Chapter 24 - Partner

331 7 0
                                    

Short Update! Sorry po.

Vincent's POV

Hay heto na naman ako naglalakad sa hallway papunta sa room ko. Nauna na sakin yung kapatid ko eh nagmamadali tss. Pansin ko ngang madalas na napapangiti siya mag isa. Insane.

Hindi ko pa rin alam ang nararamdaman kong ito para kay Charli. I always think of her. My heart beat isn't normal when she's near. Impossible naman magkagusto ako dun sa demonyong yun!

Speaking of the Devil.

Nagkasalubong kami. Pero linagpasan niya lang ako at nauna ng pumasok sa room. Hindi katulad dati na pang aasar ang bungad sakin hay. Why do I feel miss her? Damn!

Punasok na lang ako sa loob at umupo na sa upuan ko. Inayos ko ang bag ko at napatingin ako kay Charli na nakasalukuyang nagsusulat sa papel.

Kinuha ko na lang yung isa kong libro magbabasa na lang muna ako habang wala pa yung teacher namin.

Habang nagbabasa ako nagulat ako ng may isang lumilipad na papel ang dumaan sakin at tumama dun sa kaklase kong babae na ubod ng arte. Napatayo naman siya dahil dun.

"Shit! Who did that!?" inis na sabi ni Cass. Arte talaga tss. Buti pa si Charli walang arte--Ay putek! Tama na Vincent!

"Ako. Bakit?" walang gana niyang sabi napatingin naman kaming lahat sa kanya. Nagd-drawing lang siya dun sa papel at hindi nagabalang tumingin samin.

Napaupo na lang ulit yung kaklase kong maarte. Ano sya ngayon? HAHA

Pinagpatuloy ko na lang yung pagbabasa ko ng biglang may tumamang papel sa ulo. Hay naku Charli! Ugh! Hinayaan ko na lang.

Pero bwisit may tumama na namang papel sa ulo ko. Iniinis talaga ko ng bwisit na Charli na to! Tumayo ako at hinarap siya

"Ano bang problema mo!?" sigaw ko sa kanya pero ngumisi lang siya.

"Mr.Lopez meron bang problema?" napatingin ako dun sa nagsalita si Mrs.Bernardo na kakapasok lang. Aish!

"Wala po." sabi ko na lang at sinamaan ng tingin si Charli saka umupo na. Napatingin ako dun sa binatong papel sa akin ni Charli. Binulsa ko iyon para naman hindi pakalat kalat.

"Okay, class may pinapagawa kasi sakin ang principal kaya iiwanan ko na lang kayo ng activity. You will perform by two. Kakanta lang naman kayo. Any song you choose." napatango na lang kami sa sinabi ng teacher namin. "And for the groupings. The one who sits behind your back is your partner." Damn! What was that?!

Nagsilabasan na yung mga kaklase namin para magpravtice at naiwan kami dito ni Charli. Walang nagsasalita sa amin. Humarap ako sa kanya kasi hindi ko kakayanin kong bumagsak ako.

"Uupo ka na lang dyan!? Ano na gagawin natin!?" pasigaw kong sabi sa kanya. Babagsak ako sa ginagawa niya eh!

"Can you just shut up!?" inis niyang sabi at kinuha ang phone niya at kinalikot ito. Sungit talaga.

At maya maya pa kinuha ang bag niya saka tumayo. At naglakad palabas.

"Follow me." agad naman akong tumayo at kinuha ang bag ko saka ko siya sinundan.

***

"Bakit tayo nandito?" sabi ko habang iniikot ang tingin ko sa music room. Pero sa halip na sagutin niya ako umakyat siya sa stage. Sumunod naman ako sa kanya.

"Do you know how to play guitar?" napakunoot ang noo ko dahil sa tanong niya pero tumango na lang ako. Inabot niya sa akin ang isang gitara.

"Here." inabot niya sa akin ang phone niya. Kinuha ko iyon at tiningnan. Chords ng One Call Away?! Eto ba kakantahin namin.

Umupo ako at inayos ang gitara. Alam ko naman yung kantang One Call Away. Inalala ko yung melody saka ako nagtry ng strumming pattern. Pero parang hindi pa rin tugma. Nagtry ako ulit at mali pa rin. Lumapit naman sa tabi ko si Charli saka kinuha ang gitara sakin.

"Watch." saad niya at nagsimulang magstrum. At mukhang maayos na. Pinanuod ko lang siya. Maya maya pa inabot niya sa akin ang gitara.

"Strum." utos niya. Ginaya ko yung pagstrum niya and thank God nakuha ko naman.

"So you'll play the guitar and you sing."

"Eh ikaw?" unfair yun pagwala siyang gagawin.

"Sasabayan kita kumanta." napalunok naman ako dun.

"Ok go strum." nagsimula na akong magstrum. Pagkarating sa verse ay nagsimula na siyang kumanta.

Damn! Her voice. Siya yung babaeng narinig ko sa Music Room dati!

The Nerdy Boy meets The Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon