Chapter 17

149 24 4
                                    

Anna's Point of View

I blinked my eyes nang makita ko si Manang Linda na nakatingin sakin. Parang may hinihintay sya galing sakin.

"Bakit po?" wala sa wisyo kong tanong. May sinabi ba sya?

Ngumiti sya at inilapag ang isang basong tubig sa harap ko "Malalate ka na, anak. Wala ba kayong first subject?"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Manang Linda. Pakiramdam ko nabuhusan ako ng malamig na tubig bigla. Napatingin ako sa wall clock at goodness! Mage-eight na!

Hindi ko na tinapos ang pagkain ko at nagpaalam na kay Manang Linda. Sumunod naman si Kuya Dave sakin at agad na pinaandar ang kotse.

I heaved a sigh. Di ko na matago ang pagka-aligaga ko. Napatingin ako sa labas ng kotseng palabas na ng subdivision ngayon. "Why haven't I notice the time?"

"Anna?"

Lumingon ako kay Kuya. Para syang si Andrew kung titignan ko. Parehas silang makulit pero madalas ay seryoso. Tinapik nya ang balikat ko.

"Alagaan mo ang sarili mo ha. Ilang araw ding mawawala ang mga kapatid mo."

Hindi ko maiwasang makaramdam ng lungkot sa sinabi nya. Nung isang araw pa umalis sila kuya. Bago ang gabing yon ay kinausap na nila 'ko.

May business trip si Andrew sa London. Si Andrea naman magiging busy dahil sa pinapatayo nyang clothing shop sa Batangas. Babalik naman sila sa susunod na linggo pero iba pa din yung nandon sila sa bahay.

Hindi ko nasabi kay Andrea 'yung tungkol kay Kent. Hindi pa naman nagtatagpo ang landas namin pero kinakabahan pa din ako. Umiiwas kasi ako sa tuwing nakikita ko sya sa hallway. Alam kong di uubra 'to pero ito lang ang kaya kong gawin sa ngayon.

Tumigil na 'yung kotse sa tapat ng University. Binalot ulit ako ng kaba. Hindi ko na naman alam kung anong klaseng pagtatago ang gagawin ko kay Kent.

Tahimik akong lumabas ng kotse at nagpaalam kay Kuya. Naglalakad na 'ko papasok ng gate nang bigla kong kalabitin. Napalingon agad ako para tignan kung sino 'yon.

"Good Morning." he smiled.

Nanlaki ang mata ko. KENT?!

Natunaw ang puso ko at di malaman ang gagawin. "Late ka din." he chuckled a bit.

"Ah.. yeah." I laughed awkwardly. Pano ba 'to?

"Sabay na tayo. Sa kabilang room nyo lang din ako." he said saka kinuha ang bag ko.

Nagulat ako at di nakapag-salita. Hindi ko alam kung maiinis ba 'ko o kikiligin. Huminga ako ng malalim at sinundan sya.

"Excuse me."

Lumingon sya sakin. Tinignan ko 'yung bag kong hawak nya.

"What do you think are you doing?"

Ngumiti sya na talaga namang kinabigla ko. Hindi nya pinansin ang pagtataray ko at marahang binigay sakin ang bag ko.

"Sorry, I was just trying to help--"

"No thanks."

Napalingon ako sa likod nang may magsalita. Kumunot ang noo ko nang makitang si Kurt 'yon.

"Ako na magdadala." naningkit na naman ang mata nya sa pag-ngiti nya. Tumingin sya sakin tapos ay kay Kent.

"Allowed naman ako, diba?"

I blinked a few times. Nabigla ako sa pagsulpot ni Kurt. Hindi pa man ako nakakasagot ay kinuha na nya sakin 'yung bag ko at nauna nang maglakad.

***

It's Lunch Time. Iniligpit ko na ang mga gamit kong nakakalat saka tumayo. Nagugutom na 'ko. Sobrang daming pinagawa ng mga teachers ngayon kaya na-drain ako.

Palabas na 'ko ng room nang bigla akong akbayan.


"Your morning shining armor is here, Madam!"


I rolled my eyes. Oh c'mon, Kurt.


Tinap ko ang kamay nyang nakaakbay. "Hands off."

He chuckled. "You gonna eat alone?"


"Hmm?" tumaas ang dalawang kilay ko. Maya-maya ay napalingon ako nang may tumabing babae kay Kurt. Nabigla ako nang marahan itong ngumiti sakin.

Pumasok kami ng Cafeteria. Punong-puno ito ng studyante kaya maingay din. Madami ang napapatingin sakin pero mas madami kay Kurt at sa kasama ni Allysandra.

"Dude lagi na lang." biglang nagsalita si Kurt. "Nakakasawa titigan ng mga studyante."

I rolled my eyes again. "Seriously." ang hangin na naman ng lalaking 'to.

Umupo kami sa isang table. Nagpresinta si Kurt na mag-oorder para saming lahat. Nagulat nga kami nang tumayo din si Sandra para sumunod kay Kurt. Siguro para makatakas na din sa makulit nyang kasama. Binigay na lang namin yung bayad sakanila at agad naman silang umalis.


Late na nang marealize kong naiwan pala kami nung lalaking kanina ay nangungulit kay Allysandra. Napalunok ako at di mapakali dahil medyo awkward ang paligid.

"Hi."

Napatingin ako sa kanya nang magsalita sya. Hindi ko alam ang sasabihin kaya naman nagpatuloy sya sa pagsasalita.

"I'm Adison Clayton." he smiled as he offer his hand. "Are you Sandra's new friend?"

Tinignan ko ang kamay nyang nasa harap ko. Medyo nahiya naman ako baka mapahiya sya kaya tinanggap ko 'yon, "Yes, I guess." I smiled back.

He was staring at me kaya medyo umubo ako. Napansin nya sigurong nakatitig sya sakin kaya nag-sorry sya. Ano bang problema nya?

"Hindi ko maiwasan. May kagawig ka kasi.." ngumiti sya at tumingin sa gilid. Hindi na lang din ako nagsalita.

Nandyan na sila Allysandra kaya naman tumayo sya agad at kinuha ang mga dalang pagkain ni nito. Maya-maya ay inilapag na din ni Kurt ang mga pagkain na dala nya sa harap ko. Nginitian nya 'ko ng malaki saka kumindat.

I jokingly cringe at his wink. Tumawa naman sya at ginulo ang buhok ko.

Kabadtrip ka, Tadhana!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon