Chapter 8

245 33 13
                                    

Nakatingin lang ako sa bintana malapit sakin dahil sa sobrang boredom. Tingin ko mas masarap pang titigan 'yung mapayapang view ng campus kesa makinig sa teacher namin. Nagdi-discuss lang sya about sa upcoming event na magaganap next week.

"Siguraduhin nyong final na ang decision nyo bago kayo tuluyang sumali sa organization na mapipili nyo. Hindi na kayo pwedeng lumipat 'pag hindi nyo nagustuhan don."

Bumuntong hininga na lang ako. Inaantok na 'ko. Inisip ko 'yung babae kahapon. Saan ko kaya sya pwedeng mahanap?

"Payo ko lang, sumali kayo sa mga organization na alam nyong gusto nyo talaga. Para hindi nyo na kailangan pang magdalawa--"

Bumukas bigla ang pinto na nakapag-patigil kay Ma'am. Nagco-concentrate pa 'kong magpigil ng antok ko nang bigla 'kong marinig ang isang pangalang gumising na lang bigla sa katawang lupa ko.

"Lance. Muntik ka nang umabot." pagsusungit ni ma'am.

Nanlalaki ang mata kong lumingon. Hindi nya pinansin si ma'am, sa halip ay nilibot lang nya ang tingin sa buong classroom. Bakas ang pagka-bigla nang magtama ang mga tingin namin. Anong ginagawa nya dito?!

"Excuse me but you may now go to your seat, Dela Fuente."

Napatayo bigla ako sa gulat. Tumingin ang mga kaklase ko pati na rin si Ma'am sakin.

"Miss Santos?"

Halos mautal ako. Nakatingin lang ako kay Lance, "Is he part of this class too, ma'am?"

Nagtatakang tumango sya. "Yes. He's an official Class 10-A student."

Bumagsak ang balikat ko sa sinabi nya. Im gonna die, I'm sure with that. Tumingin-tingin ako sa paligid, bigla akong kinabahan nang marealize ang isang bagay.

"And where's your seat?" tanong ko sa kanya na kinabigla nya. Tulad ko, parang ngayon nya lang din narealize na dalawa lang ang bakanteng upuan.

Sa upuan ng girlfriend ni Kent at... sa tabi ko.

Sakto ang pag tunong ng bell. Tumikhim si ma'am saka nagpaalam sa klase. Pina-alala nya muna sa huling pagkakataon 'yung tungkol sa mga organization tsaka sya umalis. Kasunod ni ma'am, isa-isang nagsilabasan na din ang mga kaklase namin at iniwan kaming dalawa ni Lance.

***

Kasalukuyan akong nasa library habang pinapakalma ang sarili. Hindi pwedeng mangyari 'to. Si Lance, kaklase ko?

Of all student na makakatabi ko, sya pa. Bakit sya pa?

Dinukdok ko ang mukha ko lamesa. Naii-stress ako sa kanya. Imbis na magiging maayos ang mga bagay-bagay, lagi syang present para guluhin ang lahat. I groan in frustration. Hindi ba sya nagsasawang inisin ako o sinasadya nya talaga?


Nasa kalagitnaan ako ng pagrereklamo nang may biglang kumalabit sakin. Bumulong pa ito malapit sa tenga ko.

"Psst, di pwedeng matulog sa library."

Napamulat ako ng mata at napa-blink pero di ko parin inaangat ang mukha ko. Sya ba 'yung librarian? Pero babae 'yung librarian ah. Mas malalim at pang-lalaki ang boses ng bumulong sakin.

"Psst, gising." bulong pa ulit nya pero mas klaro at mas narinig ko na 'yon this time.

Dahan-dahan akong sumilip sa gilid para tignan kung sino 'yon. Nakaharang man ang ibang hibla ng buhok ko sa mata ko ay hindi parin 'non napigilan ang panlalaki ng mata ko sa nakita. Naka-dukdok din ang lalaki sa lamesa tulad ko at ang lapit ng mukha nya. Nakaabang pala sya sa gilid ko kaya mas lumakas ang boses nya nung huli. Napatitig ako sa singkit nyang matang nakatingin din sakin.

Kabadtrip ka, Tadhana!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon