan ito.





Pagpasok sa kusina n'yang halatang pang-mayaman ay pinuntahan ko agad ang ref at naghanap doon ng maluluto.





Mayroon s'yang bacon,sausage,egg,ham at iba't-ibang klaseng alak sa loob no'n. Pati ref ay organize, hindi mo aakalain na lalaki ang nakatira.





Nang may mahanap akong isang buong manok ay agad ko iyong kinuha. Simpleng adobong manok lang ang niluto ko at sa loob nang isang oras na pagluluto ay natapos din ako.





Kinuha ko naman iyong rice cooker na may luto ng kanin. Matapos ihanda ang makakain sa dining table ay sakto namang kumulo ang tiyan ko. 





Napaigtad ako nang pagharap ko sa pintuan ng kusina ay naroon na si Zihyun at nakahilig sa hamba ng pinto.




"U-uh...babayaran ko na lang yung...yung mga—"





"What did you cook?" Tanong n'ya at umayos ng tayo at lumapit sa hinanda ko sa dining table.




"Uh...adobong manok." Sagot ko at lumapit na rin doon saka naupo sa tapat n'ya.





"Uh-huh..." Tugon n'ya bago nagsandok ng kanin, akala ko ay para sa kanya iyon kaya gano'n na lang ang gulat ko nang ilagay n'ya iyon sa pinggan ko. Nagsandok pa s'ya ulit at nilagyan ang pinggan ko, hindi pa siya nakuntento sa dami kaya nang akmang ilalagay niya ulit sa pinggan ko ang ikatlong sandok niya ng kanin ay pinigilan ko na ang kamay niya na ilagay iyon.





"T-tama na to. Hindi ko na mauubos kapag dinagdagan mo pa masasayang lang." Wika ko at nang tingnan ko ang reaksyon n'ya ay nakatingin lang s'ya sa kamay n'ya na hawak ko. Agad kong tinanggal iyon at nagsandok na lang ng ulam.





Ipinilig niya ang ulo niya at tumikhim saka naglagay ng kanin sa pinggan niya.




Ilang minuto kaming tahimik na kumakain lang nang bigla s'yang tumikhim dahilan para mapatingin ako sa kanya.




Nilunok muna n'ya iyong nginuya n'ya bago siya nagsalita. "About the marriage contract, I will talk with my mother to cancel it if you'll just continue acting like that."




"Ha?"




"That." He pointed out, "I like the fiesty Dianara not the shy one—"






Marked By The PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon