Charli's POV
"Hay naku bakit ang tagal naman ni Kuya! Pinapapak na ako ng mga lamok dito eh"
Ang dilim dilim na dito eh. Makapaglakad lakad na nga muna.
Habang naglalakad ako may nakita akong limang lalaki sa isang iskinita at binubugbog nila ang isang estudyante. Nakauniform kasi ito eh kaya malamang estudyante. At schoolmate kami?
Agad akong napatago sa isang pader.
"Kung hindi ka sana nakialam sa mga plano namin hindi sana mangyayare ang lahat ng to sayo!" sabi nung isang lalaki habang pinagsisipa ang kawawang estudyante
Argggh!Di ko na matitiis to!
"Idiots!!" sigaw ko napatingin naman sila sakin
"At sino ka naman ha?"
"Hindi mo na kailangan malaman pa. Bakit niyo ba siya binubugbog!?Ang tatanda niyo na pumapatol pa kayo sa bata!"
"Wag kang makialam dito miss! Dahil wala kang alam"
"O baka naman gustong makipaglaro samin." manyak na sabi nung isa at lumapit pa sakin
Sinubukan niyang hawakan ang pisngi ko pero tinabig ko ang kamay niya.
"Aba matapang ka ah" sabi niya at susubukan sanang hawakan ako sa braso pero sinalubong ko siya ng isang suntok sa mukha niya na nagpadugo sa ilong niya
"One point for gorgeous Charli" sabi ko at may accent pa ang pagkakasabi nun ah. Susuntukin niya sana ako sa tyan pero hinawakan ko ang kamay niya at pinalipit iyon tsaka ko siya binalibag.
Namilipit naman siya sa sobrang sakit. Ganun din ang ginawa ko sa mga kasama nya. Lumapit ako sa isa at sinakal siya sa leeg. Damn! Kung hindi siya umubo hindi ako matatauhan. Binitawan ko siya at tumakbo sila palayo ng mga kasama niya. Muntik ko ng mapatay yung isa. Ugh.
"Lagot ako nito kay Kuya." inis kong sabi baka hinahanap na niya ako. Pero napatingin ako dun sa lalaking binugbog nila agad ko yung linapitan.
"Ang lampa mo! Alam mo yun!" sarcastic kong sabi sa kanya pero ngumiti lang siya. Tinulungan ko na lang siyang makatayo. Marami din ang natamo niyang sugat.
"Kababae mong tao nakikipagsuntukan ka"
"Eh ikaw kalalaki mong tao nagpapabugbog ka"
"Nasaktan ka ba?" tanong niya. Ginagago niya ba ako halos mamatay na nga siya kanina eh.
"Ay naku! Wag mo kong intindihin! Ikaw nga maraming pasa dyan eh"
"Ayos lang ako.Thank you nga pala"
"You're welcome. Ako nga pala si Charli, ang pinakamagandang nilalang sa lahi namin." nakangiting saad ko at kumindat sa kanya. Bahagya naman siyang natawa.
"At ako naman si--"
"Waaaaaaah!!" napatayo ako sa higaan ko. Panaginip lang.
"Young lady.. Ayos ka lang ba?" napatingin ako kay Shaun na hingal na hingal na lumapit sa akin.
"A-ayos lang ako Shaun." nagiwas ako ng tingin dahil sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Agad naman siyang lumayo.
"Sorry young lady.. Anyway Young master Charles is calling you. Hihintayin ka daw po niya sa library. And pinapasabi niya na.. Andun din ang boyfriend mo." ngumiti siya sakin saka nagbow at lumabas na ng kwarto.
Napasabunot naman ako sa buhok ko dahil sa sinabi ni Shaun. Damn! Kami na? Argh.
Naligo na ako saka nagbihis. Naisip ko na naman yung panaginip ko.

BINABASA MO ANG
The Nerdy Boy meets The Gangster Princess
Детектив / ТриллерNever been in hell until I met her.