"Ready?"Napatingin ako kay Andrea na nasa tabi ko at bahagyang napangiti. Tumango ako at sumunod sa kanya papunta sa kotse nya.
"You look nice with your uniform. Mana ka talaga sakin. "
Bahagya akong napatawa sa sinabi nya.
"I doubt that. Sadyang nasa dugo lang talaga natin ang pagiging good looking." I said with a shrug. Sinamaan nya ako ng tingin dahil doon kaya tuluyan na 'kong natawa. "Kidding."
Sabay kaming pumasok sa kotse nya at agad na umalis. Tumahimik naman na pagkatapos non kaya nakinig na lang ako ng music. Parang may iniisip din kasing malalim si Andrea kaya tumahimik na lang din ako.
After ng ilang songs, nakaramdam ako bigla ng pagka-ilang. Pansin ko kasing kanina pa patingin-tingin dito si Andrea and it bothers me.
"Why?" hinarap ko sya at tinignan ng nagtataka. "Is there something wrong?"
"Ha? wala." she simply said. She gave me a peek and a smile suddenly flashed on her face. "Nagtataka lang ako. "
Nawalan ako ng emosyon at hindi na nagsalita. Ayoko syang tanungin dahil baka maulit na naman 'yung nangyari last time at mauwi na naman 'to sa usapang pilit kong iniiwasan.
Tumingin na lang ako sa bintana at tumango. Natawa naman sya sa naging reaksyon ko. Tss. baliw.
"Aren't you nervous? " tanong nya all of a sudden. Napalingon ako sakanya saglit pero binalik ko din ang tingin ko sa bintana. "You know, you'll enter a world that's basically opposite from what you are used to. "
"Of course, who wouldn't be?" natatawa kong sabi. "Pero mas ayos na 'to dahil hindi ko na kailangan pang mag english."
She chuckled, "Sabagay." she said with a smile. "We're here."
Unti-unting bumagal ang takbo ng kotse. Natigilan ako sa sinabi nya. Lumingon ako sa labas at parang iba't-ibang feeling ang naramdaman ko.
"Wala nang bawian, Anna. "
Ngumiti ako sakanya at marahang tumango. Muli, tinignan ko ang harapan ng university saka bumuntong hininga. Tahimik akong lumabas at hinintay muna syang makaalis bago ako pumasok sa gate.
Kumabog na naman ang dibdib ko pagka-pasok ko. May kakaiba akong pakiramdam sa lugar na 'to but it doesn't scare me. Instead ay mas lalo pa 'kong nacurious bakit. I exhaled saka tinahak ang maingay na corridor papunta sa guidance office. Ngayon palang kasi kukunin yung ID ko since ngayon pa lang din ako magpapa-picture.
"Good Morning, ma'am." ngumiti ako at ganon din sya. Hindi na sya yung registrar nung enrollment. Mukhang mas bata lang sya tignan. Pumunta kami sa isang room at don ako nagpa-picture. Nakakailang nga lang kasi tinititigan nya 'ko habang pinapapirma sa isang tablet kung saan connected sa ID machine. Maya-maya lang ay lumabas na ang ID ko with my signature in it.
"May problema po ba?" mukhang natauhan sya sa tanong ko. Umiling sya, binigay nya yung ID ko pati na rin yung lock ng locker ko saka ako nginitian.
"Thank you po. " sabi ko at aalis na sana nang bigla nyang tawagin ang pangalan ko.
"Po?" takang tanong ko.
Mukhang nagaalangan pa sya pero nagsalita din sya, "Have we met before?"
Nagulat ako sa tanong nya. Hindi ko ineexpect na magtatanong sya ng ganito. "You look familiar kasi."
Tinitigan ko saglit si Ma'am pero kahit anong pilit ko, hindi ko talaga sya maalala. Kahit ata halughugin ko ang utak ko, wala eh.
"Uhm... I'm not sure po." nagaalangan akong sabihin yun dahil halata naman sa ekspresyon nya na hindi yun ang gusto nyang marinig na sagot mula sakin. I smiled. " Baka nakikita nyo lang si Andrea sa 'kin. She's the former SSG president na kapatid ko naman po."
BINABASA MO ANG
Kabadtrip ka, Tadhana!
Teen FictionAnna left her life in America to move on with her past relationship. She was naturally proud and confident. She was very sure of every details about certain things so that no one can debate against her. Not until she got herself to a place where peo...