Chapter 08
TAHIMIK at malamig ang kabuuan ng kwarto ni Zihyun, walang may balak mag salita at basagin ang katahimikan. Pareho kaming nakahiga sa malapad n'yang kama at may harang na dalawang unan sa pagitan namin. Nasa loobng comforter ang katawan ko at tanging ulo lang ang nakalabas saka tahimik na nagbibilang ng imaginary sheep sa kisame na blangko naman.
Naramdaman kong gumalaw si Zihyun pero hindi ko na pinansin at nagpatuloy sa pag bibilang ng imaginary sheep sa kisame.
Kung alam ko lang na ganito pala ka-awkward e'di sana hindi na 'ko rito natulog.
Pero dapat na naming pareho masanay, sa susunod na linggo ay legal na mag-asawa na kami pero hindi ko naman alam na ganito pala ka-awkward.
"Mom will visit us tomorrow with Aniah, that's why I asked you to sleep here so, she'll assume like we're both fine with each other." Ganoon nalang ang pag-igtad ko nang marinig ang baritonong boses ni Zihyun. Akala ko tulog na s'ya?
"Okay." 'Yon lang ang sinabi ko at mahinang napamura dahil nakalimutan ko kung pang-ilang tupa na ang nabilang ko.
"Are you comfortable though?" Tanong nya, humiga ako patagilid, paharap sa kanya pero ganoon nalang ang pagtigil ko nang makitang ganoon din pala ang p'westo nya at mataman na nakatitig sa 'kin.
"Uh...malambot naman ang kama mo kaya, okay lang." Ngumiti ako.
Hindi ko naman maiwasang mamangha sa mukha ni Zihyun. May ganito pa ba ka-g'wapong lalaki? Hindi maitatangging may maipagmamalaki siya pagdating sa ka-g'wapuhan.
Tuwing galit siya ay nadedepina ang kapal ng kilay niya pag nagkakasalubong ito. Kapansin-pansin din ang natural na mapula niyang labi. Ano kaya'ng lasa no'n?
"May gagawin ka ba bukas?" Pag-iiba ko ng usapan para iwaksi sa isipan ang huling naisip tungkol sa labi ni Zihyun.
Umakto s'yang nag-iisip, "Maliban sa pag-pirma ng mga papeles sa opisina bukas, wala na,why?"
"Uhm...balak ko sana'ng mag grocery at magpasama sa 'yo kasi wala naman akong sasakyan pero tatanungin ko na lang siguro si Rafa—" natigilan ako nang mabanggit ko ang pangalan ng kapatid ko, nang tingnan ko ang mukha n'ya magkasalubong na naman ang kilay niya.
Sh*t, ang ganda na ng mood n'ya kanina. Mukhang ayaw n'ya pa naman kay Rafael dahil sumasama agad ang mukha n'ya sa tuwing binabanggit ko ang pangalan ng kapatid ko.
"I'm curious, do you like that Hidalgo?" Magkasalubong ang kilay na tanong nya.
Agad naman akong umiling, "Hindi. Kumportable lang talaga ako sa kanya—"
"—at sa akin hindi?" Tumaas ang kilay nya.
"Uh...let's just say that I got intimidated when I first saw you on that bar a year ago." Nagkibit balikat ako.
"About that. I want to say sorry for what I did. It's just that... it pissed me off on how every boys that night is eyeing on your bare waist." Ngumiwi s'ya.