Vincent POV
"Dahil... MAHAL NA KITA!!" lalo akong napaiyak ng sabihin niya ang mga salitang yan
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.
"Iniiwasan kita dahil mahal na kita. Nakakatawa diba? Dahil sa lalaking binubully ko doon pa ko nainlove, sa isa pang nerd. Iniiwasan kita dahil ayaw kitang makapasok sa buhay ko. Pero wala eh pumasok ka pa rin sa buhay ko, sa puso ko. Hindi ko kayang hayaan lang na lumalim ang pagmamahal na nararamdaman ko. Kasi.. Bumabalik ang kahinaan ko."
"Iniiwasan kita kasi ayokong mahulog ng tuluyan. Iniiwasan kita dahil ayaw ng makita ang sarili kong umiiyak ulit. Iniiwasan kita dahil mapapahamak ka lamang habang malapit ako sayo. Iniiwasan kita oo dahil natatakot ako sa pwedeng mangyari!" napaupo siya sa damuhan. Hindi ko mapigilan ang sarili kong maiyak dahil sa mga sinabi niya.
"Charli.. Hindi habang buhay makakatakbo ka palayo. Minsan kailangan mo na lang tumigil at hayaang mangyari ang lahat. Hindi ka magiging masaya lung puno ka ng pangamba."
"Andito lang ako. Kahit ilang beses mong ipagtabuyan. Kahit ilang beses mong sigawan. Kahit ilang beses mong bugbugin. Hindi kita iiwan..hindi ako aalis sa tabi mo. Mahal kita..." lumuhod ako sa harapan niya.
"Hindi ako gaya ng iniisip mo. Hindi kita iiwan. Hindi kita papabayaan. Natatandaan mo ba yung performance natin. I'm only one call away. Walang wala si superman sa akin. Ako ang prinsipe mo. Ako ang weirdong nerd na knight and shining armor mo."
"Pangako?" nag angat siya ng tingin sa akin. Kaya napangiti ako.
"Pangako." tinulungan ko siyang makatayo at hinarap sa akin. "So please Charli Maei Calizo pwede ko bang ipagpatuloy ang panliligaw ko sayo?"
"Oo na!"
"YES!WOO!" sigaw ko at nagtalon talon "Thank you Chaii."
"Sige na! Tayo na!" hinawakan ko naman siya sa kamay at hihilain na sana siya para bumalik kina Kuya Charles pero hindi siya nagpahila.
"Tayo na nga!" sigaw pa niya kaya napakunoot ang noo ko.
"Oo nga tara na balik na tayo dun" sabi ko at hihilain sana siya muli pero hindi pa rin siya nagpahila.
"TAYO NA NGA SABI!!"
"Tara na nga ka---Ano tayo na?!" gulat kong sabi at hinawakan siya sa magkabilang balikat.
"Ayaw mo ba?"
"Gusto! Gustong gusto!" sigaw ko at binuhat siya.
"Oy Vinci Ibaba mo nga ako!" sigaw niya kaya binaba ko na siya
"I love you my gangster princess. habang nakayakap pa rin sa kanya. Hindi siya sumagot pero hinayaan ko. Napangiti na lang ako ng bigla siyang gumanti ng yakap.
***
Bumalik kami ng magkahawak ang kamay namin Charli. Kinikilig nga ako syet!
Nang papalapit na kami sa kanila napatingin silang lahat samin lalo na sa kamay namin. Bibitaw sana si Charli pero hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay niya kaya napatingin siya sakin nginitian ko na lang siya.
"Chaii! What is this?!" gulat na tanong ni Kuya Charles
"CHARLI MAEI CALIZO EXPLAIN NOW!" sigaw naman ni Kuya Charv.
"Chaii bakit?" mahinahon na tanong ni Kuya Charm.
"Kami na po ni Charli." ako na ang nagsabi dahil alam kong hindi kayang sabihin ni Charli.
"WHAT!?" sigaw nilang lahat.
Eto na naman ang mga chismosa umekstra na naman. Hay naku naku! Bakit ba nagkalat ang mga chismosa sa mundo?! Paki explain. Love you.
"OMG! Sila na daw?! Paano si Papa Vj?!"
"No! Hindi maari! Guguho ang mundo! Cutiers pa rin dapat!"
"Oo nga maghihiwalay din sila! Cutiers pa rin tayo!"
"Bagay din naman sila ni Vincent eh! VinChaii! Whoo!"
"Shut up! Mas bagay sila ni Papa Vj!"
"Duh! Mas bagay kami!"
"Gag! Uwe!"
Napabuntong hininga naman ang tatlong kuya ni Charli saka nagsalita.
"Pumunta ka sa bahay bukas" sabay sabay nilang sabi kaya napanganga ako. Hinila naman si Charli ni Kuya Charv at Kuya Charm "Umuwi na tayo." sabi ni Kuya Charv. Si Kuya Charles nagpaalam muna kay Jamie.
"OMG Kuya magkwento ka na go!" kinikilig namang sabi ni Shiela. Kaya napailing ako.
"Tara na nga! Uwi na tayo" sabi ko at naglakad na papalayo sumunod na lang siya.
Hindi ko mapigilang mapangiti sa tuwing maiisip ko na kami na...
Kami na shet! Pero teka nga?! Shet kinakabahan ako bukas. Ano naman kayang ipapagawa sakin ng mga kuya niya bukas?!
Someone's POV
"Bakit hindi mo siya nahuli?" tanong ko sa kanya pagkapasok niya sa condo ko. Tss.
"Tss. Baka malagot ako kay master kapag napuruhan yung apo niya." so magkasama na naman sila. Tss.
"Basta ipagpatuloy mo lang ang pagmamanman." tumango lamang siya at sinimulang linisin ang kanyang baril.
"Na saan si Tyron?" napatingin ulit ako sa kanya.
"May nakahuli sa kanya. Tss. Babawiin ko na lang siya kapag nakahanap ako ng tsiempo."
"Siguruduhin mo lang Kent."
"Tss. Oo kuya."
Author's Note: Like err! Sino yung naglast POV charr! Hahaha Sila na. Yiie! Sorry short update ang peg ko. Ganun talaga. Humanda na sa mga susunod na mangyayari. Wahahaaa! Charot!
Don't hesitate to share your thoughts.
Next Chapter: Vj POV
![](https://img.wattpad.com/cover/27793342-288-k209862.jpg)
BINABASA MO ANG
The Nerdy Boy meets The Gangster Princess
Misterio / SuspensoNever been in hell until I met her.