Vincent's POV
Bakit ba kinakabahan naiwan lang naman ako sa harap ng kuya ng nililigawan ko? Kingina! Yung puso ko halos malaglag na sa sobrang kaba. Yung dila ko muntik ko ng malunok dahil sa ilang beses kong paglunok sa sobrang kaba.
"Sumunod ka" ma-awtoridad na utos niya at lumabas na. Sumunod naman ako sa kanya. Baka mapatay pa ako eh. Napakalalim ng boses niya kaya hindi mo maiiwasang matakot talaga.
"Sakay." utos niya kaya agad kong binuksan ang pinto sa may shotgun seat at kaagad na pumasok. Pumasok na rin siya sa driver seat at pinaharurot na ang kotse paalis.
Habang nasa biyahe tahimik lang ako at steady lang ang katawan ko. Baka isang galaw ko lang yun na ang maging dahilan ng pagkamatay ko. Jusko lord! Wag naman sana.
Pagkatapos ng ilang minuto huminto ang sasakyan sa isang malaking gate. Na saan na kami?!
"Baba" kaya naman binuksan ko na yung pinto at lumabas na ako. Naglakad kami papasok at bawat hakbang ko parang papalapit ako sa kamatayan. Jusko po! Mabait naman ako eh.
"Uy andiyan pala si Death King!" napatingin naman ako dun sa lalaking nagsalita. Nakakatakot ang mga itsura pero nakakatakot talaga tong kapatid ni Chaii.
"DK sino tong kasama mo?" sabi nung isa habang papalapit samin at tinignan ako mula ulo hanggang paa.
"Suitor of my lil'sis. Kakausapin ko lang siya. Walan susunod." matigas niyang sabi at naglakad na sumunod naman ako. Nakakakilabot talaga yung boses niya.
Pumasok kami sa isang kwarto na walang laman na kahit ano kundi ang isang upuan. Pinaupo niya ako doon habang nasa harap ko naman siya. Napalunok ako tangina mawawakasan na ba ang buhay ko?
"Anong pangalan mo?" walang kaemo-emosyong tanong niya
"Vincent Lopez." simpleng sagot ko pero kinakabahan pa rin
"Alam mo ba kung anong pinapasok mo huh!?" pasigaw niyang sabi kaya napalunok ako.
"N-nanliligaw sa kapatid mo." nauutal kong sagot mukhang mas nagalit siya sa sagot ko.
"Eh putangina mo din pala eh! Are you kidding me?!" sigaw niya at kwinelyuhan ako. Shit! Yung boses niya nagecho sa sobrang lakas. Damn! Nakakatakot tumingin sa mata niya parang papatay eh.
"H-hindi po ako nagloloko
S-seryoso po ako. M-mahal ko ang kapatid mo." nauutal kong sabihin kahit na natatakot at kinakabahan ako, buong tapang ko pa rin sasagutin ang tanong niya."Damn you!" sigaw niya at sinuntok ako. Natumba naman ako sa kinatatayuan ko. Bakit gaanon na lamang siya kagalit?
"Hindi ako gago bata. Hindi ako maniniwala sa pinagsasabi mo. Manliligaw? Seriously? Binully ka niya tas liligawan mo. If this is fucking revenge, stop it or else you're dead. I will never let anyone hurt my sister!" sigaw niya. Napalunok naman ako. He's a very protectuve brother.
"I'm sorry but I will never give up" akmang susuntukin niya ako ulit pero tumayo ako at pinagpatuloy ang sasabihin ko. "Hindi ko siya niligawan dahil naghihiganti ako. She's a bully and I'm just a fucking target. Actually I can't understand, why I fall for her. But I realized, love is complicated. Mas minamahal natin yung mga taong kahit na alam mong paulit ulit kang sasaktan minamahal mo pa rin. Hindi biro mahalin ang isang katulad niya dahil hindi siya katulad ng ibang babae. She's a freaking gangster princess. Every second, minute or hour lalong tumitindi ang pagmamahal ko sa kanya. There's something special sa kanya na hindi ko maexplain. She's heartless but deep inside there's something makes me fall for her. Hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko kasi alam kong malapit na akong sumabog pag tinago ko pa. Again I'm sorry but I will never give up. I love her."
"Ok just remember this Mr.Lopez Never ever try to make my sister cry. Protektahan mo siya kahit na mas malakas pa siya sayo pilitin mo. Masakit na para sa kanya ang umiyak at masaktan sa pangatlong beses." seryosong sabi niya. Napaisip naman ako sa huling sinabi niya.
