Chapter 29 - VinChaii

392 8 0
                                    

Vincent's POV

Lalong lumalala ang nararamdaman ko kay Charli sa tuwing mapapalapit ako sa kanya pero hindi ko na mapigilan eh. There's no turning back men.

Andito na ako sa school ngayon at papasok na ko ng gate. Nakakapanibago dahil palagi akong tinitingnan ng mga estudyante tapos minsan may nag-hi pa sakin di ko naman kilala pero nginitian ko na lang. Kakahiya naman kung maging snobber ako diba?

Nasa tapat na ko ng room namin ng makasalubong ko ulit si Charli sa pagpasok sa room. Nginitian ko siya pero tinasaan niya lang ako ng kilay. Bakit ba ko nagkagusto sa masungit na babaeng to!?

"Siguro naman natatandaan mo pa yung prinaktis nating sayaw nung isang araw" muntik ko ng makalimutan ngayon pala kami magpeperform. And kinailangan pa naming magkita ng weekend ni Charli para matapos ang sayaw na ilalagay sa kanta. At oo pumunta ako sa kanila, muntik na akong himatayin sa sobrang sama ng tingin sakin ng kapatid niya. Ang lapit kasi namin sa isa't isa ni Charli habang sumasayaw at kumakanta. Eh siya naman nagturo nun eh.

"Ah oo naman." nakangiti kong sabi sa kanya pero di ako sure kong tanda ko pa eh. Sana OO. Ayaw ko namang mapahiya ako sa kanya. Bawas points din yun pagnagkataon.

"Mabuti naman. Bahala ka na sa susuotin mo mamaya basta iayon mo sa kakantahin natin" sabi niya at tuluyan ng pumasok. Ano namang susuotin ko? Napaisip ako kung superman costume na lang kasi parang may hero about yung kantang one call away. Pero may kahihiyan pa naman ako sa katawan kaya hindi ko tinuloy.

Agad kong kinuha ang iPhone ko sa bulsa ko at tumawag sa mansion namin. Pinakuha ko yung damit ko na susuotin ko sa sayaw namin at pinahatid.

**

Nasa canteen ako ngayon kumakain kasama ang kapatid ko. Kinakabahan ako mamaya baka makalimutan ko yung steps o kaya naman yung lyrics. Kakahiya naman diba? Baka patayin ako ni Charli.

"Kuya, why you are so tahimik ba?" tanong ng kapatid ko habang kumakain pero tanging ngiti lang ang nasagot ko sa kanya "Oh look Charli oh Why ba she's always kasama that cute gangster?" cute daw?tch!oo nga sino ba yung asungot na yun!? kung makadikit kay Charli parang butiki! Tingin niya kay Charli kisame?! Tss.

"If I were you kuya. I make a move na. So madami pa naman asungot in paligid." naguguluhan akong tumingin sa kapatid ko. Though alam ko naman ang gusto niyang sabihin. "I think kasi that Cute Gangster has a crush on Charli, look oh but you know naman na Charli, she's so manhid eh." dagdag pa niya. Manhid.. Sobra.

"What do you mean by that?" I asked even I already know what she's talking about.

"As I'm saying make a move. Malay mo she fall in love with you too." sabi niya. Paano ko naman gagawin yun, knowing Charli hindi siya katulad ng ibang babae na madadaan mo sa pagiging sweet eh wala ngang kasweetan yun sa katawan eh. Iba siya eh kaya mahal ko.

"I know lil'sis. Just leave everything to me. I know what am I doing." ngumiti ako sa kanya para hindi siya magtanong pa. Nagpatuloy na lang ako sa pagkain ng may dumating na lalaki at mukhang ang pakay ay ang kapatid ko.

"Oh Ichi why your here Do you have a kailangan ba?" bigla namang natawa ung lalaki, maybe sa pagsasalita ng kapatid ko. Nakakatawa naman talaga pero sanay na ko eh. Sino ba namang hindi masasanay eh halos maubusan ako nhmg dugo diyan sa araw araw ko siyang kasama. Kaya sinanay ko na sarili ko baka malaman ko na lang isang araw may anemia na pala ako, diyos ko po wag naman sana.

"Shie. Pinapatawag ka ni mam meron daw siyang sasabihin sayo" nakangiting sabi ng lalaki. Galawang tss.

"Ah okay. Kuya I have to go na and this is Ryuichi by the way my bestfriend." nginitian lang ako ng lalaki at hinila na siya palayo ng kapatid ko.

The Nerdy Boy meets The Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon