Chapter 12

280 25 12
                                    

(Play the video for better reading experience.)

Nagising ako nang tumama ang sinag ng araw sa mga mata ko. Narinig ko ang marahang pag-galaw ng mga kurtina ko dahilan para tuluyang makapasok ang liwanag sa kwarto. Dahan-dahan akong napa-mulat.

"Good Morning, Anna..."

Pumikit muna ako ng ilang beses para luminaw ang paningin ko. Maya maya lang ay naaninang ko na ang nakangiting si.. Andrew. Nagulat ako.

He tucked my hair on the back of my ear. "We'll gonna wait you down stairs, hmm? fix yourself."

Lumabas sya sa kwarto ko pagkatapos non. Wala akong nagawa kundi mapatitig sa pinto ng may halong pagtataka. Panaginip ba 'to?

Dali-dali akong nag-ayos ng sarili ko. Friday ngayon pero sinabi ni Katherine na rest day namin. Ayaw nyang kaming ma-pressure masyado. Isa pa, maganda ang kinalabasan ng rehearsal namin kahapon.

Bumaba ako at nadatnan ang nakangiting si Andrew at Andrea sa dining room. Bakas ang pagka-bigla sa mga mata ko. Ngumiti sakin si Manang Linda na ngayon ay nag-hahain na ng kanin.

"Umupo ka na hija. Kanina pa naghihintay ang ate't kuya mo."

Hindi ko maalis ang tingin ko sakanilang dalawa. Nginitian ako ni Andrea at hinawakan ang kamay ko nang makaupo na 'ko.

"Kamusta ka na, Anna?"

Nakatitig ako sakanya. Her smile is just so comforting. My tears suddenly fell as I realized how I miss my her. Tumayo ako at agad na niyakap sya. Wala na 'kong paki sa huli naming pinag-awayan. Sobrang namiss kong may mapag-kwentuhan.

I heard her chuckle. "I miss you too. I guess you're fine."

Kumalas ako sa pagkayakap sakanya at tinignan sya. I nod. Nagsisimula ko nang ma-adopt ang atmosphere ng Heneletone. Unti-unti na 'kong nasasanay sa pakikitungo nila.

"How about kuya?"

Napatingin ako sa gawi ni Andrew nang bigla syang magsalita. Bumuhos lalo ang mga luha ko sa hindi ko malamang dahilan. Nakita kong napangiti sya ng bahagya saka ako niyakap. Doon ako tuluyang napa-iyak.

"Sorry, nadisappoint kita kuya." I cried out. I heard him chuckled too as he caress my back. He kissed my hair.

"Sorry kung napag-salitaan ka din ni Kuya ng ganon."

Tumango-tango ako habang naka-baon pa din ang mukha ko sa dibdib ni Andrew. Maya-maya naramdaman kong nakiyakap din si Andrea.

Wala nang mas sasaya pa sa araw na 'to.

Birthday ngayon ni Andrew kaya naka-leave silang dalawa. Alam ni Andrea na may concert bukas dahil dati na syang member ng Unicus. Madalas din naman daw talagang magparest-day ang mga president tuwing bago ang event. Buti nga ganon. Gusto din kasi nilang makapag-bonding kaming tatlo.

Dinala kami ni Andrew sa isang sikat na Korean Restaurant sa may Anonas. Nara Kimbob. Maliit lang daw ito noong unang kumain si Andrew kasama ang girlfriend nyang si ate Stephanie. Sinabi nya ngang papunta na din si ate dito para maki-join.

Kabadtrip ka, Tadhana!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon