Chapter 34 - Love is in the Rain

292 8 1
                                    

Charli's POV

Sabado ngayon at andito ako sa hide out dahil marami akong kailangang asikasuhin. Si Kuya paggising ko wala na. Tss.

"BlackPearl, may laban daw tayo mamaya sabi ni Rafael" napatingin ako kay Steven na pinagdiinan pa talaga ang pangalan ni Rafael.

"Sinong kalaban?"

"Ewan hindi nabanggit eh"sabi naman nya,bobo talaga tong lokong to!

"Edi sana tinanong mo gago!"inis kong sabi napakamot na lang siya ng ulo.

"BlackPearl balita ko may manliligaw ka daw" bigla namang napaubo si Vj. Napatingin ako kay Jason sa sinabi niya. Mga wala ring magawa eh kaya ayan tambay tss.

"Hindi totoo yun" tipid kong sagot at kumuha sa sandwich na hinanda ni Maki yung isa naming kagangmate. Magaling siya sa computer kaya may pakinabang.

"Weh? Parang nakita ko ata kayong dalawa magkasama sa mall nung isang araw." hindi ko lang siya pinansin. At inubos na ang hawak kong sandwich

"What!?" gulat na sigaw ni Vj kaya napatingin naman kaming lahat sa kanya at bigla na lang tumawa ng malakas si Steven, si Jason napailing iling na lang.

"Bro pfft! Wag ka namang masyadong magpahalata pfft!" natatawang sabi ni Steven na dahilan ng pagkakunot ng noo ko. Tss.

Sinamaan siya ng tingin ni Vj kaya tumigil na rin siya pagpigil sa tawa niya. Takot eh

"So ano na BlackPearl?" napatingin naman ulit ako kay Jason na nakangisi sa akin. Bakit ba tinatanong pa niya!? Damn!

"Wala nga!" inis kong sabi.

"Wew" sinamaan ko na lang siya ng tingin. Imbyerna ang kakulitan ng tangina eh!

"Balita ko yung binubully mong nerd yung nanliligaw sayo ah"

"Pero kung meron nga, BlackPearl..." napatingin naman ako kay Steven ng bigla siyang magsalita "Pasado ba kay Captain?" sabi niya habang tinataas baba ang kilay niya.

"Tss pinayagan ni Kuya pero hindi ko papayagan. Utang na loob magtigil kayo!" inis kong sabi. Ay damn! Bakit ko ba sinasabi sa mga to!?

"Yun Oh! Pasado sa kuya!Paano ba yan? Bye bye na sa mga torpe dyan!" natatawang sabi niya. Napatingin naman ako kay Vj na ang sama ng tingin kay Steven. Meron ba akong hindi alam?

Tumayo ako at tumingin kay Steven na 'sumunod-ka-look' saka ako naglakad papunta sa opisina ko.

Umupo ako sa swivel chair ko at humarap sa may pinto saka ako nagsindi ng sigarilyo. Sumunod naman si Steven at umupo siya sa may couch.

"Sinusundan ko si Rafael nitong mga nakaraang araw at lagi siyang may kasamang lalaki na mukhang seryoso ang pinag uusapan nila." tahimik lang akong nakikinig sa kanya habang nagsasalita siya.

"Hindi ko to nasabi dati sayo kasi iniimbestigahan ko pa. May isang lalaki noon na mukhang pinadala dito para imbestigahan tayo. Natagpuan ko siya sa kwarto ko dito sa hide out na naghahalungkat sa mga gamit ko. Nagamit ko tuloy yung baril ko hehe. Andito raw siya para patayin tayo kaya ayun pinatay ko na walang masabi ng matino eh." tahimik pa rin akong nag iisip. Sino ba ang taong yun? Bakit gumugulo ang sitwasyon?

"Pero may nakuha akong isang impormasyon. Hindi lang Virgo Corporation ang naghahabol sa atin may isa pa..." agad akong na alerto sa sinasabi niya. May isa pa? Watdafuck?!

"SC Organization." dagdag pa niya

"Tawagin mo si Maki." utos ko at pinaikot ang swivel chair ko paharap sa bintana sa may likod ko.

The Nerdy Boy meets The Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon