Chapter 15

203 22 2
                                    

Anna's Point Of View

Ilang araw na rin ang nakalipas matapos ang concert namin. Bumalik na sa dating schedule ang mga klase at dahil sa daming excuses last event ay marami ding naiwanang paper works na kailangang habulin.

Napabuntong-hininga na lang ako habang nakatitig sa punong-puno kong study table. Madilim na sa labas pero hanggang ngayon nasa loob pa din ako ng kwarto, stress na stress sa dami ng gagawin.

Lumabas muna ako sa madilim kong kwarto. Nag-aalala na rin kasi siguro si Manang Linda dahil kanina pa sya pabalik-balik, tinatanong ako kung gutom na ba 'ko o kung kailangan ko ba ng tulong.

Sinalubong ako ng ngiti ni Manang pagbaba ko. Parating narin kasi sila Andrea kaya naabutan ko syang nagluluto na. Naririnig ko namang masinsinang nag-lalaro si Kuya Dave sa phone nya.

"Kanina pa maingay yan." komento ni Manang Linda sa anak nyang concentrate sa paglalaro. "Ni hindi man lang ako tulungan sa pagluluto."


"Ah sayang! Savage na sana!"

Napalingon kaming dalawa kay Kuya Dave. Nahihiya syang ngumiti nang marealize nyang napalakas ang sigaw nya. Napailing na lang si Manang at pinagpatuloy ang paghihiwa. Hindi ko mapigilang mapangiti habang tinitignan silang dalawa.


Tinulungan ko si Manang sa mga dapat hiwain. Mukhang tapos naman na sa laro si Kuya Dave kaya tumayo na sya at lumapit samin.

"Nay, di pa ba tapos? Gutom na ko." napakamot ng ulo si Kuya habang parang batang umaangal. Binato naman sya ng sibuyas ni Manang.

"Imbis na tulungan mo ko dito, nagreklamo ka pa! Tignan mo, si Anna pa ang tumulong sakin."

Kumaway si Kuya Dave sakin at binalik yung sibuyas na binato ni Manag sakanya. Sa pagkaka-alam ko, kasing edad lang sya ni Andrea kaya medyo pilyo pa kumpara kay Andrew.

"Eh nay, wala naman akong alam sa pagluluto. Baka masugat pa 'ko sa paghihiwa."

Napailing na lang si Manang kay kuya. Sa sandaling pag-stay ko dito, ngayon ko palang nakita 'yung side nilang ganito.

Ang saya pala.

***

"Ma'am Anna?"

Napalingon ako nang tawagin ako ni Kuya Dave. Kumunot ang noo ko sa pagtawag nya ng ma'am sakin.

"Anna na lang po." I smiled.

Napakamot sya ng bahagya sa leeg nya saka umupo sa tabi ko.

"Anna," halos nag-aalangan pa nyang sabi. "Narinig ko kaninang tumutugtog ka ng gitara sa taas."

Natigilan ako. Kanina kasi inaantok ako kaya nag-gitara ako sandali. Tumango ako at umayos ng upo paharap sakanya. "Bakit? ano pong problema?"

Matagal bago sya magsalita. Nung tinanong ko ulit sya ay bigla na lang syang umiling.

"Wala." tumawa sya. "Paturo nga. Ang galing mo kasi."

Napangiti ako ng bahagya. Halata pang nahihiya sya sakin.

"Bakit? May haharanahin ka no?"

Nanlaki ang mata nyang tinignan ako saka umiling. "Wala ah!"

I chuckled and pat his shoulder. "Sige wait, kunin ko lang po gitara ko."

Madali kong kinuha 'yung gitara ko sa kama at bumaba. Nakatingin lang naman sakin si Kuya Dave habang naglalakad ako palapit.

Sandali syang tumitig sakin at saka ngumiti.

"Ganto po kuya."

***

Halos malalim na ang gabi. Nakauwi na kanina si Andrea pero wala pa si Andrew. Nagpaalam akong lalabas muna dahil kanina pa naman ako nasa loob. Wala ding nagawa si Andrea kaya pinayagan nya na ko.

Naglakad ako sa gitna ng malamig at tahimik na kalsada. May mga maririnig pa namang ingay sa mga bahay at bukas pa yung street lights na nakapaligid dito kaya hindi masyadong nakakatakot. Malapit lang yung park kaya nakarating agad ako.

Umupo ako sa pinakamalapit na bench. Nilabas ko din ang phone ko at hinanda ang gitara ko. I don't know what pushes me to write a song sa gitna ng gabi. Bigla na lang akong ginanahan pagkatapos kong turuan si Kuya Dave.

I tried to pluck some strings. Nangibabaw ang mga ito sa tahimik na paligid. I was enjoying my time nang may biglang lumabas sa kabilang dulo ng park. Tumayo ang balahibo ko. Wala masyadong ilaw doon kaya hindi ko maaninag ang mukha nya.

Palapit sya ng palapit sa pwesto ko kaya hindi ko rin maiwasang mangilabot. Tatayo na sana ako dahil malapit na sya nang bigla naman syang mag-salita.

"Don't." unti-unti nang nai-ilawan ang mukha nya. "Don't go."


Napako ako sa kinatatayuan ko nang marinig ang boses nya. Pagkalapit nya sakin ay halos hindi ako makapaniwala. Napahigpit ang hawak ko nang mapatingin sya sa hawak kong gitara.

Napangiti sya. "You keep it."

He looked at my eyes. "Hi, Anna."


Kabadtrip ka, Tadhana!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon