Special Chapter: Dylan's Christening
"Momma, Dylan and I are ready na. What's taking you so long?"
Humalakhak si Zihyun na nasa likod ko at kasalukuyang inaayos ang buhok niya. Nasa harap kami ng salamin at inaayos ang sarili matapos maligo.
Ngayon ang araw ng binyag ni Dylan. Isang oras mula ngayon ay dapat nasa simbahan na kami.
My Dylan is already seven months old. Dapat ay nabinyagan na siya noong nag two months siya pero napagdesisyunan namin ni Zihyun na kapag seven months na lang dahil ngayong araw din ay ika-pitong taon na simula ng nagkakilala kami.
Parang kailan lang ay galit pa 'ko sa kanya tapos ngayon ay dalawa na ang anak namin. Kung hindi ba naman ako marupok ay paniguradong walang Naia at Dylan na mabubuo.
Pagkatapos naming makapag-ayos ni Zihyun ay lumabas na rin kami. Pastel blue ang suot kong wrap dress na abot hanggang sa itaas ng tuhod ko ang haba na pinaresan ko ng three inches na stiletto.
Nasa tapat ng pinto ng kwarto namin si Naia na nakasuot din ng pastel blue na wrap dress. Ang mahaba at itim niyang buhok ay nakapusod gaya ng sa 'kin.
"Momma, we have the same dress." Her eyes were twinkling when she noticed that we're wearing the same dress.
Yumukod ako paharap sa kanya at pabirong kinurot ang tungki ng ilong niya, "Yes, sweetheart."
Nilingon niya naman ang Daddy niya na nasa likod ko, "Daddy, you have a same polo shirt like Dylan."
"Can I have a kiss from you, little pretty?"
Mabilis na umiling si Naia sa Daddy niya, "No, Daddy. I put lip gloss on my lips, you see?" Tinuro niya ang maliit niyang labi na halatang may lip gloss nga.
"You're still a baby, why-"
"I'm a big girl. I'm already Dylan's big sister." Tinaasan siya ng kilay ang Daddy niya dahilan para lihim akong matawa.
Hanggang sa biyahe namin papuntang simbahan ay pinaglalaban pa rin ni Naia na malaki na siya habang ang magaling niyang Daddy ay halatang tuwang-tuwa naman na nakikitang naaasar ito.
Nang huminto ang kotse sa tapat ng simbahan ay hawak ang kamay ni Naia nang lumabas kami mula sa sasakyan. Pinagbuksan kami ni Zihyun na siya namang karga-karga si Dylan na mukhang naninibago sa paligid niya dahil palinga-linga ito.
Nang mapagod kalilinga ay inihiga niya ang kaliwang pisngi niya sa balikat ni Zihyun.
Pagpasok namin sa simbahan ay naroon na ang pamilya namin. Narito rin si Zaiker at Levanna kasama ang kambal nila, isa't kalahating taon lang ang tanda ni Naia sa anak ni Levanna at Zaiker kaya malapit sila sa isa't-isa.
"Ano'ng meron?" Tanong ko kay Levanna nang makalapit ako rito at napansin ang masamang tingin niya sa asawa niya.
"Zaiker's too clingy. Ayaw pa humiwalay sa 'kin kanina kung hindi ko lang sinabi na gusto kitang makakwentuhan ay hindi talaga aalis."
Natawa ako at pinagkrus ang braso sa ibaba ng dibdib ko. Wala pa ang pari kaya kailangan pa naming maghintay. Mukhang nag e-enjoy naman si Naia kalaro ang mga anak nila Zaiker at Levanna.
Si Dylan naman ay halatang inip na inip na. Manang-mana kay Zihyun. Napaka tahimik at parang laging ino-obserbahan ang paligid niya.
Nakatanggap kami ng ulat mula sa tao na narito sa simbahan na ma-le-late raw ang pari, maya-maya lang ay lumapit na sa 'kin si Zihyun nang biglang umiyak si Dylan.
"He's hungry," aniya na para bang siguradong-sigurado siya.
