Chapter 10

226 14 8
                                    

CHAPTER 10



HINDI AKO mapakali sa loob ng kwarto na inaakupa ni Enola habang hinihintay na dumating ang 'Kuya' niya na tinawagan ng doktora kanina.



"W-who are...you?" napaigtad ako mula sa kinauupuan ko nang marinig ang mahinang tanong na iyon galing kay Enola na gising na pala.



"Uh..wag ka munang gagalaw, tatawagin ko lang si Doktora-"



Akmang lalakad na ako patungo sa pintuan ng kwarto niya nang marinig kong muli ang boses niya.



"Maayos lang ba ang lagay ng....baby ko?" para akong binuhusan ng malamig na tubig nang itanong niya iyon pero wala akong choice kundi harapin siya at umupo sa isang silya na nasa tabi ng kama niya.


Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya lalo na at labas naman talaga ako sa usaping iyon pero nag-aalala ako na baka dahil doon sa nabangga ko siya kanina kaya siya dinugo at nawalan ng malay.

Pero ang sabi ng doktora ay base sa natuyong dugo sa binti ni Enola ay ilang minuto na raw itong dinugo bago ko pa siya mabunggo.


"Mas maigi sigurong kayo ni Doktora ang mag-usap," ngumiti ako saka muling tumayo at lumabas na ng kwarto niya para hanapin yung doktora.


Agad ko naman siyang nakita sa hallway at naglalakad, nang makita niya ako ay agad kong sinabi sa kanyang siya na ang mag-paliwanag kay Enola tungkol sa nangyari at sumangayon naman agad siya bago pumasok sa kwarto nito.


Ako naman ay naiwan sa labas at hindi nagbalak na pumasok para mabigyan sila ng privacy kahit na alam ko na ang kinahinatnan ng 'anak' ni Enola, hindi talaga ako pumasok at hinintay na lang ang paglabas ni Doc.


Ilang minuto lang naman ay lumabas na siya at agad akong nag-panic nang sabihin niyang umiiyak daw si Enola matapos niyang sabihin ang nangyari sa baby nito kaya nagmamadali akong pumasok at nakita ko nga siya roon na humahagulgol.


Nilapitan ko siya at niyakap, "Shh...tahan na—"


"H-hindi ko na a-alam ang gagawin ko ngayong..." hirap siya sa pagsasalita at hindi na niya natuloy ang sasabihin niya dahil malakas na siyang umiyak.


Natigilan ako nang marahas na bumukas ang pintuan at iniluwa mula roon ang pamilyar na lalaki. Parang nakita ko na siya, hindi ko lang maalala kung saan.

"Ela..." tumakbo sya palapit kay Enola kaya agad naman akong lumayo at hinayaan siyang yakapin si Enola.

Nagaalala ang mukha niya nang tingnan ako, "What happened to my sister?"


"Mas...mas mabuti siguro kung..uh..kayo ang mag-usap ng kapatid mo, mauuna na rin ako. Wag kayong mag-alala binayaran ko na ang bill dito," ngumiti ako bago sila tinalikuran pero natigilan din agad ako nang marinig ang sinabi ng Kuya ni Enola.


"It's nice to see you again, Miss." Nilingon ko lang siya saka nginitian bago tuluyang lumabas.



PAGDATING ko sa labas ng hospital ay nanlaki ang mga mata ko nang makitang madilim na at umuulan pa.



Kung minamalas ka nga naman.



Mabilis na inilabas ko ang cellphone ko para sana tawagan si Zihyun, ngunit naalala kong galit nga pala siya kanina bago umalis para mag-trabaho kaya si Rafael na lang ang tinawagan ko na agad naman nitong sinagot.



[Ate, napatawag ka?]




"Uh...pwede mo ba ako'ng sunduin?]


[Sure, where are you?]



Marked By The PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon