Chapter 7

250 31 8
                                    

Anna's Point Of View

{Now Playing: Let Me Know by Bangtan Seonyeondan}

Nagkulong lang ako sa kwarto ko pagka uwi ko. Madaling araw na din naman, 2 hours bago mag 6. Nakaupo lang ako sa baba ng kama ko at nakatulala. Iniisip parin yung nangyari sa School at Black Crust kanina.

Lance.

'Yun ang alam kong pangalan nya dahil 'yun ang sabi ni Lianne. Pagkatapos ko kasing makita 'yung mga frames ay pinapasok na nya 'ko sa mga klase ko. Sya pa nga naghatid sakin sa room ko. Wala naman nang nangyaring malala pagkatapos 'nun, well, bukod sa kaklase ko 'yung current Girl Friend ni Kent. Hindi naman na big deal sakin 'yun dahil hindi naman na nya 'ko pinansin, so do I.

Pero hindi ko inaasahan na kinagabihan ay makikita ko na naman ang hinayupak na 'yun. I hate him.

"Anna.. "

Napatingin ako sa pinto nang marinig ang boses ni Andrea. Tinignan ko ang alarm ko at sakto namang tumunog ito. 6 AM na pala. Hindi ko man lang napansin.

"Gising ka na ba?" rinig ko ulit.

Pinilit ko ang sarili kong tumayo kahit na sobrang tinatamad ako. Suot ko pa din ang suot ko kagabi, pati ang eyeliner ko ay kalat na rin. Wow. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Tuesday nga pala ngayon. At may pasok ako.

Kinuha ko 'yung kumot ko at binalot 'yun sa buong katawan ko. Kinalat ko naman ang bangs ko para matakpan ang mga mata ko saka tinignan ang sarili ko sa salamin. I looked terrible, really. Pero atleast hindi halatang galing ako sa bar kagabi.

"Anna. Bakit ka ba nagla-lock ha?" Nakarinig ulit ako ng katok at mga reklamo ni Andrea. Napasabunot ako, dahilan upang mas lalong magulo ang buhok ko. Pinihit ko ang door knob ko. "Thank G---Omyghad Anna! "

Gulat na gulat ang itsura ni Andrea nang makita nya ang itsura ko. Well, hindi ko naman sya masisi. Ganyan din siguro ang magiging reaksyon ko kung nasa matinong kalagayan ako ngayon.

"W-what happened?" nanginginig nyang tanong. Tinignan nya ulit ako at napakunot ang noo nya, "Did you even try to close your eyes to sleep?"

Hindi ako sumagot at tumalikod na lang. "I don't want to go school." sabi ko at humiga sa kama. Parang ngayon lang ako nakaramdam ng antok. "I want to sleep all day. "

Wala akong narinig kundi isang buntong-hininga. Naramdaman kong lumapit sakin si Andrea at umupo sa kama ko. Nakatalikod ako sakanya kaya hindi nya nakikita ang malalang lagay ng mukha ko ngayon. Good thing.

"Second day mo palang, Anna." malambing nyang sabi. I rolled my eyes. "May masama bang nangyari sayo? "

Napangisi ako sa naging tanong nya. Bumangon ako at hinarap sya, parang nakalimutan ko ang lagay ng itsura ko. "Marami!" singhal ko na kinagulat nya. Siguro dahil na rin sa kalat kong eyeliner. "Tell me, are you sure that place is really for normal people?"

Naiiyak na naman ako. Naaalala ko lahat ng nangyari kahapon. Si Kent at 'yung girlfriend nya, 'yung pool at 'yung Bar.

"I want to transfer!" buong lakas kong sigaw. Tumulo na rin ang mga luha ko na naging dahilan ng pagbabago ng expression ni Andrea. A cold one.

"Give me an acceptable reason why you have to?"

Nagulat ako sa tanong nya. "Seriously?" sarkastiko akong napatawa. "I might die first before my graduation!"

Tinignan nya 'ko at saka napabuntong hininga. Tumayo sya at magsasalita sana pero hindi na nya itinuloy. Tumalikod sya sakin at palabas na sana ng kwarto nang bigla syang tumigil. Tinagilid nya ang ulo nya at umiling.

"No Anna. You'll not transfer whatever happens." sabi nya bago sya tuluyang lumabas. Iniwan akong nga-nga at walang masabi.

With that, I died mentally.

My life sucks.

***

Napilit ako ni Manang Linda na pumasok. Umalis na daw si Andrea pagkagaling nya sa kwarto ko kaya hinatid na lang ako ni Kuya Dave, driver namin. 11:30 na din ako nakadating sa school at malas dahil pinayagan pa 'kong makapasok. Binigyan pa 'ko ng guard ng warning na wag na daw pumasok 'pag ganon na ka-late. Psh. Ako ba may gusto?

"Miss Santos?" isang hindi masyadong familiar na boses ang nagpalingon sakin. Nakita ko naman ang isang matandang babae, mukhang school personnel, na naglalakad habang nagtataka akong pinagmamasdan. "Wala pang lunch. Bakit ka nasa labas?"

Napalunok ako. Now what? Sasabihin ko bang kapapasok ko palang? Oh no, baka magka-record agad ako sa guidance 'pag sinabi ko 'yun.

"Uh.. Magsi-CR lang po ako." I smiled sheepishly. Tumango-tango naman sya at sinabing bilisan ko daw. Phew. Buti nakalusot.

Binilisan ko ang lakad ko papunta sa direksyon ng CR. Doon na lang siguro ako magi-stay hanggang mag-lunch. Atleast hindi nila 'ko mapapansin kapag lumabas na 'ko–

"Oh, sorry. "

Napatingin ako sa kaharap ko at napakagat labi. Sa sobrang pagmamadali ko ay hindi ko na napansing may tao na pala sa harap ko. Nakayuko kasi ako.

Napatingin sakin 'yung babae. Tulad ng ibang expression ng mga studyante dito ay mahahalata ang pagka-bigla sa mukha nya.

Hinawakan nya ang balikat ko. Sobrang gulat na gulat sya. Kulang na lang ay kurutin nya 'ko sa sobrang paguusisa nya.

"Excuse me?"

"Totoo nga ang sinasabi nila.."

Nakatitig sya sakin. Punong-puno ng pagtataka ang mukha nya.

"Gail.. ikaw ba 'yan?"

***

Madilim na ang paligid. Lampshade ko na lang ang nagbibigay ng liwanag sa kwarto ko. Nakahiga ako ng bahagya sa kama ko habang hawak ang notebook ko.

Gail..

Sinundan ng pointing finger ko ang bawat linya ng calligraphy ko. Hindi ko maiwasang isipin. Paulit-ulit bumabalik sakin 'yung tanong ng babae kanina.

Dalawang beses ko na 'tong narinig. Dalawang beses na rin akong napagkamalang si Gail.

Napakunot ang noo ko.
Who are you?

Kabadtrip ka, Tadhana!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon