Anna's Point Of View
Nanatiling tahimik ang paligid. Tanging ingay lang ng ulan sa labas ang naririnig ko. Halos patapos na din ang klase at taimtim na nakikinig lang ang lahat sa sinasabi ng prof sa harapan. Hindi ko alam kung bakit inaantok ako tuwing economic class. Strikto naman si Ma'am pero sadyang pang patulog ang tono ng boses nya.
May pinagawang activity sa book at ipapasa yun after class. Mas lalo akong inantok pero tiniis ko na lang. Tutal matatapos na din naman ang time, baka ipagawang assignment na lang 'to. Ang dami kong nakikitang tulog na.
Nabulabog ang katahimikan nang tumayo si Lance. Sya lang kasi ang nag-bigay ingay sa paligid. Napatingin lahat sakanya dahil naglakad sya papunta sa harapan dala ang libro nya. Sa hindi ko malamang dahilan ay nagising ang diwa ko. Namuo na naman ang kaba sa dibdib ko.
Naalala ko 'yung nangyari sa Black Crust.. 'Yung gabing may humalik sa 'kin. Hindi pa 'ko sigurado kung siya nga 'yun pero kinakabahan parin ako sa tuwing nakikita ko sya.
Pagkaabot nya ng libro ay lumingon sya sa gawi ko. Parehas kaming nagulat nang magtagpo ang tingin namin kaya agad kaming umiwas.
That was.. unexpected.
Simula non ay hindi na natahimik ang isip ko. Hindi ko alam kung halata ba ang pagka-tensyonado ko. Nag-focus na lang ako sa libro ko nang umupo sya sa tabi ko. Gaya ng lagi nyang ginagawa, isinuot nyang muli ang headphone nya saka sumandal sa upuan. Nakikita ko sa pheripheral view kong nag-cross arms sya at siguro ay pumikit na din.
Dug. Dug.
Simula noong napagtanto kong posibleng siya 'yun ay hindi ko na alam pa ang gagawin pag nandyan na sya. Ewan ko. Mas gugustuhin kong dumistansya sakanya hangga't maari. In that way, mas magiging magaan ang loob ko at maiiwasan kong maalala ang kakilabot na alaalang yon.
He's my... first kiss.
"Geez!" mahina kong sigaw. Ramdam ko namang napatingin ang iba sakin kaya pilit kong tinuon ang atensyon ko sa ginagawa kong activity. Kahit pa napuno na ng mga random thoughts ang utak ko ay nagawa kong matapos 'yon. Sakto namang nag-bell na kaya agad kong pinasa 'yung libro sa harapan.
Kasunod ko sila Kurt at Allysandra magpasa kaya sabay na din kami lumabas. Hindi ko alam kung bakit sobrang ngarag akong makalabas. Lumingon ako sa likod at napalaki na lang ang mata nang mag-tama na naman ang mata namin.
Agad na namang tumibok ang puso ko sa kaba dahil hindi rin nya inaalis ang tingin nya sakin. Maya-maya lang ay inakbayan na 'ko ni Kurt at sinabay sa paglalakad. Doon lang nawala ang eye-contact namin at finally, nakaluwag na din ang pag-hinga ko.
I heaved a sigh. Kakausapin ko sya para malaman kung sya ba talaga 'yon. Hindi ako pinapatahimik ng isip ko.
Ilan beses 'kong pinakalma ang sarili ko sa tuwing pinaplano 'kong kausapin sya. Malapit nang matapos ang araw na 'to pero hanggang silip lang ako sakanya. Mangilang beses din nya ko nahuhuling nakatingin sakanya kaya hindi ko na plinano pang tignan ulit sya.
Nag-aayos na 'ko ng gamit dahil tumunog na ang bell para sa uwian. Napa-buntong hininga na lang ako at tinanggap na di ko na sya makakausap about don.
Atsaka duh? Pano kung hindi sya 'yon? Edi mapahiya pa 'ko at masabihan ng hindi maganda.
Lumipas na nga ang mga araw na hindi ko sya nakausap. Huling araw na ngayon ng week kaya ramdam ang carefree atmosphere sa paligid. Napabuntong hininga na lang ako. Sana ako din.
Hindi ko na lang inisip ang bagay na 'yon at nag-focus sa mga libro sa harap ko. Nasa library ako ngayon para maging tahimik ang pag-aaral ko. Pakiramdam ko gusto kong bumawi sa studies ko kahit pa hindi naman ako nahuhuli.
Binalot ako ng katahimikan ng library. Mga bulong sa paligid ang tanging ingay na naririnig ko. Pumikit ako ng mariin para gisingin ang sarili ko. Kulang ang tulog ko nitong mga nakaraang araw dahil sa pag-iisip ko sa nangyari. Sinubukan kong hanapin ang mga picture na nasa envelope na 'yon and unfortuantely, hanggang ngayon di ko parin alam kung saan ko sya nalagay.
