Chapter 9

257 29 8
                                    


Tahimik ang naging takbo ng umaga ko. Katatapos lang ng breakfast ko kasama si Andrea. Medyo nakakagulat nga na nakasabay ko sya ngayon.

"How are you?" her voice is as calm as angel. Napangiti ako ng mapait sa naging tanong nya.

Hindi naging maganda ang huli naming pag-uusap. Hindi ko alam kung anong isasagot dahil alam nyang hindi maganda ang impression ko sa previous alma mater nya.

Isa pa, halos ilang araw din kaming hindi nagkita dahil madalas syang wala sa bahay. Mas pinagtuunan na nya 'yung clothing business nya na nasa Cavite simula nung nagkasigawan kami nila Andrew. Madalas akong walang kasabay sa pagkain kundi sila Manang Linda.. and I'm starting to be used to it.

"I'm fine." plain kong sagot. Ramdam kong tumingin sya sakin pero hindi sya nagsalita.

Narinig ko syang bumuntong-hininga saka tumayo. Nawalan na din ako ng gana kaya tumayo na 'ko at binigay kay Manang 'yung pinagkainan ko.

"Hija."

Humarap ako sakanya. Binigyan nya 'ko ng nakakagaan na loob na ngiti saka ako niyakap. "Mahal na mahal ka ng pamilya mo."

Hindi ako sumagot. Hindi ko rin kasi alam ang sasabihin ko. Parang gusto kong maiyak. Ganon ba 'yon, Manang? Ganon ba ang pagmamahal?

Niyakap ko sya pabalik saka nagpaalam. Alam kong hinihintay na 'ko ni Andrea sa kotse. Sya pa nga pala ang taga-hatid ko.

***

Medyo crowded ang University pagka-pasok ko. Naalala kong ngayon nga pala ang pagrerecruit ng mga bagong members sa iba't-ibang organizations. Bawat bulletin board ng mga building ay may mga makukulay na posters and such.

Ngayon ko lang napansin ang mga speakers na nagkalat sa campus. May mga ina-announce kasi ngayon tungkol sa event for this week. Para pala 'to sa mga transferee na katulad ko na wala pang organization. May magaganap pang mini-concert sa sabado sa pangunguna ng Unicus, Music organization.

Dumiretso muna ako ng Locker Room para iwan ang ibang gamit ko. Nakasanayan ko na kasing mag-iwan dito ng extra shirt at books. Kung kailangan ko man ay madaling maka-kuha.

Pagkasara ko ng locker ko, hindi ko maiwasang mapatingin sa locker na katabi ko. It was Kent's... Naalala ko din huli naming pag-kikita, dito 'yun sa lugar na 'to.

I flinched for a second when someone open the room's door. Masyado akong focused sa locker ni Kent. Maglalakad na sana 'ko palabas nang pumasok ang isang di inaasahang studyante sa loob. I blinked.

"Hi." malumanay nyang tugon. Hindi agad ako nakapag-salita.

"Katherine.."

Ngumiti sya at tumango. She has this inevitable ability to make me feel conscious about myself. Her smile is so beautiful.

"I will be straight to the point.. Anna."

She emphasized my name. Kung titigan nya 'ko para nyang binasa ang kaluluwa ko. Biglang nagnago ang tingin ko sa kanya. Ibang-iba sa inaakala kong personality nya.

"Is there something between you and my boyfriend?"

I blinked. What?

Kabadtrip ka, Tadhana!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon