CHAPTER 21
"Thank you," Saad ko nang huminto na ang kotse ni Zihyun sa tapat ng bahay.
"Are you sure, you're okay?"
Anim. Ika-anim na beses niya nang tinanong iyan.
Simula kasi nang makabalik siya mula sa restroom kanina doon sa restaurant ay hindi ko na siya kinakausap. Hindi ko naman inakala na makikita niya agad iyong post ko. Hindi ko tuloy na video-han ang reaksyon niya kung sakaling nasa harap niya ako nang makita niya 'yon.
Hindi naman siya nangulit pagkatapos no'n. Mukhang na-gets niya naman ang pananahimik ko, at sana hindi siya mag-isip nang kung anu-ano dahil sa pananahimik ko buong biyahe namin pauwi.
"Ayos lang ako. Mag-text ka kapag nakauwi ka na, goodnight." Pinatakan ko ng isang halik ang labi niya bago tuluyang pumasok sa gate ng bahay.
Pagpasok sa loob ng bahay ay namataan ko kaagad si Raya na nakaupo sa carpet at naglalaro kasama si Francis, ang anak ni Felicia.
Napansin nila akong pumasok at agad na tumayo saka nagmamadaling tumakbo palapit sa akin. Sinalubong ko naman sila ng yakap at hinalikan sa pisngi nila na parang siopao sa sobrang taba.
"Hi, ate." Bati ni Raya gamit ang kanyang maliit na boses.
"Hello, baby," I greeted her back using my small voice too. She giggled.
"Magandang gabi, Ate Daya," Ani Francis at pinupog ng halik ang pisngi ko kaya naman nang matapos siya ay pabiro kong kinurot ang pisngi niya.
"Nasaan sila Tita and Mama?" I asked the both of them. They pointed the kitchen and I nodded. "Maglaro muna kayo roon, puntahan ko lang sila, okay?"
Sabay naman silang tumango at bumalik na sa paglalaro sa mat na nakalatag sa carpet kasama ang mga laruan nila. Nagtungo naman ako sa kusina.
"Ate!" Ryla's eyes twinkled when she saw me entering the kitchen. "How's your date with Kuya Hyunie?"
Pati ito ay nakiki-Kuya Hyunie na rin dahil nagiging tropa na niya yung tatlong pinsan ni Zihyun na si Arielle, Janine at Casseah na magkakalapit lang ng edad.
"Okay naman. Tutuloy ka ba sa pagbili ng condo?" Tanong ko sa kanya nang maalala na nabanggit niya noong nakaraang linggo ang tungkol sa plano niyang pagbili ng condo.
Ngumuso siya at parang nagiisip bago bumuntong hininga, "Sabi ni Kuya Rafael sa'kin kanina noong nanghingi ako ng advice sa kanya. Mas maganda raw na mag invest na ako gaya na lang ng bahay, "
"Maganda nga kapag bahay kasi lifetime na 'yon, depende na lang kung ibebenta mo in the future, pero ikaw pa rin naman ang mag de-desisyon kung ano ang mas gusto mo kasi sariling pera mo rin naman ang gagamitin mo," I said.
"Hmm...Pag iisapan ko muna and maybe, I'll make a plan first. Hindi rin naman ako nagmamadali since next year pa ako ga-graduate, but, thank you sa support, Ate. Buti na lang talaga may Ate at Kuya ako." Aniya at natawa naman ako sa huling sinabi niya.
"Sabi ni Raya at Francis nandito daw si Mama? " I asked her and she shook her head.
"Kanina, oo. May emegency meeting daw sa company and siguro sasabihin na rin nila about sa pag-alis ni Dad as a CEO," Sagot niya at nagkibit balikat. "Umalis din si Mommy kaagad kasi abala rin siya sa magiging anniversary celebration next week."