CHAPTER ELEVEN
SOMETIMES, I wonder of just— going— going out of his life. Minsan, naiisip ko s'yang lisanin kasi minsan pakiramdam ko hindi ko na kinakaya. Minsan— nakakapagod lang. And now— hulog na ako. Hulog na hulog na 'ko— ano ng gagawin ko? Ipaglalaban ko ba o hahayaan ko na lang ulit?
We are now in a botique, habang si Amari ay nagtitingin-tingin nang mga damit at ewan ko kung trabaho lang talaga o personalan na 'yung sales lady na nakasunod pa kanina sa amin— kay Amari lang pala. Sa pagkakaalam ko kasi doon siya sa mga make-up— eh bakit nandito pa rin siya?
"Ay, Sir, ito oh. Bagay po 'to sainyo for sure." She said seductively as she motioned a plain blue polo shirt at him— at pinatong pa— ay, girlfriend lang?
Ako kalmado akong tao— proven and tested na sa lahat ng nakakakilala sa'kin— pero ito— naiinis na ako. Nauubusan na ako ng pasensya.
At nang makita kong umaamba 'tong humaplos sakan'ya ay mabilis pa sa alas-kwatrong nakalapit ako at tinampal ng marahan ang kamay nito— oo, marahan lang kasi ayaw ko naman talagag nanakit 'no— napatingin s'ya sa'kin na nakataas pa ang kilay.
I smiled at her with my calm poise. "May lamok kasi baka ma-dengue ka." I stated nonchalantly.
I heard her scoffed at nang lingunin niya si Amari ay wala na ito sa pwesto niya na ipinagtaka ko rin. And then, we saw him na nasa mga pambabaeng damit. Halos mapatampal ako ng noo dahil nakita ko kung paano kumislap ang mga mata nito sa mga dress na nando'n. Ay, jusmiyo.
Nagkatinginan kami nung sales lady bago magpabilisan na puntahan si Amari sa pwesto niya. I'm not that childish— pero wengya 'yan. Kasi si Amari eh! Amp.
At dahil hindi ako nagpatalo ay nauna ako roon kahit mahaba ang bias niya kaysa sa'kin. Walang bias-bias 'yan!
Mabilis kong niyakap si Amari mula sa likod at nginitian 'yung sales lady na kanina pa kaya namumuro sa'kin habang siya naman ay masama ang tingin sa'kin. Pero wala— gwapo naman kasi talaga 'tong si Amari and it is just normal na may magpakita ng interest sakan'ya, so, I cannot really blame her, 'di ba?
Pero dahil normal lang naman akong tao sa mundong Earth— kumukulo pa rin naman ang dugo ko sa loob. Hindi naman ito ang unang beses but today seems like my patience is slipping from me. Ang ayaw ko talaga ay 'yung tipong nagiging irrational na 'ko. Huhu. Masakit kasi sa puso 'yon kapag na-realize mo— pero minsan hindi maiiwasan na nagiging maliit 'yung pang-unawa natin.
I then felt sparks rushing into my every nerves as I felt Amari became stiff like a statue until he melt in and get comfortable from that surprise embrace that I have made.
He pulled my arms away na nagpalumo sa'kin. But then, I was startled when he turned to me habang hawak pa rin ang isa kong pulsuhan bago siya ngumiti sa'kin at inakbayan ako. "What's wrong?" He softly asked at inayos pa ang buhok ko gamit ang isa n'yang kamay.
Bigla akong natameme at natulala sakan'ya. My brain suddenly didn't function correctly. Parang nakalimutan na ng neurons ko na mag-transmit ng message sa utak ko. Oh no!
He looked at the sales lady na hindi ko alam kung ano ng itsura niya dahil na-bato na ako sa pwesto ko habang nakatulala lang kay Amari na hindi ko maintindihan. Ang gulo niya— mas magulo pa siya sa braincells ko. Minsan normal lang siya pero minsan— paasa siya.
"I am not a fan of polo shirt, Miss." He said to her seriously. "Thank you for your service pero hindi ka naman talaga namin kaila—." Mabilis kong tinakpan ang bibig niya dahil magpapa-kontrabida na naman siya.
BINABASA MO ANG
Yours Truly, Amari [Completed]
Loup-garou[C O M P L E T E D] Y O U R S T R U L Y , A M A R I Amari Vanderhall is a man outside but a woman inside, as he believed so. After getting rejected by his mate, Amari Queen Vasquez has come into the picture. What does it really takes to love and...
![Yours Truly, Amari [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/251187948-64-k274412.jpg)