Chapter 16

139 23 1
                                    

I stared at his bare eyes. Hindi ko masabi kung anong gustong ipahiwatig ng mga emosyong hawak nito. Nakatayo kami sa gitna ng katahimikan, naghihintay ng pagakakataong makapagsalita.

"Bakit nasa labas ka pa?"

Hindi ko inalis ang tingin ko sakanya. Wala akong balak na sagutin ang tanong nya. Maglalakad pa sana sya palapit sakin nang magsalita 'ko.

"Dyan ka lang." matigas kong sabi.

Nag-iba ang takbo ng pakiramdam ko. Biglang namawis ang palad ko. Naghalong kaba, inis at kung ano pa. Yumuko sya at napakamot ng batok. 

"Sorry."

Kinuha ko 'yung gitara ko at tumalikod na sakanya. Kilala ko ang sarili ko. Ilang lapit pa nya ay bibigay na naman ako. At ayoko nang mangyari pa ulit yon.

"Sandali. Anna, bigyan mo naman ako ng pagkakataong magpaliwanag."

Tatlong hakbang na ko palayo sakanya nang matigilan ako. Pakiramdam ko kumulo na lang ang dugo ko sa narinig ko. Humarap ako sakanya at pinakita kung anong nararamdaman ko ngayon.

"3 months, Kent."

I'm glaring at him. Lumambot ang mga tingin nya na para bang hindi alam kung anong gagawin.

"Iniwan mo ko ng hindi ko alam kung anong dahilan. Im trying to reach you out but you simply cut the connections between us. Ilang buwan akong nalugmok sa ginawa mo at sinisi pa ang sarili ko dahil baka may nagawa ako para gawin mo yon. I was once wasted, Kent! Naghahanap ng reason why you left me."

"Anna.."

Tumalikod na 'ko't naglakad palayo. Nag-iinit ang ulo ko. Pinakiramdaman ko ang mga yapak nya pero wala na akong narinig pa. I tssed silently at umiling na lang. Ano naman kung hindi ka nya hinabol? Diba 'yun naman gusto mo?

Naglakad na lang ako habang dinidelete sa utak ko yung mga nangyari kanina. Malapit na 'ko sa gate namin nang bigla na lang tumunog phone ko. Napatigil ako saglit at tinignan kung sino yon.

Kent is calling..

Tumingin ako sa paligid. Tahimik parin ito at walang bakas na nandito sya. I immediately reject the call saka tinago na ang phone ko sa bulsa.

Tuluyan na 'kong pumasok sa loob. Nakita ko na sasakyan ni Andrew kaya malamang nandito na sya. Hindi naman ako nagkamali dahil nasa dining nga sya. Masaya syang kumakain habang nakikipag-usap kay Manang at Kuya Dave. Lumapit ako sakanila at ngumiti.

"San ka galing?" tumingin si Andrew sa gitara ko. "Malayo pa pasko, nangangaroling ka na agad?"

Sinamaan ko sya ng tingin kaya naman tumawa silang tatlo. Pinataas na ko ni Andrew pagkatapos non at sinabihang matulog na. Ngumiti na lang ako saka humalik sa pisngi nya. Inaantok na rin naman ako kaya susunod na lang ako sakanya.

Tinabi ko na sa dating lagayan yung gitara ko. Naghugas lang ako ng mukha at nag-bihis ng comfortable clothes saka humiga.

Kinuha ko phone ko para i-charge nang mapansin 'kong may new messages akong natanggap. Agad na tumibok ng mabilis ang puso ko nang makita kung kanino galing ang mga yon.

Namawis bigla ang mga palad ko. Di ko alam kung kinakabahan ba 'ko o ano. Binuksan ko ang mga ito at tinitigan ang mga sinabi nya.

 Binuksan ko ang mga ito at tinitigan ang mga sinabi nya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Kabadtrip ka, Tadhana!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon