Chapter 10

230 25 6
                                    

Hindi ko alam kung ano nang magiging reaksyon ko. Nagsisi ako bigla na sumama ako dito. Ugh. Imbes na may mapagtuunan akong ibang bagay,  mas lalo pa 'kong napalapit sakanila. Gusto kong magmura. Gusto kong sumigaw ng malakas. 


Tumikhim si Katherine at ngumiti. "Let's start the audition?"

Napatigin sila lahat samin sa sinabing 'yon ni Kath. Alam ko namang mangyayari 'to pero hindi ko inaasahang sa harap pa niya. Sa harap ng taong nag-udyok sakin sa larangan ng musika. B-baka magkalat lang ako.

Inayos nila ang mga nakaikot nilang upuan at inilabas ang gitara. Binigay nila 'yon sakin at bahagya akong nginitian. Kinakabahan ako. Nawala bigla ang confidence na meron ako kanina.

Napalunok ako. Ramdam ko ang malakas na pagkabog ng puso ko dahil sa mga matang nakatingin at naghihintay sakin. Shaking, I placed my fingers on the strings. I heaved a sigh and pluck the first song that came in my mind.

"Can you fix a broken heart
That is tearing me apart
I didn't know that this could be so hard
Missing your warm embrace
Angel's smile on your face
Remembering our happy days

How will I start the day
When your love has gone away
Can you help me, help me find the way
Since the day you went away
My life has gone astray
Can you help me, help me find the way

I'd always hear my heart
Calling out your name
I feel within my heart
Crying out in vain
Would you tell me how to mend this pained
Broken heart"

Minulat ko ang mga mata ko matapos kumanta. Nanatiling tahimik ang lahat kaya napa-angat ako ng tingin. Bakas sa mga mata nila ang pagka-mangha at pagka-bilib.

Biglang may pumalakpak. Napalingon ako don. Si Kent. Nagsunod-sunod ang iba hanggang sa lahat na sila'y nakangiting pumapalakpak.

Inilayo muna ako ni Pheobe doon at pinapunta sa office table para mag-fill up ng ibang form. Kumikislap ang mga mata nyang binati ako ng 'congratulations'. Napakurap ako. Ibig sabihin nakapasok ako.

Maya maya lang ay nakarinig ako ng keyboard playing a familiar song. Di ko maiwasang mapa-ngisi. Marunong palang mag-piano ang hinayupak na 'yon?

"Wake up feel the air that I'm breathin'
I can't explain this feeling that I'm feelin'
I won't go another day without you (without you)
Hold on, I promise it gets brighter
And when it rains, I'll hold you even tighter
I won't go another day without you (without you).."

Napatigil ako sa pagsusulat. Maski si Pheobe ay napasilip sa pwesto nila. Ang ganda ng boses nya..

Hindi na nakapagtataka na pinalakpakan din sya pagkatapos nya. Narinig ko pa nga ang impit na tili ni Pheobe na halatang nagpipigil ng kilig. Napailing ako. Hindi ko inaasahang mapapabilib nya din ako.

Lumapit sakin si Pheobe ng may malawak na ngiti sa labi. "Did you know? Ngayon lang sumama ng organization si Lance after many years? Kaya nga nakakagulat na of all organizations pursue-ing him, tayo ang napili nya."

Napatigil sya sa pagsasalita nang pumasok na nga ang hinayupak dito. Agad naman syang binigyan ni Pheobe ng mga dapat fill-up-an. Halos mangarag sya. Umupo sa tapat ko si Lance pero hindi ako nagpahalatang naapektuhan din ako sa pinakita nya kanina. 

Tahimik kaming nagsasagot. Umalis muna si Pheobe para magpa-xerox ng ilang documents. I sighed. Kung pwede lang umalis na agad pero hindi pwede. Hindi ko naman pwedeng ibasta-basta ang pagsagot sa mga demand information dito. This is somehow a serious matter.

Unconsiously kong naigalaw ang isang binti ko dahil sa biglaang pag-kagat ng lamok. Ugh. What? Inabot ng heels ko 'yung makating part pero hindi nito makamot ng maayos.

I tsked. Napatingin sakin 'yung hinayupak sa harap ko pero di ko sya pinansin. Hindi ko talaga makamot kainis.

Pilit ko itong inaabot nang hindi nagpapahalata. I stretched my leg para sana maayos ko ang pagkakamot ko pero nasagi ko ang paa nya. Napatigil sya sa pagsusulat at tuluyan nang napatingin sakin.

I blinked saka tahimik na nag-bow as a sign of apology. Kinamot ko na lang ng tuluyan ang binti ko. Tss. Bakit ba kasi tinatago ko pa?

Walang nagsalita. Ilang segundo kaming binabalot ng katahimikan sa ganong sitwasyon. Biglang pumasok si Katherine sa maliit na room kung nasaan ang office table.

"Babe.." lumapit sya sa lalaking nasa harap ko. Doon ko lang napansing hindi nya pa inalis ang tingin nya kanina kung hindi lang dumating ang girlfriend nya.

Tinapos ko na ang mga dapat kong sagutan at tumayo na. I cringed seeing them in my peripheral view. Masyadong clingy. Lumabas ako doon at sakto namang nakasalubong ko si Pheobe kaya sakanya ko na lang binigay 'yung form. Pina-proceed nya ako sa parte ng office kung saan nagmi-meeting sila.

Maya-maya lang ay lumabas na sila Katherine. Pinag-uusapan na namin ang magaganap na concert sa sabado non. Ang organization pala na 'to ang pinaka-sikat sa lahat kaya mahalaga ang magaganap na performance namin. Kadalasan ng mga member nito ay sikat na din hindi lang sa campus kundi sa iba pang school dahil sa district competitions. Napa-iling na lang ako sa pagsisisi. Dapat pala inalam ko muna ang background ng organization na 'to bago ako sumali.

"This will be your debut performance. Nakasalalay sa ipapakita mo sa sabado ang image mo sa buong campus."

Nakatingin lang ako sa sahig at tahamik na tumango-tango sa sinabi ni Katherine. Sya pala ang president nito kaya ganon na lang sya ka-kontrolado sa mga distributions of songs parts. Hindi ko tuloy maiwasang mapa-buntong-hininga.

Ano bang pinasok ko?

Kabadtrip ka, Tadhana!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon