Lance's Point Of View
"Good Evening, sir. Welcome to the Black Crust."
Dumiretso ako papasok ng bar. Isang pamilyar na amoy ang bumungad agad sakin. Napangiti ako kahit papaano. Ito na ata ang lugar na nakakaalam ng halos lahat ng mga hinanakit ko sa buhay 5 years na ang nakakaraan.
Tumingin ako sa paligid. I'm Home.
"Whoa! What the hell are you doing here, Dela Fuente?"
Isang pamilyar na boses ang nagpaangat sa ulo ko. Bumugad naman agad sakin ang half-amused, half-sarcastic expression ni Kiefer. I smiled annoyingly.
"Hey, Jackie."
Si Kiefer ang may-ari ng bar na 'to. At dahil kaibigan ko sya, madali akong nakakapasok dito.
Bigla nya kong sinamaan ng tingin sa sinabi ko. Ayaw nya kasing tinatawag sya sa pangalang Jackie. It's his ex who made that nickname. Kaya nga hanggang ngayon naasar parin sya sa pangalan na 'yon.
"Shut the hell up, Lance. Hindi kita inaano." asar nyang sabi at umupo sa tabi ko. He ordered his favorite wine at ganon din ako. Tumingin sya sakin at tinaasan ako ng kilay.
"Uulitin ko. Bakit nandito ka? Ang alam ko Monday ngayon." he sip his wine. "Unang araw pa lang ng pagpasok mo nagbabalak ka nang magpariwara. Seryoso, dude, ganyan ka na ba ka-pariwara?"
This time ako naman ang nagsama ng tingin sakanya. What makes he think I'm wasted? Like fuck, hindi ko naman pinapabayaan ang pagaaral ko kahit hindi halata.
"H'wag mo 'kong igaya sayo. Atleast nga pumapasok ako." I countered and heaved a close-mouth sigh. "Ang dami lang kasing gumugulo sa isip ko."
Bigla syang napangiti sa sinabi ko, lumapit sya sakin at halatang naging interesado sa sasabihin ko.
Nagkaroon ng panandaliang katahimikan na parang parehas kaming naghahanap pa ng sasabihin. Maya-maya ay bigla na lang syang nagsalita. Hindi ko nga alam kung paano ko narinig 'yun sa kabila ng malakas na tugtog.
"Ano bang problema mo ngayon?"
Hindi agad ako nakapag-salita. Hindi ko kasi alam kung paano sisimulan. Sa dami ng gusto kong sabihin, isa lang ang nabanggit ko.
"Buhay si Gail." napahawak ako ng mahigpit sa baso ko, "Hindi na sya basta guni-guni ko lang ngayon. Nakita ko ulit sya."
Hindi sya nagsalita pero alam kong nakikinig sya. Bumuntong hininga ako at pinagpatuloy ang kinu-kwento ko.
"Sa gulat ko, nabitawan ko sya kaya nahulog sya sa pool." Napatingin sa 'kin si Jackie pero wala syang sinabi. Halata ang pagkagulat sa mukha nya pero hindi sya nagtanong.
"Ilang segundo akong nakatingin lang sakanya. Gulat parin kasi ako sa nangyayari." bumuntong hininga ako. "Nang marealize kong nalulunod sya ay agad akong tumalon sa tubig. 'Pag ka-ahon namin, bigla kong naramdaman 'yung tibok ng puso ko. Parang nagkaroon ng déjà vu."
"Bakit naman?" sa unang pagkakataon, nagtanong sya. Napangiti ako.
"Nakilala ko si Gail nung Grade 4 kami. Nalulunod din sya sa pool at ako ang nagligtas sakanya."
Bigla na lang akong nakaramdam ng hapdi sa kamay. Napatingin ako 'don, basag na pala yung hawakan ng baso na hawak ko. Napangisi ako.
"Naalala ko bigla, hindi rin marunong lumangoy si Gail. Parehas na parehas talaga sila nung babae kanina. Sino 'yon?"
"Si Gail." bigla nyang sabi. Natawa naman ako.
"'Yun nga ang akala ko pero kasi--"
"No. Si Gail." napatingin ako kay Jackie. Nakatingin sya sa entrance ng Black Crust kaya sinundan ko ang tingin nya. Halos lumuwa ang mata ko pagkakita sa taong nasa entrance habang naglilibot ng tingin. B-Bakit nandito sya? "Si Gail 'yan diba?"
BINABASA MO ANG
Kabadtrip ka, Tadhana!
Dla nastolatkówAnna left her life in America to move on with her past relationship. She was naturally proud and confident. She was very sure of every details about certain things so that no one can debate against her. Not until she got herself to a place where peo...