Mahina akong natawa nang tumahan si Dylan nang buhat ko na ito, "Ayaw niya lang sa 'yo." Hinawakan ko ang maliit na kamay ni Dylan at ginalaw ito na para bang tinataboy si Zihyun, "Shoo, Daddy, shoo,"
Imbes na mainis ay ngumisi pa ang asawa ko na para bang tuwang-tuwa siya. Si Dylan naman na kanina pa mukhang pagod na pagod sa buhay niya ay humahagikhik na.
Gusto lang pala makipaglaro.
"Hindi ka nilalaro ni Daddy?" Pagkausap ko sa kanya, tumawa ito dahilan para kitang-kita ang dimple niya sa magkabilang pisngi.
Mata lang ang namana ng mga anak namin ni Zihyun sa 'kin at ang natira ay kay Zihyun na. Dapat sa susunod ay sarili ko na ang paglihian ko. Lugi ako sa asawa ko e'.
Lumipas ang ilang minuto ay dumating na rin ang pari at sinimulan na ang binyag. Mabilis lang natapos dahil wala namang kasabay si Dylan na bibinyagan din. Natagalan lang kami sa picture taking na expected na.
Sa dami ng ninong at ninang ni Dylan ay hindi na makangiti si Dylan sa mga picture dahil sa pagod. May solo pictures siya at meron din na buhat siya ng mga ninong at ninang niya.
Kung sino pa ang magulang ay kami pa ang nahuli na nakapag-take ng picture kasama si Dylan at Naia. Ang ending tuloy ay tulog na ang dalawa sa mga litrato.
"Sa susunod hindi ko na kayo kukunin na ninang," pagbibiro ko pa kanila Thanaya kasama sila Levanna at iilan pang mga kaibigan ko.
"Lesson learned, magpa-picture na agad sa anak na bibinyagan bago pumunta ng simbahan," saad namin ni Thanaya.
Nauwi rin sa tawanan ang lahat bago kami nagkanya-kanyang sakay na sa kanya-kanyang kotse para kumain na sa restaurant na pagmamay-ari ni Scarlett Sandoval, ni-rentahan namin 'yon dahil masasarap naman kasi talaga ang pagkain.
Bago ako sumakay sa kotse ay nahagip pa ng mata ko si Thien na nakatingin pala sa gawi ko. May babae sa harapan niya na mukhang kinakausap siya kaya nginitian ko na lang siya bago ako tuluyang sumakay sa kotse.
"The girl likes him," wika ko kay Zihyun nang mapasulyap din siya sa pwesto nila Thien at nung babaeng kumakausap sa kanya bago kami tuluyang makalayo roon.
My husband grinned, "Good for him-"
"Hanggang ngayon bitter ka pa rin?" Natatawang tanong ko sa kanya at niyakap siya mula sa gilid.
Parehas kaming nasa backseat ng kotse at ang family driver nila Zihyun ang siyang nagda-drive. Nasa kotse nila Zhaffiro si Naia at Dylan dahil gusto lang nila. Ayoko rin namang humindi lalo na at alam ko kung bakit gano'n na lang ang pagkahilig ni Zhaff sa pag-aalaga ng mga pamangkin niya.
"I'm not. I'm just glad that he finally moved on-"
"Hmm…love you," putol ko sa kanya dahil alam ko naman ang dahilan kung bakit siya ganito.
My husband is still jealous. Nalaman niya na mas nauna akong makilala ni Thien at ito rin ang unang lalaki na tinuruan ko raw magluto ng adobo noong nasa Antipolo pa lang ako. 'Yon yung buwan na nagbakasyon si Thien sa Antipolo para samahan si Thanaya na lumipat ng paaralan para lang maging magkaklase kami.
"I love you too," pigil ko ang mapangiti nang maramdaman ang paghalik ni Zihyun sa buhok ko at ang marahang paghaplos niya sa balikat ko.
Wala na 'kong mahihiling pa dahil sa asawa at mga anak ko pa lang ay napaka swerte ko na.