Anna's Point Of View
The sun has shown up. Ngayon ang enrollment day at sa ayaw o sa gusto ko man ay kasama ko si Andrea. Because of what happened last night ay na-grounded ako. I tried to explain myself pero hindi naman sya naniniwala. Tumigil na lang ako dahil mapapagod pa ko sa wala.
Nilibot ko ang tingin sa University. Maganda at malaki ito. Maraming studyante kaming nakakasabay papasok pero lahat sila ay napapatingin samin.
Andrea chuckled beside me. Napatingin ako sakanya kaya naman ngumiti sya ng malaki. "Masanay ka na. Ako ang dating SSG president ng University na 'to kaya malamang ay makakuha ka agad ng atensyon."
Tumango-tango ako. Hindi ko alam kung bakit pero may kung anong kakaibang feeling akong naramdaman pagka-pasok ko kanina dito. I blinked a few times and just shrugged it off. Sumabay na lang ako sa paglalakad ni Andrea.
Weird.
"Good Morning, Ma'am." bati namin pagkapasok namin sa registrar office. Napatingin samin yung babae na sa tingin ko ay nasa mid 30s. Ngumiti sya at itinuro yung upuan sa tapat nya.
"I guess, we have an incoming student from your family again, Andrea." wika nung babae at tumingin sakin.
"Yes, Ma'am. She came from America. Napagdesisyunan namin ni Kuya Andrew na pag-aralin sya dito since dito din kami grumaduate." explain ni Andrea. Tumango-tango naman 'yung registrar at nakangiting tinignan ako.
"So hija, what's your name?" magalang na tanong nya.
"Anna Shaine Santos po."
Tumango-tango ulit sya at may kinuha dun sa drawer nya. Binigyan nya ako ng isang blue na papel at black ballpen and I think, those are the enrollment papers.
***
Matapos ang enrollment procedures ay dumiretso kami sa Cafeteria dito. Kung ano-ano na ang napag-kwentuhan namin about my stay in New York. Pakiramdam ko nga nawala na sa isip nya 'yung nangyari noong isang gabi.
"Do you think magtatagal ako dito?" I ask all of a sudden. Natawa si Andrea at ibinaba ang shake na iniinom nya.
"Well, depende kung magtitino ka na."
I pouted. "Bakit, matino naman ako ah?"
"Talaga lang ah?" natatawa nyang tanong. "Kaya ka pala na-drop sa school mo."
"Hindi ko naman kasalan yun no." sagot ko agad. Totoo naman eh. "Sya nag simula ng away. Gumanti lang ako."
Nagkibit balikat sya. "Pero alam mong anak sya ng isang tagapamahala ng school na pinapasukan mo." diretso nyang sabi. Napayuko na lang ako. Oo, alam ko. "Alam mo pero pinatulan mo."
I glare at her. "Hindi naman kasi ako papayag na apak apakan lang ako ng isang tao. You know me." mataray kong sabi.
Humigop si Andrea sa shake nya at tumingin sa 'kin.
"Minsan kasi, pag-isipan mo muna kung anong gagawin mo. Hindi yung kung kursunada mong gawin, eh gagawin mo kahit alam mong magsisisi ka sa huli." Inis na sabi nya. Natawa naman ako sa sinabi nya.
"Sana naisip mo rin yan nung nakipag-hiwalay ka kay--"
"Jackie?" putol nya sakin. Tumango ako agad samantalang sya ay ngumisi. Uminom ulit sya sa shake nya at umiling-iling. "Hindi naman ako nag-sisi ah."
"Tss. Mukha mo." Tinarayan ko sya at tumingin sa labas. "Kaya pala iyak ka ng iyak pagkatapos mong makipag-break." Natatawa kong sabi.
"Tss. Hindi ako umiyak non." Defensive nyang sabi. "Siguro may sipon lang ako ng mga panahong yun."
BINABASA MO ANG
Kabadtrip ka, Tadhana!
Teen FictionAnna left her life in America to move on with her past relationship. She was naturally proud and confident. She was very sure of every details about certain things so that no one can debate against her. Not until she got herself to a place where peo...