Charli POV
Ilang araw na ang nakalipas magmula ng umalis si Mommy para sa business trip. At tahimik pa rin hanggang ngayon si Kuya magmula nung may nagtext sa kanya.
At ngayon pinahatid na lang niya ako sa driver namin. Pagkababa ko sa kotse pinagtitinginan ako ng mga estudyante. Tss. Naglakad na lang ako ng may nakabunggo akong babae.
Napaangat ng tingin ang babae at lumingon sa paligid niya dahil nakatingin samin lahat ng estudyante na hinihintay kong anong susunod na mangyayare.
“What the hell?!" napatingin nan ito sakin at nanlaki ang mata.
“Sorry po Miss Charli. Di ko po kayo nakita. Sorry” paliwanag niya. I just rolled my eyes. Tss.
“Di mo ko nakita? Oh c'mon are you blind?!” sarcastic kong sabi sa kanya. Napaatras siya ng konti dahil sa sinabi ko tss.
“Pasensya na talaga hindi ko naman sinasadya eh.” parang maiiyak na sabi nya. Stupid.
"What's your name?"
"M-marie Tuazon." nauutal na sagot niya.
"Oh Ms.Tuazon. Your father works on our company. Do you want me to fire him?"
"N-no please." umiiyak na sabi niya. Saka ako hinawakan sa kamay.
“Ok fine! Now get lost.” sigaw ko sa kanya na patuloy pa rin sa pagiyak.
“I’m Sorry Miss Charli. Hindi na mauulit” sabi ulit nya.
“Yeah hindi na talaga dapat. Tss Get out of my way bitch!” sigaw ko at hinawi siya sa dadaanan ko at si Lampa yun napaupo tss.
“HOY BABAENG WALANG MODO!” napalingon naman ako ulit dahil dun sa sumigaw.
Oh here comes the Superman..
Vincent POV
Naglalakad na ko sa hallway ngayon ng aksidente kong marinig ang usapan ng mga nakakasalubong kong estudyante.
“Wala talagang pinapalampas si Charli noh. Aksidente lang naman yun eh.”
“Nakakaawa naman yung babae nasigawan pa.”
Nagtuloy tuloy lang ako sa paglalakad ng makita ko ang mga estudyanteng nagkukumpulan nakipagsiksikan ako saka nila para makadaan at para makita ang tinitingnan nila.
“Yeah hindi na talaga dapat. Get out of my way bitch!” hinawi ni Charli yung babae sa daraanan niya kaya napaupo yung babae. Umiiyak lang ng umiiyak ang babae. Si Charli naman ay tumalikod na para umalis.
“HOY BABAENG WALANG MODO!” sigaw ko kaya napatingin sakin ang lahat. Lumingon ulit si Charli saka ako tiningan sa mata. Napalunok naman ako. Naglakad naman siya papalapit sakin.
“What did you say?” seryosong sabi niya habang naglalakad papalapit sakin. Bahagya naman akong napaatras.
“Wala kang modo!” tinapunan lang niya ako ng matalim na tingin.
“So?” walang emosyon niyang sabi. Nakakainis talaga siya. She's being insensitive and heartless!
“Why you're like that? You're heartless! Ibang klase ka! Napakasama mo. Palagi mo na lang pinapahirapan ang mga taong nasa paligid mo. Palagi mo na lang sinisira ang mga buhay nila. Palagi mo na lang inaalis ang mga ngiting nakikita mo. Wala ka ba talagang puso? Ganyan ka ba talaga kainsensitive at hindi mo maramdaman na nakakasakit kana. Masyado kang selfish palaging gusto mo ang nasusunod. Lahat na lang napapasunod mo. Lahat na lang pinapahirapan mo. You're a rule breaker. You are a heartless bitch--” hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla niya akong sinampal. Nakita ko ang mga mata niya na puno ng sakit at galit.
“Done insulting me?" nakangising sabi niya. She's so uhh!
Natahimik naman ako tinitigan siya sa mata. Nagpatuloy naman siya sa pagsasalita.
“Oh Thank You for saying those words. I don't need to explain myself. Haters gonna hate. Judge me all you want. I don't give a crap! And.. " lumapit ito sa akin. "Don't act as if you are superman." sabi niya saka ako binunggo at tuloy tuloy naglakad palayo.
Natulala na lang ako.
Shiela POV
I’m looking for kuya, kasi I’m going to give his libro. He forgot kasi so burara lang diba? Tss.
Nagulat ako when I saw Kuya shouting at... Emegesh! Charli?!
I’m going to lapit na sana kay Kuya when someone called me.
“Hey Shiela." sabi ni? Who is this nga ulit?
“H-hi what's your name again?" I said and nginitian siya. Natawa naman siya eh?
"Jv. Are you busy?"
“Nope. It's kinda boring. Hindi pumasok yung teacher namin. She's so tamad hmp!” I don't have friends pa naman here.
"So do you want to eat with me? If you don't mind."
"Oh Sure"
"So let's go." I just smile and nodded as a response.
Jv POV
Naglalakad ako sa hallway ng matanaw ko ang isang babae kaya napangiti ako saka siya linapitan.
“Hey Shiela." bati ko sa kanya kaya napatingin siya sakin. Shit! Ganda niya.
“H-hi what's your name again?" Bahagya naman akong natawa di pa nga niya pala alam ang pangalan ko.
"Jv. Are you busy?"
“Nope. It's kinda boring. Hindi pumasok yung teacher namin. She's so tamad hmp!” sagot naman niya kaya lalo akong napangiti.
"So do you want to eat with me? If you don't mind."
"Oh Sure"
"So let's go." She smile and nodded kaya nagtungo na kami sa canteen.
Ako na ang umorder ay pinahanap na lang siya ng mauupuan. Pagkatapos kong makuha ang inorder ko linapitan ko na siya saka inilapag sa mesa ang inorder ko. Umupo na ako saka kami nagumpisang kumain.
"Pansin ko lang lagi kang mag isa. Wala ka bang kaibigan dito?" napatingin naman siya sakin at biglang nalungkot.
"Sadly wala. No one wants to. I'm so maarte daw. " malungkot niyang sabi sakin pero ngumiti rin at pinagpatuloy ang pagkain niya.
"I want to." napaangat naman siya ng tingin sakin na parang nagtataka. "I mean I want to be your friend." nanlaki ang mata niya. Ang cute niya shit! Ayt! Landi mo Jv! Tss.
"Really?" natutuwa niyang sabi kaya napangiti ako.
"Yes please?"
"Like OMG! I can't believe it! I have a friend na thank you Jv. I'm so happy." tuwang tuwa na sabi niya kaya mas lalo akong napangiti.
"I'm not just your friend. I can also be your superman."
Author's Note: Hihi superman daw. Landi mo Jv hmp! Break na tayo hehehe chos!
Kina Charli tayo. Takte nakakahurt naman ang words ni Fafa Vincent below the belt na. Nasaktan ang lola niyo! Ano say niyo team nerd ba o team gangster?
BINABASA MO ANG
The Nerdy Boy meets The Gangster Princess
Mistério / SuspenseNever been in hell until I met her.