Nakaramdam ako ng gutom kaya naman tumayo na 'ko. Mabuti pa kumain na lang ako para hindi maisip ang bagay na 'yon. Masyado na 'kong nagpapaapekto sa nangyari na kung tutuusin ay matagal nang lumipas.
I shrug it off saka naglakad palabas ng library. Dumiretso ako sa Cafeteria para umorder ng kape. Naglalakad na 'ko sa hallway nang may biglang humigit ng kamay ko. Pakiramdam ko nag-slow motion ang lahat nang mapalingon ako sa direksyon ng humila na 'yon.
His fierce eyes were staring at me. Halos manghina ang tuhod ko nang magtama ang tingin namin. Bago pa 'ko maka-react ay hinila na nya 'ko sa isang classroom malapit samin. Maya-maya ay narinig ko ang ibang tawanan at usapan ng mga dumaang studyante sa hallway.
Bumuntong hininga sya saka tumingin ulit sakin. Samantalang ako ay nanatiling nakatingin sa kanya at walang masabi.
"Sorry." sinabi nya saka umupo sa isang upuan malapit sakanya. "Pulling you here is not part of my plan."
I exhaled deeply as I managed to blink. Di ko napansing sobrang nagulat ang sistema ko sa ginawa nya. Yumuko ako at iniwasan ang mga tingin nya.
"A-anong kailangan mo?" tanong ko na hindi tumitingin sakanya. Ramdam ko namang napatingin sya dahil don.
"Ikaw ang dapat tinatanong ko nyan." sinabi nya na nagpalingon sakin. "Anong kailangan mo?"
I gulped and didn't talk. Napansin kong medyo kumalma na ang expression ng mata nya ganon din ng katawan nya. Mukhang pati sya ay na-tense dahil sa mga studyanteng dumaan kaya nya 'ko nahila dito. Bumuntong hininga sya at tumingin sa ibang direksyon.
"Napansin ko kasing madalas mo 'kong tignan na parang may gusto kang alamin." diretso nyang sabi saka binalik ang tingin sakin. "What is it?"
Binalot kami ng katahimikan. Parehas kaming nakatingin sa mata ng isa't-isa at walang may balak kumalas samin. My heart pounded faster. Naghalo-halo ang mga salita na gusto kong sabihin. Hindi ko alam kung anong dapat mauna o kung nasa tama pa ba 'kong pag-iisip.
"Why did you kiss me that night?"
Halos manginig ako sa kaba nang mabanggit ko ang mga salitang 'yon. Gusto kong magpakain sa lupa. Nakatingin lang sakin ngayon si Lance pero bakas sa mga mata nya ang pagka-bigla. Hindi ko alam kung saan ko nahugot 'yung tapang na sabihin ang mga 'yon kahit pa hindi ako sigurado kung siya nga 'yon.
Nanatili ang mga mata ko sa kanya. He doesn't say a word but his eyes tell me everything. Siya nga 'yon.
My phone vibrates. Ganon din kay Lance dahil napatingin sya sa phone nya. There was a message from an unknown number. Kunot ang noo kong tumigin kay Lance. Bakit pareho kaming nakatanggap?
Binuksan 'ko yun at binasa ang context. Halos mabitawan ko 'yung phone. Pinaulit-ulit ko ang basa pero nanginig na lamang ang kamay ko.
P-paano nangyari 'to?
Para akong napako sa kinatatayuan ko. Nakarinig ako ng mga ingay sa labas na siguradong galing sa mga studyante. Natanggap din siguro nila ang message na naglalaman ng balitang sisirang tuluyan sa katahimikan ng buhay ko.
--
Attention, Heneletonians❗️
It was confirmed that the transferee, Anna Shaine Santos from class 10-A, had an intimate relationship with the son of our beloved Principal, Lance Dela Fuente from the same class. The two were caught kissing passionately in a night club and there were photos to prove it was true.
Photos posted on our official page. If you wanna know if it's legit, see it to believe it.
--
Hinila ako ni Lance palabas ng room. Wala masyadong tao sa part na 'to ng University kaya madali kaming nakalabas papuntang Parking Lot. Pabigat ng pabigat ang paghinga ko. Maya-maya ay tumigil kami sa pagtakbo pero hindi ko pa rin lubos mai-proseso ang nangyari sa utak ko.
Hinawakan nya 'ko sa magkabilang balikat. Tumingin ako sakanya at alam kong visible ang pagka-takot sa mga mata ko ngayon.
"Ako na bahala." he assured me at ngumiti. A genuine smile that will help you feel a little bit good.
BINABASA MO ANG
Kabadtrip ka, Tadhana!
Teen FictionAnna left her life in America to move on with her past relationship. She was naturally proud and confident. She was very sure of every details about certain things so that no one can debate against her. Not until she got herself to a place where peo...