Lance's Point Of View
Naglakad ako palayo sakanya. Naikuyom ko ang mga kamao ko at napamura. Ano 'to? Anong ibig sabihin nito?
Summer Gail..
Sya 'yon diba? Hindi na 'ko namamalikmata o nagiilusyon, diba? Hindi na 'ko pwedeng magkamali sa pagkakataong 'to. Sya 'yun. Sya lang ang may kakayahang palakasin ang tibok ng puso ko ng ganito.
Napailing ako. Hindi ko alam. Hindi ko na maintindihan.
"Kuya!" napataas ang tingin ko at nagpalinga-linga sa paligid. Nakita ko naman sa hindi kalayuan si Lianne, bunso naming kapatid, na kumakaway habang tumatakbo papunta sa pwesto ko.
Anong ginagawa nito dito?
"Kuyaaaa!" yayakapin nya sana ako nang bigla nyang marealize na basa pala 'ko. Napahawak pa sya sa bibig nya habang tinitignan ang buong kalagayan ko. Nagtataka nya 'kong tinignan, "What happened?"
I shrugged my shoulders, "Nabasa?" maloko kong tanong. Sinamaan nya naman ako ng tingin at tinarayan.
"I know right. Gosh, you're so pilosopo naman kuya!" pabebeng sabi nya. Pinigilan ko lang matawa dahil baka mas lalo syang maasar. "What I mean is, bakit ka nabasa syempre. Duh?"
I smiled mockingly saka tumingin sa ibang direksyon, "Ewan ko nga rin eh." asar ko. Narinig kong nag-groan sya sa inis saka ako nilagpasan.
Naalala ko bigla 'yung nangayari. "Hey, hey!"
Tumigil sya saglit sa paglalakad palayo nung tinawag ko sya. "What?" tanong nya. Kahit nakatalikod sya, naiimagine ko na agad yung mukha nya. "If it's not important then I'll just--"
"It is." putol ko sakanya. Sumeryoso ang mukha ko at napabuntong hininga ako. "Can you go to the pool area?"
Humarap bigla sakin si Lianne at tinignan ako nang nagtataka, "For what?"
"Ano..." I bit my lower lip. Anong sasabihin ko? Na tulungnan nya 'yung babaen hinulog ko sa pool? Baliw na siguro ako bago ko itanong 'yun. "May naiwan kasi ako dun. Malayo na kasi ako, kung babalik pa 'ko baka maabutan na 'ko ng recess at makita nila 'kong ganito."
Nanliit ang mga mata nya pero nakangiti sya. Ano na namang problema nito?
"Okay!" bigla nyang sabi. Umiling na lang ako.
Tumalikod ako at naglakad na palayo. Narinig ko ang tawa nya kasabay ng mga sunod sunod na yapak. Tumakbo na sya papunta don.
Bumuntong hinga ako. I'm definitely out of my mind. Uuwi na lang ako. 'Yun na siguro ang pinaka-safe gawin sa panahong 'to.
***
Anna's Point Of View
"Anong ginagawa mo dito?" yan agad ang lumabas na tanong sa bibig ko. Hindi ko talaga alam kung anong ire-react ko ngayong nasa harap ko sya.
"You'll know it later, Unnie." nakangiti nyang sabi. Napatingin sya sa itsura ko at mukhang ngayon nya lang napansing basang-basa ako. Napahawak sya sa bibig nya, again. "Omo, what happened bakit.. ganyan din ang itsura mo?"
I rolled my eyes.
"May hinayupak kasing naghulog sakin sa pool." asar kong sabi. Umiinit talaga ang ulo ko. "Kahit na niligtas nya 'ko, hindi ko parin maalis yung galit ko."
Tumawa sya ng malakas, "Hinayupak?"
I smirked. "Bagay lang sakanya 'yun. Baliw ba sya?"
Tumango-tango naman sya at bumulong na hindi ko naman narinig. Tumingin sya bigla sa 'kin at sa basa 'kong katawan. "Let me help you, Unnie."
Ngumiti sya sakin saka ako agad na hinila.
***
Isang pares ng uniform ang nasa harapan ko ngayon. Nasa loob din kami ng office ng principal. Hindi makapaniwala akong tumingin kay Lianne.
"Tama ba ang rinig ko?" halos mautal kong tanong.
Tumawa sya at tumango. "Yes, unnie. Anak po ako ng may-ari ng school na 'to."
Tuluyan nang napa-awang ang bibig ko sa sinabi nya. Hindi ako makapaniwala!
Binigyan nya 'ko ng tuwalya at pinapasok na sa loob ng CR dito. Binilisan ko naman ang pagpapalit ng uniform. Baka biglang dumating si Principal Dela Fuente at makita ako dito. Kahit pa na kasama ko ang anak nya, nakakahiya pa din!
Bumungad sakin ang nakangiti nyang mukha nang lumabas ako. Hinila nya 'ko papunta sa maliit na table, coffee table I guess at pinaupo. May dalawang kape 'dun at mga tinapay.
Nag-aalangan akong tumingin kay Lianne. Napansin nya sigurong hindi ako komportable kaya bahagya syang napatawa. Nakangiti lang sya sakin nang inabutan nya ako ng mga tinapay.
"Unnie, wala si Mommy ngayon. Mamaya pang lunch ang dating nya kaya 'wag kang mag-alala." pag-sisiguro nya pero di pa rin ako mapakali.
Napa-iling na lang sya. Sinabi nya saking sya na bahala sa mga na-skip kong klase at sa pagpapaliwanag kung sakaling naabutan kami ng Mommy nya dito.
Nagkwento sya tungkol sa magiging school nya this school year, sa mga gusto nyang gawin, at lalo na sa mga korean na crush na crush nya.
Habang nagku-kwento sya ay hindi ko sinasadyang mapatingin sa mga pictures na nakalagay sa table malapit samin. Siguro napansin ni Lianne na nakatingin ako sa mga 'yun kaya kinuha nya 'yun.
"This is my family, unnie." nakangiti nyang sabi habang nakatingin sa family picture na nasa frame. Baby pa sya nun at masasabi kong sobrang cute nya. May dalawa syang kuya pero maliliit pa lang din.
May isa pa syang pinakitang frame na nakapag-patigil sakin. Pakiramdam ko nakakita ako ng kriminal na matagal nang nagtago. S-sya 'yun. 'Yu-yung lalaki kanina!
"What's wrong, unnie?" takang tanong ni Lianne at binaba 'yung frame. Hinawakan nya ang kamay ko saka ako tinignan. "Bakit bigla kang namutla?"
Tinignan ko sya, "Sino 'yung.." tinignan ko ulit 'yung picture na kasama nya 'yung dalawa nyang kuya. Mukhang current picture lang 'to. "'Yung lalaking 'to."
Tinignan nya 'yung tinuro ko, "That's kuya Lance."
Naikuyom ko ang kamao ko. Napansin 'yun ni Lianne kaya hinawakan nya 'yun.
"Unnie, to be honest, kaya kita nakita kanina dahil sya ang nagpapunta sakin don."
Napatingin ako sakanya pero ngumiti lamang sya.
"Hindi ko alam kung anong dahilan nya, pero sana wag po kayong magalit sa kuya Lance ko. Mabait po sya."
Napatitig ako sa mga mata ni Lianne. She's so innocent.
BINABASA MO ANG
Kabadtrip ka, Tadhana!
Teen FictionAnna left her life in America to move on with her past relationship. She was naturally proud and confident. She was very sure of every details about certain things so that no one can debate against her. Not until she got herself to a place where peo...