Hindi ko alam kung anong nagpagalaw sa mata ko at bigla na lang akong napamulat Madilim pa sa labas nang tignan ko ito. I opened my phone to check the time, and really. bakit 2 AM palang?
Pumikit ako at sinubukang matulog ulit. Tahimik ang paligid na tanging pag-kahol lang ng aso sa kabilang bahay ang maririnig na ingay. Paikot ikot ako sa kama dahil hindi na talaga ako inaantok.
"Argh!" Singhal ko at nagtakip ng unan sa mukha. Pikit nga ang mata ko pero gising na gising naman ang diwa ko.
Umupo ako at napasabunot na lang. Mabigat ang mata ko dahil sa pag-iyak kagabi, pero hindi ko alam kung bakit hindi na 'ko makatulog pa. Tumayo na lang ako at napa-buntong hininga. Gosh. I feel so tired kahit nakahiga lang ako. Tinignan ko ulit yung orasan ko at napairap. 4:30 na. Ibig sabihin, more than two hours akong napupumilit matulog.
Pumunta na ako sa CR para ayusin ang sarili ko. Gising naman na ako kaya ano pa bang gagawin ko? Besides, natripan ko ding mag jogging na lang dahil matagal na din nung huli kong ginawa yun.
"Oh bakit gising ka na, anak?" bungad sakin ni manang pagkababa ko. Nagluluto na kasi ata sya ng lunch ni Andrew para mamaya. Napatingin sya sa suot ko at nagtataka akong tinignan, "Saan ka pupunta? Diba bawal--"
"Maaga pa naman po eh. Atsaka, dito lang naman po ako sa subdivision." agad na paliwanag ko. Aware kasi si Manang sa pagiging grounded ko for 2 weeks. Umupo ako sa upuan malapit sakin, "Nandito naman na po ako bago pa magising si Andrea kaya don't worry po."
Bumuntong hininga sya at tumango na lang. Nagpunta sya sa Ref para kumuha ng tubig. Inilagay nya 'to sa harap ko. "Bottled water po?" tanong ko na tinanguan naman nya. Yeah, pretty obvious. "Hindi na po kailangan." sabi ko at akmang ibabalik na sakanya nang pigilan nya ako.
"Kunin mo yan. Magjo-jogging ka hindi ba? Baka mahirapan ka bigla huminga, wala ako doon." sabi nya at lalo pang ipinilit yung tubig. Wala rin akong nagawa kundi kunin 'yon. "Baka mapagalitan ako ng mama at papa mo 'pag may nangyari agad na masama sayo dito."
Napatitig ako kay Manang. Mama at Papa? Napailing na lang ako ng mapait sa sinabi nya. May paki pala sakin sila Mama? Hindi ko ma-imagine eh.
"Alis na po ako manang." parang nawala na ata ako sa mood. Ngumiti ako at lumabas na ng bahay. Medyo lumiliwanag na rin.
"Waah." Niyakap ko ang sarili ko dahil sa lamig ng hangin. Hindi naman kasi ako sanay magising ng maaga eh.
Sinuot ko ang earphones ko at nagpatugtog. Naglakad muna ako at dinama pa ang katahimikan. Ang sarap ng ganito, nakakarelax. Parang ang saya saya lang maglakad na walang iniisip na stress.
"Nung araw
kay tamis ng ating buhay
Puno ng saya at ng kulay
Di mauulit muliAng oras
kapag hinayaang lumipas
Madarama mo
hanggang bukas
Di mababawi muli."Naglakad ako ng naglakad hanggang sa mapatigil ako sa swing ng park ng subdivision. I smiled a bit. Hanggang ngayon ba naman sa park pa din ako dinadala ng mga paa ko.
Umupo ako sa isang swing. Rinig ang nagkiskisang bakal sa pag-galaw ng mga ito. Hindi ko alam pero parang biglang lumungkot. Pumikit ako at umiling. Tinulak ko ang sarili ko at dahan-dahang dinama ang malamig na simoy ng hangin. Kasabay ng pagkalunod ko sa katahimikan ay ang unti-unting pag-aalala ko ng mga bagay-bagay.
It was 3 years ago. Araw bago ang birthday ko. Nasa bilihan ako ng mga hello kitty stuffs sa isang street sa New York. Balak ko kasing bumili ng stuff toy na hello kitty, pang partner ko lang sa snoopy dog na stuff toy na nakita ko kwarto (I dont know kung kanino ba 'yun). Nilibot ko ang tingin ko at napangiti nang may makita akong cute na stuff toy sa gilid. Dali-dali akong tumakbo papunta doon. Kukunin ko na sana yon ng biglang...
BINABASA MO ANG
Kabadtrip ka, Tadhana!
Fiksi RemajaAnna left her life in America to move on with her past relationship. She was naturally proud and confident. She was very sure of every details about certain things so that no one can debate against her. Not until she got herself to a place where peo...