Charli POV
"Hey Sleepy Head! Wake up!"
"Hey! Charli! Ugh! Damnit! Wake Up! May sasabihin sa atin si Mom!"
"Charles! Dalian mo. May aasikasuhin pa ko"
"Wait Mom!"
"Fuck!"
Unti unti kong minulat ang mga mata ko saka ko nakita si Kuya na asar na lumabas sa kwarto ko. Kaya pinikit ko na lang ulit ang mga mata ko. Damn galing ako sa gang fight kaninang madaling araw, I need to rest.
"Kyaaaahh!!" napaupo ako sa kama ko ng biglang may magbuhos saken ng malamig na tubig. Putangina!
"Tss. Kanina pa kita ginigising. Nakakabwisit ka. Ako tuloy napapagalitan!" inis na sabi ni kuya. Sinamaan ko naman siya ng tingin. Damn ang lamig! Basa na damit ko tss.
"So kailangan buhusan pa ko ng tubig!" pasigaw kong sabi sa kanya.
"Bakit kung di ba kita bubuhusan ng tubig tatayo ka ba diyan? Kanina pa ko sigaw ng sigaw rito paos na paos na ko. Tss. " pasigaw na sabi ni Kuya. Inirapan ko na lang siya. "Dalian mo na dyan may importante daw sasabihin si mommy" dagdag pa nya saka lumabas ng kwarto ko. Fuck! Gaano ba ka importante yun at kailangan pa sirain ang tulog ko?!
"Argggh!!" napasabunot na lang ako sa sobrang inis. Tumayo na ako saka nagtungo sa banyo para maligo na.
Pagkatapos kong magbihis bumaba na rin ako para kumain daka ko nakita sina Kuya sa dining na nagsisimulang ng kumain.
"Good Morning Mom" inaantok na bati ko kay mommy pero ng magtama ang paningin namin ni Kuya sinamaan ko sya ng tingin. Damn this guy ugh! Kung di ko lang siya kapatid binugbog ko na siya kanina pa.
"Good Morning din anak. Umupo ka na diyan at kumain kana" tugon ni mommy kaya umupo na ako at naglagay ng pagkain sa plato ko.
"So ano po yung sasabihin niyong importante daw?" tanong ko at diniinan ang salitang importante saka tiningnan ng masama si Kuya. Sinamaan niya lang din ako ng tingin saka binaling na ang tingin sa pagkain niya.
"Oh yes I'll have to go to Korea for a business trip and kakamustahin ko na din ang takbo ng business natin doon. Tomorrow morning is my flight." sagot naman ni Mom. Watda hell?! Maiiwan ako sa pesteng lalaking to?! Ugh!
"Paano kami?" tanong ko. I can't live with this guy. He's so strict tss.
"Andyan naman si Yaya Lita eh pati yung kuya mo. And anyway don't go anywhere without him and his permission. Bantayan mo tong kapatid mo Charles." Watda fuck?! No!
"What!?" gulat na sabi ko at napatayo pa "No Way! Kaya ko naman sarili ko eh. And I'm not a child anymore!" dagdag ko pa napatingin naman ako kay kuya na nakangisi. Sinamaan ko lang siya ng tingin at binaling na muli ang atensyon ko kay Mommy.
"No Chaii! I'm just concern. Ayaw ko lang mapahamak kayo and lalo ka na babae ka pa naman " sabi ni Mom kaya napaupo na lang ulit ako. Tss babae ka pa naman?! Tss I'm a gangster princess anyway damn! "And by the way, papuntahin niyo yung kambal dito sa bahay mamaya. Magb-bake ako ng cookies para mapadalhan ko na din yung tita Vanessa niyo." dagdag pa ni mom.
"Mom una na po kami. Bye Mom" sabi ni Kuya saka humalik sa pisngi ni Mommy saka tumingin sakin "Let's go sistah." natatawang sabi niya. Sinamaan ko na lang siya ng tingin saka tumayo at humalik din sa pisngi ni Mom.
"Bye Mom." sabi ko saka na sumunod kay Kuya.
Sumakay na ko sa kotse ni kuya at nagsimula na siyang magdrive. Tahimik lang ako ng bigla siyang magsalita.
BINABASA MO ANG
The Nerdy Boy meets The Gangster Princess
Mystery / ThrillerNever been in hell until I met her.