Chapter 19

195 22 3
                                    

Anna's Point Of View

Malalim na ang gabi pero heto ako, nakatulala pa din sa laptop ko. Pagkahatid sakin ni Lance kanina ay nagkulong na lang ako sa kwarto. Hindi ko rin gustong makita ako ni Manang Linda na umiiyak dahil paniguradong mag-aalala sya. Isa pa, dumating na si Andrea kanina kaya umiiwas na 'ko sa mga posibleng tanong mula sakanya. Ang alam nya tulog na 'ko ngayon.

I sighed.

I stared at the photos revealed by the anonymous students of the university. Mukhang nakuha nila ang mga pictures na 'yon sa economics book ko. Naalala kong dito ko ito nailapag nung minsang nagrereview ako. Gusto kong sampalin ang sarili ko. Sino ba namang maglalagay ng ganon sa school book? Nag-scroll down ako ng nag-scroll down pero iisa lang ang mga pinupunto ng mga studyante. 'Yun ay isa 'kong masamang tao.

Kanina pa 'ko kino-contact nila Sandra at ng President ng SSG na si Heidy. Pero wala ako sa wisyo na sagutin sila dahil maski ako, hindi na alam kung anong gagawin. Nakita ko ding nag-message si Lance pero pati 'yon ay hindi ko binuksan.

Humiga ako at isinara ang laptop ko. Pakiramdam ko naging immune na 'ko sa mga masasakit na salita simula nang pumasok ako sa university na 'yon. Pinikit ko ang mga mata ko at pilit inaalis sa isip ang mga nabasa ko. Maya-maya lang ay naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko.

Kinapa ko ito sa tabi ko at agad na tinignan kung sino 'yung caller. Nanlaki ang mata ko. Pakiramdam ko huminto bigla ang paghinga ko. Umupo ako ng bahagya para makita ng maayos ang pangalan sa screen.

Si Kent nga.

Medyo natagalan ako sa pagsagot dahil sa gulat. Pero nang pindutin ko ito at marinig ang boses nya ay parang naguunahan na lang bigla ang mga luha kong bumagsak.

"Hello? Anna?" there was a hint of panic in his voice. Alam niyang nahihirapan akong huminga kapag umiiyak.

As if on cue, my tears fell down as if they were in a race. Narinig siguro ni Kent ang paghikbi ko kaya mas lalo itong nag-panic.

"Shh, don't cry. Pupuntahan kita."

Nag-karoon ng kaunting ingay sa kabilang linya dahil sa paggalaw nya. Narinig kong may bumukas na pinto at mga yapak sa sementadong hagdan. Maya-maya lang ay ingay na ng binuksan na gate at kahol ng aso.

Tumayo ako sa higaan ko at lumabas ng kwarto. Madilim na ang kalahati ng bahay. Office na lang ni Andrea ang maliwanag at kusina kung saan panigurado ay nandon si Manang. Dahan-dahan akong lumabas ng pinto. Maya-maya ay narinig ko na ang mga yapak nya sa labas. Hindi ko na sya hinintay na mag-doorbell at lumabas na. Tumambad naman ang nakapang-tulog na si Kent sa harap ko.

"Bakit luma–"

I hugged him. Tight. "K-kent.."


Hindi ko na napigilang mapahagulgol sa harap nya. Hindi ko na kayang pigilan sarili ko. Ayoki na magpanggap. Sa buong buhay ko, sya lang ang laging nakikinig sa mga hinanakit ko. Sya lang ang nagpapatahan sakin. Sya lang.

"Tahan na, bata." he said as he caress my hair. Alam kong inaasar nya 'ko ngayon pero napapaiyak lang ako nito lalo. Narinig ko namang napatawa sya.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatago sa mga balikat nya pero hinayaan nya lang ako. Maya-maya ay kumalas na 'ko sa pagkakayakap sa kanya. Nakangiti lamang sya habang nakatingin din sakin. He gave me his jacket and fixed my hair. Napatitig ako sa ginawa nya.


"Hindi ka na ba galit sakin?" he smiled. Hindi naman ako nakapag salita.

"I know you can get through this, liit. You're better than this cry baby infront of me." his grin grew wide. "If you need me, I'm always here."

Hindi ko alam kung paano ako nakabalik sa madilim kong kwarto. Ang alam ko lang ay nakatulog ako ng mahimbing pagkatapos ng paguusap namin ni Kent. Hindi padin tumitigil ang mga comments sa post na 'yun. Dalawang araw na ang nakakalipas pero mukhang hindi pa din maka-move on ang mga studyante. Pinili ko na lang na hindi na basahin ang mga 'yun dahil alam ko namang lahat sila galit na sakin. Hindi ako makapag-decide kung papasok na ba 'ko bukas o lilipat na lang talaga ako ng school. Alam ko namang hindi naniniwala si Andrea na may sakit ako kaya hindi ako pumasok ngayon.

Nasa gitna ako ng pag-aayos ng string ng gitara ko nang mag-ring ang phone ko. Napangiti agad ako nang makita ko ang pangalan ni Kent. Simula kasi nung gabing 'yon, everytime na mababakante ang oras nya ay tinatawagan nya 'ko para tanungin kung kamusta na ang pakiramdam ko.

"I'm home."

Hindi ko maiwasang mapangiti nang marinig kong muli ang boses nya. Naimagine ko kung paano gumalaw ang mga labi nya habang nagsasalita sa kabilang linya. Kung paano ako pinapakalma ng boses nya kahit na medyo tunog inaantok pa ito o ngumunguya pa ng pagkain. Sobrang namiss ko ang pakiramdam na 'to. Alam kong tinatraydor ko ang sarili ko pero hindi ko mapigilan. Sumasaya ako. Nagiging komportable ulit ako.

"Anna?"

"Yes?" nabalik ako sa wisyo bigla nang tawagin nya ang pangalan ko. "Sorry, ano ulit 'yon?" itinabi ko sa gilid ang gitara ko na kanina ko pa hindi matapos-tapos. Narinig ko naman ang marahan nyang pagtawa sa kabilang linya.

"Patapos na 'ko sa ineexplain ko, hindi ka pala nakikinig?"

"Sorry sorry, I'll listen this time."

"Sabi ko, bukas susunduin kita sa inyo."

"And why?" tumaas ang kilay ko, "You confident I'll attend school tomorrow?"

"Yes, ma'am."

"No way,"

Nasa matino pa 'kong pag-iisip kahit papaano. Alam kong kamatayan lang ang haharapin ko pag pumasok ako. The university has been trying to contact me regarding this but I'm not responding. Si Kent lang ang tanging kinakausap ko and for me that's more safe than any powerful person in the university.


"You think hiding from them will solve the problem?"

I smiled bitterly, "It can save me from–"

"May bumabang announcement from Principal Dela Fuente. Hindi daw ito kadalasang naglalabas ng announcement without asking the board's consent. But this one is rare and sudden. And the Principal herself is ordering all the students and staff not to harm the specific student. And that's you, Anna."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 13, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kabadtrip ka, Tadhana!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon