Mabilis na umusad ang mga araw. Halos hindi na nga kami tumitigil sa pagpa-practice para sa nalalapit na concert. Thursday na ngayon kaya ramdam ko na lalo ang pressure. Hindi biro ang pinapagawa sakin ni Katherine para sa sinasabi nilang debut performance.I sipped my coffee. Hawak ko ngayon ang ilang page ng event plan at song lyrics. Kasalukuyan akong nasa garden para mas tahimik. Kabisado ko naman na ang mga ito pero sa tuwing nakikita kong nakatingin si Kent, nawawala ako sa dapat kong gawin. Madalas akong nakakalimot lalo na 'pag biglaan syang dumadating.
I let out a deep sigh. Siguro nga mahina ako. Siguro nga malakas pa din ang epekto ng presensya nya sakin. Oo na, inaamin ko nang hindi ko alam kung paano ko kokontrolin ang sarili ko sa tuwing nandyan sya.
Pumikit ako at bahagyang tumingala. Itinukod ko ang dalawa kong kamay sa damuhan atsaka hinayaang balutin ng katahimikan.
Maya maya lang naramdaman kong may umupo sa tabi ko.
Napakunot ang noo ko. Dumilat ako at ni-lean patagilid ang ulo ko para tignan 'yung dumating. I gasp. Halata ang labis na pagka-bigla sa mga mata ko nang magtama ang tingin namin.
"What are you--"
"Sitting." he plainly said.
Napatitig ako sakanya. Of all people na makikita ko ngayon, sya ang pinaka-least na ineexpect ko.
Lance
Nakatingin lang sya sa mga bulaklak sa harapan. Hindi sya umimik pagtapos nyang sagutin ang dapat na tanong ko. Tumingin na lang din ako sa mga bulaklak sa harapan ko.
Nitong mga nakaraang araw, tuwing nagkakamali ako sa harapan ng mga members, lagi syang sumisingit sa sitwasyon. Hindi ko alam kung naiinip lang sya maghintay ng turn nya o inililigtas nya 'ko sa kahihiyan.
Pero kahit na ano man 'yon, nagawa nyang alisin ang galit na meron ako para sakanya.
Nanatiling tahimik ang paligid. Nililipad ng hangin ang buhok ko. Sobrang presko. Sobrang payapa sa lugar na 'to.
"I know it's been a while since our eyes last met..."
Napa-mulat ako nang marinig ko syang kumanta. I stared at him. Nangibabaw sa katahimikan ang malamig na boses nya.
"Too many words were left unsaid.."
Nakatitig ako sakanya nang unti-unti syang lumingon sakin at ngumiti. Kumabog ang dibdib ko sa hindi ko malamang dahilan.
"You're smiling." I said more to myself. Dahil don ay mas lalong lumaki ang ngiti nya.
"Weird." he said at bumaling muli sa mga bulaklak.
Hindi ako nagsalita. Kinuha nya ang mga papel na naka-kalat sa harap ko at inisa-isang tinignan 'yon.
"I wanna help you."
Hindi ako nagsalita. He kinda strange right now. Hindi naman nya alintana ang katahimikan ko at nagpatuloy pa din sa pagsasalita.
"I can help you with some things you need to improve."
He meet my eyes. Napa-hawak ako sa mga damo sa biglaan nyang paglingon. I've never seen this side of him. Ang akala ko noon, habang-buhay na nya 'kong bu-bwisitin.
"Why are doing this?" I asked in confusion.
His lip curved a smile again. "I just think I have to."
Binalot kami ng katahimikan pero maya-maya lang ay nagsalita ulit sya. He told me the basic stuffs that can help me. Sinabi ko kasing madalas akong mawala sa concentration pag maraming nakatingin sakin, which is half true dahil ayoko ng nape-pressure while singing. Isa pa, mabuting wala nang maka-alam ng connection namin ni Kent dahil gusto ko na ding talikuran 'yon.
"You will do good. You will do great." paulit-ulit nya 'tong sinasabi. "You have to trust yourself first."
Nakatingin lang ako sakanya. He's like a music tutor telling me details what to do and cheering me up.
"Learn to concentrate. Fix your focus, okay?"
Pumikit sya and told me to do the same but I didn't. He breathe slowly like his intructions.
Napatitig ako sakanya. Marahan syang humihinga na parang dinadama ang hangin.
Maybe I was wrong.. Maybe I judged him too early.
Hindi naman pala sya masamang tao..
***
Lahat kami naka-bilog na sa gitna ng stage. Nasa auditorium kami for our final rehearsal. Ngayon na ang final practice para sa concert namin sa sabado kaya halata na ang pagiging seryoso ni Kath about this.
Napatingin ako sa harap ko. Pati si Kent ay magdedebut sa sabado kasama namin ni Lance dahil tulad ko, ngayon lang sya nag-enroll dito at makakasama sa mga organizations.
Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili ko.
"Concentrate.. Fix your focus."
"Alam nyo na ang pagkakasunod-sunod nyo ha. Ilang araw na ang binigay ko sainyo para dito."
Lahat ay tahimik na tumatango. Tumingin ako sa direksyon ni Lance na nasa tabi ngayon ni Kath pero wala itong emosyon. Binalik ko ang tingin sa sahig at bumuntong-hininga na naman.
I will do good. I will do great.
Sabay-sabay na kaming bumalik sa backstage. Ramdam ko ang pagkabog ng dibdib ko pero hindi ko ito pinahalata. Pumunta ako sa harapan ng pila. Kaming tatlo nila Lance at Kent ang mauuna sa pag-labas dahil ito ang una naming pag-peperform.
Hinawakan ko ang dibdib ko sa sobrang kaba at napa-hingang malalim. Napalingon ako sa papalapit na si Lance. Tumigin sya sakin tsaka sa nanginginig kong kamay. He lean his head sidewards wearing his what-the-eff-are-you-nervous-about-look. I sighed and roll my eyes.
Bakit ba sobrang chill nya lang? Kainis.
Sumigaw si Kath sa labas na mag-start na. Umayos ako sa pwesto ko. Ramdam kong pumwesto na si Kent sa bandang gilid ko. Ganon din si Lance sa kabila.
I exhaled. Kaya mo 'to, Anna.
Tumugtog na ang unang kanta. Lumabas kami sa malaking kurtina habang hawak ang mga mic namin. We clap in the air. We sing our hearts out. This song is suppose to be loud and energetic. Our smile should be visible to everyone.
Natapos ang introduction ng walang palya galing sakin. Medyo nagulat ako. Maski si Kath ay napatingin sakin saglit. Kadalasan kasi natitigil kami dito dahil nadi-distract ako mag-perform kasama si Kent.
Pero ngayon nagawa ko...
Bumalik kami sa backstage. May isa pang group na pumasok sa stage na kapalit namin. Kasalukuyan itong pinipino ni Kath.
Uminom ako ng tubig na hinanda ni Manang Linda kaninang umaga. Hindi parin ako makapaniwalang nawala ang atensyon ko kay Kent kanina.
"You did good."
Napalingon ako sa gilid at nakita don si Lance. Automatic na gumuhit ang ngiti sa labi ko.
"You did great, Gail."
BINABASA MO ANG
Kabadtrip ka, Tadhana!
Teen FictionAnna left her life in America to move on with her past relationship. She was naturally proud and confident. She was very sure of every details about certain things so that no one can debate against her. Not until she got herself to a place where peo...