Sumalampak ako sa damuhan at dinama ang malamig na hangin dito sa Garden. Hindi ko rin alam bakit. Ito na siguro ang paborito kong lugar dito sa university. The calm atmosphere it has. The peace it screams. It was all perfect. Feeling ko kasi, sa gulo ng mga studyante para mamaya, hindi mo aakalaing may payapa pa palang lugar dito.
Sa gitna ng pag-hum ko ng kanta ko ay napamulat ako bigla. Nilingon ko ang kinaroroonan ng mga yapak na papalapit. Mula sa malayo ay bumakas na ang pagtataka sa mukha ko. Hindi nga ako nagkamali kung sino 'yon nang magtama ang tingin namin pagkalapit nya.
Teka, sinusundan ba nya 'ko?
"You're here."
Nakatingin lang ako sakanya hanggang sa makaupo sya. Nilibot din nya ng tingin ang paligid at bahagyang ngumiti. Alam kong alam nyang nakatingin ako sakanya pero hindi man lang sya nagpakita ng reaksyon.
Naningkit ang mga mata kong tinignan sya. Hindi naman sa pinagbabawalan ko sya dito pero kasi, ang weird lang ng bigla syang dadating.
Dumapo ang tingin nya sa direksyon ko at sinalubong ang nagtataka kong tingin. She showed her open-mouth smile.
"Can you have some respect?"
I blinked. Hindi ko maiwasang bigyan sya ng what-the-eff-you-sayin'-bitch look. Hindi naman siguro nya bini-bring up ang pagiging president nya ngayon, diba?
"Excuse me?" my forehead creased.
She smiled at my reaction. Nagsisimula na 'kong mairita sa ngiti nya pero pinakalma ko ang sarili ko. Maya-maya lang ay tumayo na sya at sandali akong nilingon. Her smile turn into an annoying smirk.
"Im only saying this once. Lumayo ka sa boyfriend ko o hindi mo magugustuhan ang kapalit."
Napaawang ang bibig ko ng wala sa oras sa sinabi nya. Pakiramdam ko sandali akong nawalan ng boses. Gusto kong magwala. Gusto ko syang sigawan. ANO DAW SABI NYA?
Tinignan ko ang likod nyang palayo na sakin. Dali dali akong tumayo. Hindi ako papayag na ako ang talo.
"Sino sa kanila?"
Napatigil sya sa paglalakad palayo at lumingon sakin. She has this calm but feirce expression plastered on her face. Pakiramdam ko tinatantsa nya ang pasensya nyang konti na lang ay maabot ko na.
"What did you say?" mas halata ko na ang galit sa mga mata nya ngayon.
I shrugged my shoulder. Making her annoyed even more than she is. "Look, Katherine. Whether it's Kent or Lance, wala na 'kong paki."
Lumapit din ako sakanya at tinignan sya ng mata sa mata. This time, I smirked, more annoyingly than hers.
"You can have them both, honey. Hindi mo na 'ko kailangan sabihan." I whispered to her ear.
Tumingin ako sa mata nya at ganon din sya. Nakita ko ang mga nanlilisik nyang mata.
Oww, Ms. President.
***
Settled na ang lahat pagdating ng ala-sais. Maingay na ang auditorium at puno na rin ang mga seats. Kumabog ang dibdib ko. Kakaunting oras na lang magsisimula na ang concert.
I exhaled. Pinakalma ko ang sarili ko. You will do good. You will do great.
"Everyone, meeting nga muna." hindi ganon kalakas ang sigaw ni Kath pero sapat na 'yon para marinig namin sa backstage.
Isa-isa kaming nagsilapitan sa gitna para sa meeting. Nagtama ang tingin namin ni Lance pero hindi na sya ngumiti. Simula noong tinawag nya 'ko sa pangalang Gail ay dumistansya na sya sakin. Nagulat ako nang marinig ang familiar na pangalan na yon pero hindi ko na sya natanong pa dahil nakabuntot lagi si Katherine.
"Okay, everyone. Manonood din si Mrs. Dela Fuente satin. You better do your bestest best, okay?" nahuli kong pinasadahan ako ng tingin ni Kath bago ang iba pang members. Iniisa-isa nya kami. Maya-maya lang ay napakunot ang noo nya.
"Nasaan si Kent?"
Kumabog ang dibdib ko nang marinig ang pangalan nya. Lahat kami napalingon at hinahanap si Kent. Ngunit wala. Wala sya dito.
As if on cue, namatay na ang ilaw sa buong auditorium. Namuo ang kaba sa mga puso namin. Napasigaw ang mga audience sa labis na excitement. Nagcheer sila ng mga pangalan at mga sections. Sobrang ingay. Sobrang daming tao sa labas.
"What the, nasaan si Kent?!"
Nagpapanic na ang lahat. Patuloy ang ingay sa labas habang hinihintay kaming magsimula. Lumabas si Kath sa back door habang hawak ang phone nya.
Nagkakagulo na sa loob. Maski ako hindi na alam ang gagawin. Isa sya sa importanteng performer ngayon. Ugh. Ano bang pumasok sa isip nya?!
Sa gitna ng ingay ay bigla na lang akong napasigaw sa gulat. May humigit sa kamay ko at dinala ako sa isang sulok. Galing sa kakaonting ilaw na galing sa labas ay naaninag ko ang mukha ng humatak sakin. Nanlaki ang mata ko. Lalo na ng makita ko syang ngumiti.
"Lance?"
"Kantahin mo ulit 'yung kinanta mo noong audition." he said. Hindi ata napansin ng iba ang pagsigaw ko dahil busy din sila sa paghahanap kay Kent. Kumabog ang dibdib ko.
"P-pero pano? Hindi pwedeng umpisahan ang concert ng wala si Kent."
Kinakabahan ako sa pwedeng mangyari. Hindi ko alam kung kaya ko ba ang sinasabi nya. Pano na lang 'yung plano? Nagulo na lahat!
"Everything will be fine even without him. Ako na bahala." he assured me. Nakikita ko ang determination sa mga mata nya ngayon.
"Samahan mo 'ko." wala na 'kong paki kung para na 'kong batang nagpapasama sakanya. Kinakabahan talaga 'ko sa plano nya.
Napangiti syang muli at tumango-tango. "Of course, di kita iiwan."
Sa pagkakataong 'yon, pakiramdam ko uminit ang pisngi ko. Hindi ko nagawa pang maka-react nang hawakan nya ang kamay ko at hinala palabas ng stage.
Pumwesto sya sa piano sa gilid na para pa sana sa performance nya mamaya. Tumayo naman ako sa gilid ng piano katapat nya habang hawak ang mic ko.
Ramdam ko ang panginginig ng kamay ko. Nagpakawala ako ng isang buntong-hininga at tumingin kay Lance. Nakatingin din sya sakin.
"Believe in yourself." he said.
Pakiramdam ko tumahimik na lang bigla ang lahat. Sa kabila ng magulong hindi maintindihang pagkakataon, nagawa kong ngumiti pabalik.
"Believe."
BINABASA MO ANG
Kabadtrip ka, Tadhana!
Teen FictionAnna left her life in America to move on with her past relationship. She was naturally proud and confident. She was very sure of every details about certain things so that no one can debate against her. Not until she got herself to a place where peo...