Napahawak ako sa mukha ko dahil sinuntok niya ako sa hindi malamang dahilan kaya nagdugo ang labi ko.
"Welcome to Homicide Devils." napakunoot naman ang noo ko sa sinabi niya. "Papayagan lang kitang manligaw sa kapatid ko kung sasali ka sa gang ko dahil baka dun ko masigurado kung malakas ka na para sa kapatid ko at hindi na lampa" napatigil naman ako sa sinabi niya. Being a gangster again? Ugh!
Pero mahal ko si Charli..
"Fine. I'll join"sagot ko,tinapik naman nya ang balikat ko
"Pero kahit na ganun, wala pa rin akong tiwala sayo" seryosong sabi niya at lumabas na sumunod naman ako sa kanya. At napangiti.
"Oh DK. Anyare!?" sigaw nung lalaki kanina.
"Meet our new gangmate, Vincent Lopez." saad niya at napatingin naman sakin ang lahat. Napatingin naman ako dun sa isa na sa pagkakatanda ko Jv ang pangalan. So gangster din siya at miyembro siya ni Kuya Charles.
Lumapit sila isa isa sakin para iwelcome ako.
"Welcome Bro, minsan lang magsali si DK ng miyembro eh. Nga pala Russel, mas kilala sa tawag na Russty. Pwede rin namang gwapo " pagpapakilala niya nginitian ko na lang siya, sumunod namang lumapit sakin yung kakambal ni Vj.
"Welcome dre. Manliligaw ka pala ni Charli. Goodluck na lang. Kawawa yung kakambal ko. " hindi ko na masyadong narinig yung huli niyang sinabi binulong niya lang kasi. Nginitian ko na lang din yung mga iba pang nagpakilala sakin.
"Sige aalis na kami. Tawagan niyo ko pag may laban." naglakad na kami pabalik sa kotse niya. Pagkasakay namin agad niyang pinaharurot iyon paalis.
"Ihahatid na kita sa inyo. Ano bang address mo?" tanong niya. Sinabi ko naman agad sa kanya. Mabait naman pala kuya niya nakakatakot lang talaga.
Ilang minuto lang ay nakarating na din kami sa bahay namin at nakaupo ang kapatid ko sa may pintuan na parang hinihintay ako. Pagkakita niya sakin napatayo siya.
"Salamat." sabi ko at akmang isasara na ang pinto ng bigla siyang magsalita
"Tandaan mo ang sinabi ko, Lopez. Saktan mo lang ang kapatid ko uubusin ko ang lahi niyo." seryoso niyang sabi at tumango na lang ako at isinira ang pinto at tuluyan na siyang umalis. Pumasok naman ako sa gate ng bahay at sinalubong ako ni Shiela.
"Kuya where are you galing ba?" tanong niya habang papasok kami sa bahay. Umupo ako sa sofa sumunod naman siya sakin.
"Shie magagalit ka ba sakin kung bumalik ako sa dating ako? yung gangster?" tanong ko sa kanya nagulat naman siya sa sinabi ko pero nagseryoso din ang mukha niya ulit
"Wala namang kaso sakin yun. Nagaalala pa rin ako sayo well miss ko na din yung dating ikaw." naiiyak na naman niyang sabi kaya napabuntong hininga ako.
"Hindi ko namamalayan na bumabalik na ako sa dating ako. Shie, I'm a gangster again..." nagulat naman siya sa sinabi ko. As expected.
"What!? Paano!?" naguguluhang tanong niya kaya kwinento ko sa kanya ang nangyari.
"So you choose na ipaglaban pa rin ang pagmamahal mo kay ate Charli even you don't want to be a gangster again." tango na lang ang nasagot ko sa sinabi niya.
"I'm so proud of you kuya." nakangiting sabi niya at niyakap ako. Napangiti na lang ako ginantihan sya ng yakap
"Tama ba ang desisyun? Kaya ko ba talagang bumalik sa dating ako? What if.."
"Shhh Stop those stupid what if's. Just remember na andito lang ako. Push lang!" ngumiti na lang ako.
Sana nga tama ang desisyun ko..
Someone's POV
"Master ano na pong gagawin natin."
"Wag niyo na muna siyang gagalawin. Bantayan niyo muna ang bawat galaw niya."
"Masusunod po." at umalis na siya.
Napatingin ako sa dalawang picture na hawak ko.
Charles Matthew
Charli Maei
This two might be next leaders of their clan. Therefore, we must kill them.
![](https://img.wattpad.com/cover/27793342-288-k209862.jpg)
BINABASA MO ANG
The Nerdy Boy meets The Gangster Princess
Mystery / ThrillerNever been in hell until I met her.