Charli POV
6:30 am
Gising na ko. Ayos na. Nakaligo at nakabihis. But damn I don't want to go. Makakasabay ko lang si Kuya at limitado ang galaw ko tss.
Napabuntong hininga na lang ako saka kinuha ang gamit ko at lumabas ng kwarto ko. Pagkalabas ko sakto namang kalalabas din ni Kuya tss.
"Good Morning sistah" nakangising sabi niya. Tinaasan ko naman siya ng kilay.
"Whatever." sabi ko sakanya at sinamaan siya ng tingin "Umalis na ba si mommy?" tanong ko kay Kuya.
"Yeah kanina lang and you must be--"
"I know tss." sabi ko saka nauna ng bumaba. Daming alam eh. Paulit ulit. Parang sirang plaka tss.
Nagtungo na lang ako sa dining para kumain. Inayos naman ni Yaya Lita ang mga pagkain para makakain na kami. Umupo na rin si Kuya saka sumabay sa akin.
Tahimik lang kami sa pagkain. As if kakausapin ko siya? Utut niya tss.
"Dalian mo na dyan. Aalis na tayo" sabi nya nung patapos na siya sa pagkain.
Nang matapos na akong kumain sumunod ako kay Kuya na pumunta na sa kotse niya kanina. Naabutan ko naman siyang nakasandal sa kotse niya.
Pumasok na lang ako sa kotse niya saka umupo sa passenger seat. Pumasok na lang din siya at nagsimula ng magdrive.
"Don't make anything stupid that will lead you in trouble Chaii. Wag kang pasaway." sabi ni kuya habang nakabaling pa rin ang tingin sa daan. Oh c'mon! I'm not a child anymore.
"I know tss." walang emosyon kong sabi. Ulit ulit tsk!
"Sungit mo. Meron ka ba ngayon?" natatawang sabi nya. Damnit! Sisipain ko to ng palabas ng sasakyan eh.
"Whatever" inirapan ko na lang siya. At buti na lang hindi na siya muling nagsalita kasi kung hindi puputulan ko na talaga siya ng dila.
"Chaii sumabay ka saken mamaya wag mo ng subukang tumakas kundi walang allowance." sabi ni kuya at umalis na. Ugh! Fucking strict brotha.
Naglakad na lang ako papunta sa room ko at nakasalubong ko naman si Vj.
"Good Morning Chaii" nakangiting bati ni Vj.
"Morning" tipid kong sabi at patuloy pa rin sa paglakad sumabay naman siya sakin.
"Anong problema mo? Bakit wala ka sa mood kahapon?"
"Pagod lang ako" sabi ko naman.
"Tara hatid na kita sa classroom mo" aya naman nya. Tss katamad sa room ayaw ko pa pumasok. Napaisip ako at may naalala akong isang bagay.
"May pupuntahan muna ko. Sama ka?"
**
Nakakamiss palang pumunta rito. Yung tahimik na lugar. Yung mga musikang nagmumula sa mga instrumentong narito. Yeah nandito kami sa music room.
Sabay kaming umakyat ni Vj sa stage. Umupo siya sa may piano at kinuha ko naman ang isang acoustic guitar saka umupo sa isang upuan.
Madalas ako dito noon--kami. Walang pinagbago ang lugar na ito.
Nakakamiss ang lahat pero masakit kapag inaalala. Mahapdi sa mata. Masakit sa ulo. Mabigat sa puso.
Gusto ko mang kumawala sa nakaraan hindi ko magawa. Siguro nga nababalot ng galit ng nakaraan ang puso ko. Hindi ko na alam kung ano dapat gawin.
BINABASA MO ANG
The Nerdy Boy meets The Gangster Princess
Mistério / SuspenseNever been in hell until I met her.