Charli POV
Kumakain na kami ngayon ng breakfast ni Kuya. Pero kanina ko pa napapansin na ang tahimik niya minsan nga tulala pa siya eh. Kung dating ng aasar siya ngayon sobrang tahimik niya. Tss.
Sa pagkakaalam ko anong oras na lang siya nakauwi kagabi. Saan na naman galing to kagabi?
"Kuya." napalingon naman sya sakin ng tawagin ko siya. "Problema mo?"
"W-wala. Tapos ka na kumain. Tara na?" tumango na lang ako saka na kami lumabas ng bahay.
Sumakay na kami sa kotse niya at buong biyahe tahimik pa rin siya. Mukhang malalim ang iniisip niya.
Nakarating na kami sa school na tahimik pa rin siya.
"Una na ako." sabi ko at tinanguan niya lang ako. Problema nun? Tss.
Naglakad na ako sa hallway papuntang library. Inaantok ako kaya dun na muna ako.
Maayos na ulit ang library. Pagkapasok ko sa library agad na nakaagaw ng pansin ko ang isang lalaking nagbabasa sa isang sulok. Si Vinci.
Hindi na siya nalelate ngayon. Tss.
Lumapit ako sa kanya saka umupo sa upuan sa may harap niya. Kinuha ko ang ballpen niya na nakapatong sa mesa. Saka nagpen-tap para makagawa ng ingay.
Pero di lang niya ako pinansin kaya mas linakasan ko pa ang paglalaro ng ballpen. Pero di pa rin niya ako pinapansin at patuloy lang sa pagbabasa. Kinuha ko pa ang isa pang ballpen niyang nakapatong sa mesa saka sabay na pinatunog.
“Anong problema mo!?” inis niyang sabi pero pabulong lang. Takot lang niya mapagalitan ulit tss.
“Ikaw?” parang patanong kong sagot sakanya. Napakunoot naman siya ng noo.
“Ako?Ano namang ginawa ko sayo?” pasigaw niyang sabi sakin. Kaya napapatingin na samin yung mga estudyante dito sa library.
“Nakakasira kasi ng araw ang pagmumukha mo!” pasigaw kong sabi sa kanya. Napakunoot naman ang noo nya.
“Anong problema mo sa mukha ko!?” inis niyang sabi. Halatang nanggigil na sa inis.
“Kasi…kasi…kasi ang Panget mo!” sabi ko at tumawa ng malakas.
"You two! Get out!" sigaw nung librarian. Sinamaan ako ng tingin ni Vinci, saka padabog na inayos ang mga gamit niya at tumayo na para umalis.
“Uy may stain ka sa pants” bigla naman syang napatigil sa sinabi ko.
“Haha Look at your FACE it's so funny” natatawa kong sabi sa kanya saka lumabas sa library.
Napatigil ako sa pagtawa ng biglang may nagsalita sa tabi ko at sumabay sa paglakad ko.
“Who’s that?” seryosong tanong ni Vj.
“My New Target” simpleng sagot ko sa kanya pero seryoso pa rin mukha niya.
“Ah” tugon niya. “Sabay ka na lang sakin mamaya ah?” tanong niya pa.
“Ewan baka kasi si ku-” di pa ko tapos magsalita pinutol na nya sasabihin ko.
“Sinabi ko na kay Charles” sabi naman niya kaya napatango na lang ako
Pumunta naman kami sa may field at umupo sa may bench. Saka nagkwentuhan ng bigla naman dumating si Steven. Amdito na naman tong maingay na to tss.
"Uy Blackpearl. Linigtas mo pala yung kapatid ko nung isang araw. Dapat hinayaan mo na lang." natatawang sabi niya. Baliw talaga tss.
"Problema mo Vj. Seryoso ng mukha natin ah." sabi pa niya saka tumabi samin.
"May logic ako sa inyo. Dali!" napatingin kami kay Steven bago niya tinuloy ang pagsasalita.
"What KEY that cannot unlock any door?" napataas naman ako ng kilay sa tanong niya.
"What?" tugon ni Vj.
"KEYpad HAHAHAHA pwede ring KEYboard HAHAHA" napailing na lang ako sa kakornihan ni Steven. "Di man lang kayo tumawa. Tss. Eto na lang logic pa."
"May isang babae nasa sementeryo habang nakatingin sa puntod. Isang lalaki ang nakakita sa kanya at linapitan siya. 'Kaano ano mo ang patay?' Tanong nung lalaki. 'Siya ang nagiisang anak ng nanay ko.' Kaano ano ng babae ang nasa puntod?"
"Siya yun." simpleng sagot ko.
"Mali. Yung tunay na anak ng nanay niya. Ampon lang siya." sabi naman niya kaya napailing na lang kami ni Vj.
Tumayo naman kami ni Vj para umalis.
"Sige ganyanan! Sanay naman akong maiwan." ang drama tss.
Vincent POV
Kakaasar talaga tong si Charli! Di na nagsawa sirain ng araw ko! Argh!
Naglakad na lang ako sa may field saka ko nakita ang kapatid ko magisang nakaupo sa may bench kaya linapitan ko siya.
Umupo ako sa tabi nya pero parang di nya ako napansin. Tulala kasi siya. Siniko ko naman siya
"Anyare?" tanong ko sa kanya. Napalingon naman siya sakin.
"Ha?" balik nyang tanong saken
"Sabi ko anong problema mo?" paguulit ko sa tanong ko "Tulala ka kaya" dagdag ko pa
"Ah nothing. I'm naiinip lang naman"sabi nya at ngumiti sakin.
Nagpaalam na rin ako sa kanya kasi maguumpisa na rin naman klase ko.
***
Kinabukasan
Maaga akong nagising. At nakita ko ang kapatid ko na tulala naman habang nasa harap ng hapag kainan.
"Uy nasa harap ka ng pagkain. Ganyan ang itsura mo." sabi ko sa kanya. Napatingin naman siya sakin.
"Kuya Am I bad?" malungkot na sabi niya.
"Hindi ka masama Shiela. Bakit mo ba sinasabi yan?" takang tanong ko saka umupo na rin para kumain.
"Eh bakit wala akong kaibigan?" mangiyak ngiyak na sabi niya.
"Hindi ka masama. Mabait ka. Hindi ibig sabihin na wala kang kaibigan masama ka na. Hindi iyon ang basehan. May mga tao lang talagang madaling manghusga. May mga taong pwedeng hindi tayo magustuhan kung ano tayo. Kasi iba ang pananaw nila. Kaya wag mong sabihing masama ka kahit hindi naman talaga. Basta alam mo ang totoo kahit wala ka pang maging kaibigan. At isa pa may kaibigan ka andito kaya ako."
"Thank You Kuya." tumayo siya saka ako yinakap.
BINABASA MO ANG
The Nerdy Boy meets The Gangster Princess
Mystery / ThrillerNever been in hell until I met her.