Chapter Eighteen

900 43 3
                                    

CHAPTER EIGHTEEN

HALOS MATUMBA ako nang dambain ako ni Pristine ng yakap at pinaggigilan. "Ah! Na-miss kita. May maganda pala akong balita sa'yo." Bungad nito before letting me go.



Naabutan na lang namin siya— este sila rito ni Amari sa cabin ko sa loob kasama si Alpha Avery na nakaakay lang kay Pristine. Medyo disoriented pa ako habang si Amari naman ay agad na pinuntahan si Alpha at bumati bago biruin ito ng kung ano-ano.



"Erm. Ano naman 'yon? Weird mo ah. I mean— normal mo na pala 'yan." Bawi ko at napabuntong-hininga na lang nang yakapin niya muli ako ng mahigpit na halos hindi na ako makahinga.



I tapped her back. "Ack." I choked kaya mabilis naman ako nitong pinakawalan at sumagap naman ako ng hangin.



Amari immediately run towards me and caress my back. "Tin! How dare you! Look what you did to my babae." He spatted at her pero binatukan lang siya ni Pristine.


"Alpha ah. Pigilan mo ako baka masabunutan ko 'to." Gigil naman na mungkahi ni Amari at masama ang tingin kay Tin na nakataas lang ang kilay kay Amari.




"She's pregnant." Alpha Avery blurted na nagpanganga sa akin habang si Amari ay napasinghap naman with matching takip pa ng bibig habang ang isang kamay nito ay nasa likod ko pa rin.



I looked at Tin again na masama naman ang tingin kay Alpha na naka-peace sign na ngayon sa asawa. "Sabi ko ako magsasabi eh, epal naman!" Iritadong mungkahi ni Tin sakan'ya.



"Ay, Alpha oh, lumalaban na." Sulsol naman ni Amari kaya siniko ko s'ya sa tagiliran niya bago mapangiwi at pinanlakihan ng mata.



"Hon. I just did you a favor." Kalmadong sambit ni Alpha Avery kay Tin na nanliliit ang mga matang nakatingin sakan'ya habang nakapulupot ang braso ni Alpha Avery sakan'ya.



Tin defeatedly pouted and leaned on his husband's chest. "Sabi ko ako magsasabi eh. Atat lang? 'Di ba pwedeng nagmoment lang ako saglit bago sabihin? Kaasar ka. Hindi ka ngayon matutulog sa kwarto, doon ka sa anak mo!" Singhal nito pero nakakapit na sa asawa. Feeling ko talaga magkapatid sila ni Amari.




Nagkatinginan naman kami ni Amari before we smiled with each other. Well, not bad for coming back.




WE CONGRATULATED Alpha Avery and Tin; at doon ko nalaman na pinaglilihian daw ako ni Tin dahil nagdaan ang araw bago nila malaman ay laging tinitignan ni Tin ang picture ko na kasama siya.



"Aww. Ang cute mo talaga Queenie-babe. Gusto kitang gawing keychain." Parang naiiyak na sambit ni Tin habang nakasalok-baba gamit ang dalawang palad nito habang nakatingin sa'kin.


Nginitian ko naman siya. Nandito kami ngayon sa likod ng cabin ko at nagka-kape kami at magkakaharap. I was in line of vision to Tin while Amari to Alpha at habang nag-uusap sila Amari at Alpha ay tinutunaw naman ako ni Tin sa titig niya.



"Queenie, sleep-over ka sa pack house, tabi tayo." Nakangiting subesyon ni Tin kaya napakurap-kurap naman ako at sumulyap kay Alpha na nanlalaki na ang mata na nakatingin kay Tin.



"H-hon! You can't do that. How about me?" Alpha asked frantically.



"Oy! Luna de lata, hindi pwede. Ah-ah. I object your honor, magmo-moment pa kami ng babae ko." Angal din naman ni Amari at nang sinulyapan ko ito ay tinataasan na nito ng kilay si Tin na nakabusangot na.


Yours Truly, Amari [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon