Chapter 1- Nice Meeting You

1.2K 21 0
                                    

Charli POV

"Charli!Bumaba kana dito!Kakain na baka malate pa kayo!" sigaw ni Mommy, Aba eh kay aga aga sigaw ng sigaw tss!

"Saglit lang, Mom!" inayos ko na ang gamit ko at bumaba na

I'm Charli Maei Calizo, 15 yrs old, ang babaeng gugulo sa buhay mo (Evil Grin)

I'm a leader of a gang group named BlackDemons, they used to call me BlackPearl because that is my codename

Pagbaba ko nakita ko na sa dining si Mommy at Kuya Charles. Oh yeah may kuya ako, also a gangster. He is the leader of the Homicide Devils. We're both gangster, sounds cool? I know right.

Umupo na ko sa upuan ko at kumain na. Habang kumakain kami bigla na lang may nagdoorbell.

"Yaya, pakitingnan naman kung sino iyon" utos ni Mom kay Yaya Lita.

Lumabas na si Yaya para tingnan kung sino iyon. Nang bumalik sya kasama na nya ang dalawang engot, si Jv at Vj

Kambal sila pero may pagkakaiba pa rin sila. Hindi naman sila yng tipong magkamukhang magkamukha. I admit, Vj is more handsome than Jv.

"Hi Charles!Hi Chaii!" masayang bati ng dalawa sa amin

"GoodMorning po tita" dagdag pa nila. Mom smiled.

Chaii that's my nickname but only for them. Kapag di tayo close bawal mo kong tawaging ganun. Coz if you try then you're dead.

"Bakit hindi pa kayo sumabay samin?" aya ni Mommy kina Vj at Jv. They are close to our Mom, lagi kasi silang bumibisita. Actually walking distance lang ang bahay nila samin. Kaya madalas tambay sila samin.

"Ah hindi na po. Kakakain lang po namin kanina. Nagluto po kasi si Mama." sagot naman ni Vj

"Ah ganon ba.." -mom

"Eh bat kayo andito ha?" tanong ko na lang sakanila.

"Ikaw naman Chaii kay aga aga ang sungit sungit mo. Di ba pwedeng namiss lang namin kayo" sagot naman ni Jv habang tinataas baba ang kilay nya tsk!

"Tigilan mo nga ako!Baka masapak pa kita!Bakit nga kayo andito?" tanong ko ulit sakanila

"Makikisabay lang sana kami sa inyo" Makikisabay?Bakit naman?Sa pagkakaalam ko walang sapat na rason para makisabay sila kasi unang una may sari sariling kotse sila.

"And Why?" tanong ko ulit sa dalawa.

Damn first year pa lang sila meron na silang sariling kotse. Hanggang ngayon ayaw akong bilhan ni Mommy. I'm still young and I'm a girl according to her. Damn!What's the case between being a girl and buying a car?!

"Ayaw mo nun sabay sabay tayo. Mas marami mas masaya" sabi pa ni Jv at ngumiti na parang ewan.

"Ayaw ko" bored kong sabi.

"Sungit talaga" bulong pa nya

"May sinasabi ka?"

"Wala po nay" bawi naman nya. Napailing na lang si Vj sakanya.

"Let's go!We're Late." seryosong sabi ni Kuya kaya tumayo na ako.

"Tay sabay kami sayo noh Inaaway ako ni Nanay" sabi ni Jv at nagpout pa.

"Tigilan mo nga ako. Pabebe!" masungit na sabi ni Kuya at lumabas na.

"Ouch!Pabebe ako?Ang sakit!Pero walag makakapigil saken!" sabi pa nya. Napailing na lang kami ni Vj at sumunod na kay Kuya.

Sumakay na kami sa kotse ni Kuya. Kuya Charles will drive. Then, nakaupo si Jv sa passenger seat tas kaming dalawa ni Vj sa likod.

Pagkatapos ng 10 mins. na byahe ay nakarating na rin kami sa school.

The Nerdy Boy meets The Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon